A-Maze-ing Sunflower

img20170224070238

Ang A-Maze-ing Sunflower ay pormal na nagbukas noon Pebrero 17, 2017 at ayon sa mga katiwala doon ay magtatagal lamang ng isang buwan.

Isang kaaya-ayang naninilaw na taniman ng Sunflower ang makikitang mayabang na namumukadkad at lahat halos ng mga bulaklak ay buong pagmamalaking nakatingala kung saan naroon ang sinag ng araw. Sa aking malikot na imahinasyon ay para ko silang nakikitang tila mga sundalo na matitikas na nakaharap sa kanilang Pinuno at naghihintay ng anumang kautusan at buong pusong magsisisunod.

This slideshow requires JavaScript.

Ang kabuuan ng taniman nito ay isang Maze (malinaw naman ito sa kanyang pangalan 🙂 ) at di kumpleto ang pagpunta mo dito ng di mo daraanan ang maze na ito.

This slideshow requires JavaScript.

Matatagpuan din doon ang iba’t ibang herbs, gulay at mga bulaklak, nakakatuwa ang pagkalalaking upo, ampalaya, patola at iba pa. Maging ang ibang variety ng mais (kulay violet) at iba pang pananim ay inyo ding matatagpuan.

This slideshow requires JavaScript.

Isa sa nagustuhan ko doon ay ang hydroponics na paraan ng pagtatanim ng lettuce at ito ang nagtulak sa akin na bumili ng ilang sachet ng buto ng lettuce….balak kong subukan ang paraang ito sa mga susunod na araw.

This slideshow requires JavaScript.

Detalye kung paano makakapunta
Ang A-Maze-ing Sunflower ay makikita sa C.Lichauco, Tayug, Pangasinan.

Kung paano makakarating dito ay mababasa sa susunod na bahagi.
Mula sa Allied Botanical Corp.

Kapag walang masakyang deretsong Tayug, bumaba sa may SM Rosales at sumakay ng van.

Pamasahe: P50

Bumaba sa 7/11 Sta Maria at mula doon ay sasakay ng tricycle hanggang sa mismong lugar.

Pamasahe: P120- P150 depende sa oras ng biyahe, mas mahal kung masyado pang maaga.

Kung mapapaaga naman (gaya ng nangyari sa amin) at wala pang masakyan sa SM, Rosales, maaaring sumakay sa tricycle mula doon at idederetso ka na sa mismong lugar.
Pamasahe: P300-P350 (per larga)

This slideshow requires JavaScript.

Ang A-Maze-ing Sunflower ay bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Ang entrance fee naman ay:
P100 – adults
P80 – PWD, Senior Citizens at estudyante.

This slideshow requires JavaScript.

Meron din silang mga booths para sa kanilang mga ani na ibinebenta at sa mga nagugutom at kailangan ng meryenda.

Halina at mag-enjoy!

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Baguhin )

Connecting to %s