Hundred Islands Adventure

Nagsimula ito sa parinig ng aking inang “Nakita ko sa TV ang ganda pala sa Hundred Islands” ako namang madaling makaramdam e sagot agad…Kelan niyo gustong pumunta? Isama na din natin si Ateng (yung ate kong panganay na nasa Caloocan) So nakita namin na ang Semana Santa ang pinakaposibleng araw. Uuwi ate ko at mga ilang araw din yun.

Ang malupet, yung 3 orihinal na gagala e nagmultiply by 5, dumami ng dumami at nangailangan ng mag arkila ng sasakyan. P5000 ang van na pwede hanggang 15 (kasama driver at sidekick). Sumobra kami ng isa kaya siksikan to the max pero walang nagreklamo kundi ang pwet kong kalahating tumbong lang ang nakaupo…huhhhh.

Umalis ng alas-3 ng madaling araw dahil hinahabol kong maisafety ang bangkang aarkilahin siguradong matao ang araw ng Sabado de Gloria, tamang tama di kami pinaghintay ng matagal pero di kami sa Tourism nagtuloy (na siyang nabasa ko sa internet na unang puntahan) Yung driver ay dinala kami sa Sweet Honey hotel & Restaurant, mas madali daw magbook ng bangka dun kesa Tourism at ganun nga ang ginawa ko. Ang tumatayong booker (Herman Bielza) ang nag asikaso ng Environmental Fee na P80/head (P40 lang sa nabasa ko sa internet pero nagtaas na nga daw last year).

This slideshow requires JavaScript.

At totoo nga, saglit lang kaming naghintay at wala pang 6:30 ay nakalarga na kami para ikutin ang hundred islands na magkakatabi lang naman. Sa Children’s Island kami tumigil, mas maganda daw dun dahil mababaw at di maalon ang dagat. Pero pinayagan kami ni Mang Boy na aming bangkero na magside trip sa Governor’s Island at makapagpicture taking bago tuluyang tumigil sa Children’s Island.

This slideshow requires JavaScript.

Di kami nagluto dun di gaya ng iba, luto na ang aming baon na nakabalot na din ng hiwa hiwalay. At totoo nga.. mababaw ang tubig, hindi makati at me matataguan ang mga takot mabilad sa araw. Ang tangi lang puna ay masakit sa paa ang mga bato at maaari kang masugat kung mamalasin.

This slideshow requires JavaScript.

Matatawid mo ang kabilang isla dahil hanggang dibdib lang ang pinakamalalim na bahagi.

This slideshow requires JavaScript.

Ang aming dalagang maliit ay di matatawaran ang saya. Nakakatuwa ang lakas ng loob nito na sa edad na 2 taon ay magugulat kang bigla na lang isisisid ang ulo buti na lang at di umaabot sa tubig hahaha.

This slideshow requires JavaScript.

Ang aming binatang munti naman noong una ay takot na takot sa tubig pero ng masimulan ay ayaw na ding paawat kundi pa inabot ng ginaw at ng pasakay na uli sa bangka  upang bumalik sa hotel, nagpapalahaw ito ng iyak at sabay sigaw na “ayoko pa uwiiii!” ang tagal bago ito napatahan.

This slideshow requires JavaScript.

Ang inang ko naman ay ginawa akong salbabida upang di siya anurin, nakaupo siya sa harap ko at nakakulong siya ng aking mga binti… at gusto pa magpakalong nyahahaha!

IMG_20160326_093516

Bilib na bilib din ako kay inang na sa edad na 80 ay nagawa pang akyatin ang mahabang hagdan sa Governor’s island upang makarating sa View Deck. Ako nga ay humahagok sa pagod ng makarating ano pa kaya siya…pero nagawa niya at kasama namin sa pictorial ng buong grupo. Ang kuyang ko na hirap lang lumakad ang wala doon.

This slideshow requires JavaScript.

Hanggang dito ko lang nakunan ng letrato si Kuyang Kemo dahil di na niya kaya pang umakyat ng kahit ilang hakbang, kaya naiwan na lang ito sa ibaba habang kami naman ay naghahanap ng magandang lokasyon upang magselfie at makakuha ng magandang larawan.

