Ang sumunod naming pinuntahan ay ang Opdas Burial Cave. Libong taon na halos ang mga bungo at kalansay na inipon nila mula sa iba’t -ibang kweba at isinentro sa lugar na ito.
Napakayaman sa kultura ng ating mga ninuno at mabuti dahil merong mga nakakapagpanatili pa ng mga ito.
Halina at puntahan natin ang Benguet Mt. Province at ating tuklasin ang magagandang tanawin at mayamang kultura.