Halina at bisitahin ang Dabaw (Day 2)

Ang ikalawang araw ng Davao escapades…

Nagkuhanan muna ng letrato sa kwartong aming tinuluyan…Jade Dragon’s Suites na nasa Aurora, Jacinto Street, napakalapit sa night market.

This slideshow requires JavaScript.

Eden Nature Park

Isa ito sa pinakapopular na lugar sa Davao….yung tipong kulang ang punta mo dun kundi mo ito mabibisita. Medyo may kamahalan ang entrance fee na kasama naman ang isang buffet lunch o plated snack. Hindi na kami nakahabol sa buffet lunch dahil mahigil na 500 na daw ang bisita ng panahong iyon at nag cut off na. Kaya sa plated snack na lang kami umabot.

IMG20160514114711

Matagal pa lang ay iniisip ko ng sumakay sa Sky Cycle nila at ang malupit, nang makita ko kung gaano kataas yun ay parang nangalog ang tuhod ko…Ang tagal na kundisyunan muna bago natuloy, kundi pa sinabi ni Ateng Pining na gusto niyang subukan baka di pa kami tumayo at bumili ng tiket.

Pinapanood pa lang namin yung nasa Sky Swing ay lulang lula na ako…unti – unting itinataas yung mga nakasakay hanggang sa taas na halos 4 na palapag…mas mataas pa kaysa sa Sky Cycle. Pagkatapos ay biglang ire-release yung swing…nakupo nanonood pa lang ay parang mapupugto na hininga ko.

Okay, tuloy ang kwento ng Sky Cycle. Nagsabi ng susubok e di kailangang samahan.

Pipirma muna ng waiver ang bawat isa pagkatapos ay susuutan ng harness at maghihintay ng iyong turn para siya namang sumalang sa ere.

IMG20160514135408

Pinangahasan ko ng hawakan ang selfie stick, narito na ito e di kunan na ng video. Kita ko namang nag iisang kamay lang yung mga nagbibisikleta at paselfie- selfie pa.

Pero iba na pala kapag ikaw na ang nakasalang. Sobrang kabog ng dibdib ko na ang tangi na lang naririnig ay ang sariling tibok…walang pakialaman at ang mahalaga lang ay huwag mabitiwan ang selfie stick kaya kahit tabingi ang kuha ay keri na day!

Ikaw din ang magbabalik sa sarili mo at sa pagbabalik ay di na ako nagvideo…kailangang isalba ko na ang buhay ko hahaha kaya dapat ay hawak ng maigi ang manibela.

Dalawang beses kong sinubukang tumingin sa ibaba pero para akong magkukulaps sa lula…whew! buwis buhay talaga. Ni hindi ko na narinig yung isang kasama namin na nagtatawag na pala ng kasama sa kalagitnaan ng pagbibisikleta dahil tumirik pala siya (as if me magagawa kami para siya tulungan huhu). Tapos ay nagdarasal na pala itong aking pinsan at nagtatawag na ng Santo dahil sa nerbiyos haha. ako naman???well pakinggan niyo ang video at malalaman ninyong pumipiyok na ako sa nerbiyos.

This slideshow requires JavaScript.

Nairasos din sa wakas, TAGUMPAY!

 

Entrance Fee

P550 buffet lunch

P220 Plated snack (spaghetti or cheese bread, brownies and drink)

Rides

Sky Cycle – P200

Sky Swing – P200/pax (pair)

P250 (single)

Zip line – P150

****Senior citizen rate applied

Crocodile Park

Akala ko ay simpleng crocodile sanctuary lang ito pero kapag pala weekend ay may mga palabas.

Naabutan na naming nagsisimula ang Animal Got Talent Show (4:00 ng hapon ang simula mula sa dating 4:30)

Nakakatuwang makita kahit kailan ang mga hayop na nagpapakitang gilas sa kanilang talento, mga ibong nagbabasketball, nagbibisikleta at nag scooter. Marunong pang maghiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok…saan ka pa hehe.

This slideshow requires JavaScript.

Mga unggoy na nagbabasketball.

Si Orange na nagpapacute lang pero nakakaaliw talaga.

Naroon din ang tigreng ipinakikita kung gaano katalas pagdating sa kanyang pagkain.

Mga buwayang nagsasayaw ng belly dance (habang hinahabol ang nakasabit nilang pagkain)

at ang highlight ng pagtatanghal…ang fire dance ng Tribu K’ Mindanawan. Nakakaaliw ang kanilang pagtatanghal sa paggamit ng iba’t ibang klase ng apoy. Protektado sila sa mata at buhok pati na ang damit ng ilan ay fire proof din.

Napakagandang pagtatapos ng gabi para sa araw na ito.

 

Entrance fee

P300 (weekend rate)

P250 (weekdays rate)

****Senior citizen rate applied

 

Narito ang unang araw sa Davao

Samahan ninyo kaming muli sa ikatlong araw sa Davao.

 

 

 

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s