This slideshow requires JavaScript.

Ang kabutihan ni Mang Boy Bielza

Hindi sumagi kailanman sa isip ko ang gagawin ni Mang Boy sa aking kuyang. Nang sunduin niya kami sa aming Gazebo ay sinabi agad niya na “ako na ang bahala kay kuya, bumaba na kayo” Nahuli ako kaya upang itsek ang aming lugar para masigurong walang naiwang gamit kaya di ko nakita ang ginawa niya, sinabi na lang nila na pinasan nga daw ni Mang Boy ang Kuyang ko upang makababa sa hagdanan. At di yun natapos doon dahil muli niya itong binuhat mula sa daungan papuntang bangka, di sa paraang pasan kundi sa pagbuhat sa isang balikat lang niya. Hindi maliit na tao ang kuyang ko at wala itong pwersa kaya mas mabigat ito. Pero hindi iyon ininda ni Mang Boy at nagbitiw pa ito ng assurance dahil siguro nararamdaman niyang natatakot ang kuyang ko “Huwag kang matakot, hindi kita bibitiwan, kung babagsak ka ay dalawa tayong babagsak” at naisakay nga niya ito ng maayos sa bangka.

This slideshow requires JavaScript.

Sobrang tumimo sa akin ang mga salitang binitiwan niya at ang malasakit na ipinakita niya para sa kuyang ko. Higit sa serbisyo ang kabutihang iyon. Na nagawa niyang pagaanin ang kalagayan ng kuyang ko dahil sa malasakit niya. Sa buong biyahe ng bangka pabalik sa hotel ay iyak lang ako ng iyak…humalo na ang luha ko sa tubig alat na tuwang tuwa kaming hinahampas. Hindi bale, di naman nakikita ng mga kasama ko dahil nasa unahan ako nakaupo. Ayokong magtaka pa sila, ayoko na ding magpaliwanag sa iyak na iyon.

Isang masaya at punong puno ng damdaming bonding moment ito ng aming pamilya…asahang magiging madalas pa lalo at mabilis ang paglaki ng aming mga bulinggit.

Kay Mang Boy..maraming maraming salamat sa malasakit…hinding hindi namin ito malilimutan…

Para sa kaalaman ng lahat narito ang talaan sa magagastos kapag nasa Hundred Islands ka na

Environmental fee – P40/person (day tour) P80 (night tour)

Entrance Fee – P30/person

Insurance – P10/person

***discount of 20% for Senior Citizens and PWD (Person with disability) and it is implemented on Environmental and Entrance Fee

Motorboats rates

Small (1-5 persons) – P1,400.00 (1 day tour) P3,000.00 (2 days tour)

Medium (6-10 persons) – P1,800.00 (1 day tour) P3,800.00 (2 days tour)

Large (11-15 persons) – P2,000.00 (1 day tour) P4,500.00 (2 days tour)

Other Facilities

Guest House – P5000 for overnight

Gazebo P600 (Day tour)  P1000 (overnight)

Pavilion 1 & 2

1st floor – P5000 (day) P7,000 (overnight)

2nd floor – P5000 (day) P7,000 (overnight)

3rd floor -P2000 (day) P4,000 (overnight)

Picnic tables & chairs

At Pavilion 1 – P300 (Day tour)  P500 (overnight)

At Pavilion 1 – P200 (Day tour)  P300 (overnight)

Wooden tables without shed – P500 (Day tour)  P700 (overnight)

Concrete tables without shed – P200 (Day tour)  P300 (overnight)

Tent space fitching fee – P200 (overnight)

Island Activities

Zip line (546 m) @ Governor’s Island – P250/jump

Zip line (120 m) @ Quezon Island – P250/jump

Wall climbing – P50/pax

Rapeling – P50/pax

3 in 1 package – P175

Banana boat max 7 pax -P1,500-ride

Helmet diving – P400/dive (20 mins)

Kayaking max 2 pax – P250/hr

Snorkeling – P250 set gear rental

***Prices as of March 26, 2016

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s