Isang Pasasalamat….Maui Atienza

Noong ika-15 ng Mayo ay nangyari sa akin ang isa sa hindi gugustuhin ng sinuman sa atin…ang mawalan ng wallet na kung saan naroroon ang mga IDs, ATM at maging ang Credit cards.

Hindi ko sinasadyang sa bulsang likuran ng aking short ilagay ang wallet na iyon, nawaglit lang sa isip ko na ito at hindi ko naialis dito. Napansin kong nawawala na ito ng ako ay nakasakay na ng bus mula Cubao pauwi ng aming lalawigan. Nangangahulugang sa ilang pagsasalin ko na ng sasakyan nalaglag (o nadukot) at panic to the max ang peg ng lola niyo.

Paanong di ka maaaning, lahat ng kabuhayan ko naroon na at kung sa masamang kamay ito lumagpak…yari ako hahaha. Isama pa ung katotohanang wala akong contact number doon, ang aking address mula sa IDs lang ang maaaring maging daan upang ako ay matunton at maibalik sa akin ang lahat ng naroon…ito ay kung ipapadala ng nakakuha sa pamamagitan ng koreo.

Pag-uwi ng bahay ay ang pagpapablock agad ng credit cards ang una kong ginawa, mabuti na lang at ang kaibigan kong si Jolen sa SBC ay hindi niya pinablock yung card kundi ung maliit na halaga lang na naroon, ito ay kung sakali nga daw na maibalik pa.

Nagdasal ako ng gabing iyon na sana ay sa mabuting kamay napunta ang wallet at natulog na ng mahimbing. Madaling araw (pasado 4 ng umaga) ang kaibigan kong si Juliet ay tumawag upang ipaalam na kinontak siya ng nakapulot sa wallet ko at ito nga raw ay magpapadala ng mensahe kung saan ko ito maaaring makuha. Siya daw si Maui Atienza ng MMDA. Isang malaking pasasalamat sa Panginoon at di nga nagtagal, tumawag si Maui at sinabi ang eksaktong lokasyon ng kanilang tanggapan.

Hndi ako nag-aksaya ng panahon at ako ay nagtungo na sa kanilang tanggapan sa may Orense. Napakagaang kausap ni Maui at nang nakaharap ko na nga siya ay personal at taos-puso akong nagpasalamat sa kanya pati na sa kanyang mga kasamahan.

Ang mga paraang kanyang ginawa.

Makikita mo ang kagustuhan talaga niyang maibalik sa akin ang mga mahahalagang bagay na iyon, mas madali ang balewalain na lang ito, kunin ang kaunting halagang nasa wallet at itapon na lang. Pero hindi, kahit pagod na siya/sila sa naging lakad ng gabing iyon, ang unang naisip niya ay hanapin ako sa Facebook, ngunit sa kadahilanang hindi ko pangalan ang nasa profile ay hindi niya ako natunton. Ano ang kanyang ginawa? nagpost siya sa wall niya at doon nanawagan sa mga maaaring nakakilala sa akin at hiniling niyang i “share” ang post niyang iyon. (Makikita sa time stamp ng post niya ang oras).

At hindi lang doon natapos ang kanilang paghahanap. Katulong ang kanyang kaibigan ay nag search sila sa Google at maswerteng naituro ako sa Pinaykeypoint.org. Ang blog site ng Pinaykeypoint na isang Tour Organizer sa Pinatubo, Anawangin at ilan pang kilalang destinasyon.

 

Hindi araw-araw nating mararanasang mawalan at maibalik muli. Hindi ako magsasawang ibahagi kaninuman na ang kabutihan ay patuloy pa ring nananalaytay at patuloy na magbibigay sa atin ng pag-asang manalig ka lang at ibabalik ng sampung doble ang mga kabutihang iyo ding ibinabahagi sa iba.

Sa MMDA (Metropolitan Manila Development Authority), saludo ako sa inyong mga kawani, lalong lalo na sa grupo ni Maui Atienza ng Treasury (Finance).

Pagpalain nawa kayo ng ating Panginoon.

 

Advertisements

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Baguhin )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Baguhin )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Baguhin )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Baguhin )

w

Connecting to %s