Tungkol po sa otor

Hindi ko naisip agad na maaari palang gumawa ng tagalog na blog. Hindi pa kasi ako batikan sa larangang ito at natutuwa naman ako na me mga komunidad pala talaga para sa mga nagkakaintindihang lenggwahe hahaha. Marapatin po ninyong maibahagi ko din ang aking mga saloobin, tuwa man ito o galit, panggigipuspos at tagumpay para maramdaman ko man lang na ako pala e isa na ring manunulat.

Maraming salamat sa pagsilip at sana ay maging bahay ko din ang blog ninyo at gayundin kayo sa akin.

Para sa english blog ni Red ay pakibisita na lang po ito. redfieryheart.wordpress.com

26 responses to “Tungkol po sa otor

  1. sa totoo lang napakahirap bumuo ng isang storya sa sarili nating wika, mas madali sa atin ang gumawa sa banyagang wika dahil yun na ang nakasanayan natin pero mas masarap basahin at nanamnamin ang mga bawat salita sa sarili nating wika dahil mas madaling nating maiintindihan at ma isasaloob ang bawat salitang binibitawan nito…

    Ate Red maraming salamat po naway patnubayan ka pa po ng Maykapal at bigyan pa ng malawak na karunungan at kalusugan para sa susunod mo pa pang mga balakin at pangarap sa buhay..

    salamat po sa tulong and encouragement asahan nyo po pag aaralan ko lahat na turo mo keep up the good work po tunay ka pong kapanalig

    God Bless you more.. love you

  2. ang dami hehe pero magaganda nmn liz di ko na nabasa lahat babalikan ko na lang. paano ka pa nagkakatime magisip nyan. haha keep up the good work liz

  3. Hello liz.. Wow ngayon ko lang nabasa ng buo ang blog mo.. ganito ka na pala ka-expert? Natutulog ka pa ba sa mga pinag-gagagawa mo? Oy.. baka ang kapal na ng eyeglass mo! Hahaha… tumatayo ka pa ba dyan sa upuan ng computer mo ha… baka ang kapal na ng kalyo sa… hmp! hehehe. Turuan mo naman daw ako paano gumawa ng ganito.
    {Ano ba itong pook-sapot ha???)

  4. hindi ko alam kung anung itatawag ko sayo dahil hindi ko din naman makita ang pangalan mo.
    oo, natuwa din ako at natuklasan ko
    ang blogosperyo (kung tawagin nila sa wikang pilipino).

    magaling kang magsulat.
    isa pa lang ang nababasa kong blog mo
    at masasabi ko’y puno ito ng detalye at
    inpormasyong talaga naman nakakatulong

    free kang gawin ang lahat ng gusto mong gawin
    sa iyong blog, hindi mo kelangan isipin kong
    magugustuhan ng iba ang iyong sinulat.
    sumulat ka hanggat gusto,
    gawin mong malapad na papel
    at punuin mo ng ibat ibat titik, salita, at pangungusap
    ang bawat spasyo na meron ka.

    sa aking pananaw
    bagay kang maging news writer.
    =)

    • salamat po matipunong Lizard. Nacurious ako sa iyo kasi nakita ko ung machong butiki na isa sa nasa top blog un kundi ako nagkakamali, danga’t wala akong time na masilip man lang ito. Salamat sa pagbisita at asahan mong makikita mo din ako sa iyong bakod.

  5. Natuwa naman ako nito. Naghahanap kasi ako ng online extra income opportunity. At laging kasama ang paggawa ng blog. Kaso madalas ay english. Problema di ako ganun kagaling sa english. Ngayong may tagalog na ay may chance na ako. At least kahit papano ay may alam ako sa salita natin.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s