Benguet Mountain Province Adventure

Ang Dorang lagalag ay muli na namang nakidnap, ngayon ay 5 na kaming pumunta sa Kabayan, Benguet para sa Enchanted Lake. Hindi ako nakagear na maghiking ang usapan lang namin ay sa Camp site o sa aming tutuluyan lang ako at magluluto para sa kanila. E kaso makukulit at ayaw akong tantanan kaya halina at kami ay samahan sa pag-iikot at pag-akyat sa mga lake ng Tabeos.

Unang destinasyon, ang Mt Pulag National Park Ranger station.

Mula sa Baguio city ay maaari kang sumakay ng van papuntang Kabayan at ang daan ay Buguias. Nasa mahigit 4 na oras ang biyahe at mayroon lang itong dalawang van papunta roon na ang unang biyahe ay 7 ng umaga. Kailangang magparehistro ang lahat ng turista sa opisina at magbayad ng Entrance fee na P175/head, camping fee na P50/head/night at LGU fee na P150/head. Pagkatapos ay ang orientation mula sa otoridad.

This slideshow requires JavaScript.

Magmula sa Ranger station mararamdaman mo na ang sumisigid na lamig kaya pagkatapos ng mga selfies at groupies ay nagpasya na kaming pumunta sa bahay tuluyan.

This slideshow requires JavaScript.

dahil malaki pa ang oras pagkatapos ng pananghalian ay nagpasya ang lahat na ikutin na ang mga lawa (lakes) na maaaring akyatin. sa tulong ng binatilyong guide namin ay naranasan ko ang isa sa mahirap ng trek. Malaking tulong ang trekking stick na ipinahiram sa akin ni Carz pati na ang gomang gwantes na binili para maipanghawak ng mga damo at halamang pwedeng kapitan sa pagtrek. Hindi man umayon  ang panahon dahil umuulan ng bahagya ngunit di nagpatinag ang lahat at sinuong ang madawag na gubat kung saan makikita ang 3 lawa. Nasa 8 degrees na lamig samahan pa ng basa ng mga damit, dulas ng daan at talaga namang masusubok ka.

This slideshow requires JavaScript.

at ang saya ng marating na naman ang Junior Pulag o baby Pulag kung tawagin, madidinig ang pito ng malakas na hangin at ang napakakapal na fog.

Abangan bukas ang ibang bahagi ng adventure na ito!

 

 

Family Bonding sa EM Royalle Hotel & Beach Resort

Sa mga gusto ng bagong mapupuntahan sa San Juan, La Union, isa ang EM Royalle Hotel & Beach Resort sa aking inirerekomenda. Bagama’t sa Hulyo pa ng taong ito ang Grand Opening pero tumatanggap na sila ng mga panauhin.

This slideshow requires JavaScript.

Hindi man fully operational pa sa ngayon pero di maikakailang napakaganda ng lugar na ito. Ang dagat ay napakalapit lang sa dalampasigan at kung gusto namang lumangoy sa swimming pool, tamang-tama ang laki ng pool na naroon.

This slideshow requires JavaScript.

Pwede ba naman palampasin na matapos ang araw na walang jumpshots? Siyempre hindi kaya halina’t sama-samang makitalon sa amin!

This slideshow requires JavaScript.

At sa pamilyang sobrang nag effort sa bonding na ito, salamat Beth at Danny 🙂

Ganundin kay kuya Ruben Casuga sa pagbisita sa amin…sobrang appreciated namin kayo.

This slideshow requires JavaScript.

Sa mga extra na nagpapicture sa amin, Enzo Pineda at Ruru Madrid  🙂

This slideshow requires JavaScript.

Sa mga nagnanais na sulitin ang bakasyon sa La Union, maaari niyo silang tawagan sa mga numerong ito at kapag pinalad ay maaaring si Ginang Melanie pa na may-ari ng EM Royalle Hotel & Beach Resort ang siya ninyong makausap o ang isa sa kanilang staff na si Camille.

SMRC Charity Ride at Our Bacud Charities

Muling nagsagawa ng charity ride ang Sym Moto Riders Club (SMRC) sa Arayat Pampanga at sa pangalawang pagkakataon ay ang Our Bacud Charity uli ang recipient.

This slideshow requires JavaScript.

SMRC Riders Strikes again

Halos 50 SMRC riders ang muli na namang nagkatipon-tipon mula sa mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan at ang NCR chapters at nagpamigay ng mga school supplies sa mga kabataang pinangangalagaan ng Our Bacud Charities na pinamumunuan ni Ginoong Mariano (Boie) Gabay Jr.

This slideshow requires JavaScript.

Ang Pagsisimula

Isa itong Non-profit organization na nagsimula lang sa pagtatanim ng mga gulay at halamang gamot mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.

Ibinahagi ni G. Gabay na ito ay inspired sa yumao niyang ina…ilang pirasong talong sa harap ng bahay at naunti-unti hanggang ang mga paligid na lupain ay natamnan na din. Mula sa mga donasyong kawayang bakod ng tanim niya (kaya Bacud) ay may sumobrang P4000 na ginamit niya sa unang feeding sa mga kabataang anak ng mga kasama niyang informal settlers ng lugar. Maraming nakaalam at sumuporta sa mga proyekto kasama na din ang mga magulang at iskolar ng Charities.

Napakarami pang mga plano ang nakahatag at aminado si G. Gabay na hindi niya kakayanin ang lahat ng ito…nabanggit nga niya na kung may “aampon” lang sa programa at ipagpapatuloy ang kanyang nasimulan ay handa siyang sumuporta sa abot ng kanyang makakaya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho as part time sa Munisipyo at di pa niya kakayanin ang mag full time para tutukan ng husto ang charity.

Salamat na lang daw at napakaraming bukas ang palad sa pagtulong (gaya ng mga riders at ilang indibidwal) kaya nakakasalba sa pangangailangan ang mga proyekto.

This slideshow requires JavaScript.

Hindi matatawarang saya

Bakas sa mukha ng mga kabataan at mga magulang na naroon ang kasiyahan kahit sa munting tulong na kanilang natanggap at ganundin naman sa mga nagbahagi ng tulong.

Masaya ako na sa pagkakataong ito ay nakasama akong muli sa isang makabuluhang paglalakbay..pagod ang katawan pero di matatawaran ang kasiyahan.

Isang pagpupugay sa SMRC!