Belenismo 2017

Pormal ng binuksan ang taunang Belenismo sa lalawigan ng Tarlac. At narito ang ilang belen na aming napuntahan.

Munisipyo ng Capas

This slideshow requires JavaScript.

GR8 Multipurpose Cooperative

McDonalds Luisita

Robinsons Luisita

SM Tarlac

This slideshow requires JavaScript.

Intellect Building

Citymall

This slideshow requires JavaScript.

at ang lagi ng pinakahihintay…ang Belen ng mga sundalo sa Kampo Heneral Servillano Aquino. Sa taong ito ang tema ay kapayapaan at pagkakaisa lalong lalo na sa Marawi.

This slideshow requires JavaScript.

Hanggang sa susunod na taon!

Advertisements

Araw ng Kababaihan

Muling pagbabahagi…..

women3

women1Hummmm dati kapag ganitong panahon ay kuntodo na ang paghahanda namin ng aking mga kasama sa kumite ng kababaihan para sa nalalapit na “Araw ng kababaihan” o International Women’s Day. Nag-iisip na kami ng mga pautot na maitatagos sa halos 3000 naming miyembro ng unyon. Nandiyan yung design na parang duster o kaya yung women symbol na bilog at me krus, kung saan ay may nakalagay na “Mabuhay ang Araw ng Kababaihan” Marso 8. At isang kulay lang ang aming ginagamit, ang kulay lila o violet na siyang kulay ng kababaihan. (hindi ko na ikukwento kung bakit lila ang kulay hehe medyo sensored e) Ilang taon ding umikot ang buhay ko sa ganoon maliban pa sa pagbibigay ng mga women orientation.

women2Pero ngayon ay isang babaunin ko na lang na alaala ang lahat. Kasabay ng pagreretired ko (early po at di optional hehe) ay kasama na din nitong isinuko ang pagsasaalang alang sa kumite ng kababaihang siya kong hawak noon sa aming unyon.

Madaming kalakip na nakakatuwa at higit sa lahat ay makasunog batok na karanasan ang bawat pagdiriwang namin sa araw na ito. Kung wala kami sa salakot sa Angeles ay nasa sentro kami mismo ng Angeles. At kung malawakan ang rali ay tiyak nasa Mendiola kami kahanay sina Liza Maza.

May masarap na alaala ako sa aleng iyon e, isang alaalang siyang nagpataas ng moral sa akin. Hindi pa siya kongresista nun, siya pa ang Secretary General ng Gabriela at naimbitahan kami sa isang seminar sa isang unibersidad sa QC. Kumbakit kapag naroroon ako sa ganoong pagtitipon, hindi uubrang di ako magsalita at maglahad ng kalagayan ng kababaihan sa aming lalawigan. Ang topic (tandang tanda ko pa) ay malawakang kontraktwalisasyon. Bawat isang representative ay binigyan ng pagkakataong maglahad ng kaugnay na kalagayan. E sa dami ng mga nauna sa akin halos lahat ay nasabi na yata.

women4Pakwela ng konti, hindi ko namamalayang lumalalim na pala ang aking reporting at natutumbok na nito ang maseselang isyung me kaugnayan sa topic. Nagulat na lang ako ng matapos akong magsalita ay isang malakas na palakpak ang aking narinig at binigyan ako ng standing ovation ng mga naroon sa pangunguna ni Ka Lisa. Ang sabi niya ‘Akala ko ba wala ka ng masasabi” sabay lapit at kamay ng mahigpit sa akin.

Wow! sarap ng pakiramdam. Iyon ang iilang pagkakataong mararamdaman mong tama ang iyong mga ginawa. Saan man kami magkasalubong nina Ka Lisa, kahit ngayong di na ako bahagi ng organisasyon ay nararamdaman ko pa din ang init ng kanyang pagbati.

women5Kilala ang aming komite noon, di lang sa central luzon kundi maging sa National. Walang rali na di kami nagtatanghal, aktibo ang lahat ng aking miyembro sa pangangalaga ko. Nasubukan ko maging singer, skit writer, direktor at tagatanghal ng panahong iyon. Malalim ang pagpapahalaga ko sa kababaihan, hindi lang dahil kabilang ako dito, kundi sa maraming mga karahasang buhay na dinaranas ng kababaihan sa buong mundo. Ang opresyon, incest, karahasang sexual, diskriminasyon ay ilan lamang sa mga ito.

Nawala man ako sa organisasyon, di man ako kabilang na sa mga rali, ang tinitiyak ko lang, hindi kailanman mapapagpag ng pananahimik ko ngayon ang lalim ng pagyakap sa simulaing inilaan ko sa kababaihan.

Mabuhay ang Araw ng Kababaihan, Mabuhay ang kababaihan. BOW!

Bicol Escapades Part 1

Late post na ito pero gusto ko pa ding ibahagi…panibagong escapade with some twists nga lang.

First time na nakapagbakasyon ako for almost a week na di nag alala sa trabaho. Pinilit kong makumbinsi ang amerikano kong boss para sa isang linggong pahinga sa Semana Santa.

Ang destinasyon?

Bicol region, mula Naga hanggang Tabaco Albay. Long trip ito kasama ng kaibigan kong si Shio sakay ng kanyang si Tami. Halos 16 na oras ang aming ibiniyahe dahil sa makapal na dagsa ng mga sasakyan. Ang target? Puntahan ang aking mga kaibigang sina Robin at Juliet pati ang buong pamilya at makapag-unwind.

DSCN3477

Siyempre pa, isang mahabang kwentuhan sa pagitan namin ni Shio para mawala ang inip sa biyahe. Nakakatuwa ang Bicol dahil sa disiplinado nitong mga mamamayan. Malilinis ang mga daan at paligid, ang mga puno kahit pa nagroroad widening ay hindi pinuputol gaya ng mga ito…

Road widening

Ang mga simbahan ay halos magkakatabi at sa pagbisita iglesia namin (14 na simbahan) ay walang kahirap hirap na ito ay mabuo.

DSCN3407edit

 

 

DSCN3423edit

Ishare ko lang ang isang pangyayari kaugnay ni San Antonio De Padua, honestly di ako familiar sa mga santo, tumatak lang siya sa akin sa isang masasabing munting himala. Pag-alis pa lang sa condo ng kaibigan ko ay di ko na makita ang aking relo at kahit anong baligtad sa body bag kong hawak ay wala talaga. Pangalawang simbahan ang kay San Antonio de Padua at sa dami ng mga nakasulat patungkol sa kanya ang unang natutukan ng aking mata ay “Retriever of lost things”. Di ko naman yun sineryoso basa lang ako ng basa hanggang sa ng lumabas kami at makita ang mga violet na ribbong ibinibenta ng mga naroon sa halagang P100 upang maging fund raising ay nagpasya akong maging kabahagi. Bumili ako ng isa at itinusok sa naroon Krus na tusukan ng nabiling mga ribbon.

Violet Ribbon for donation

Cross for the violet ribbons

Cross for the violet ribbons

Pagbaba ko ng hagdan upang sumakay na kay Tami at buksan ko ang dala kong body bag…tumayo ang aking mga balahibo dahil naroon sa ibabaw ang nawawala kong relo…di ko natiis na di banggitin ang bagay na iyon kay Shio at sinabi niyang ang aga kong nakatanggap ng blessing at si San Antonio de Padua daw ang aking santo.

St. Anthony De Padua

St. Anthony De Padua

Isa yun sa di ko malilimutang bahagi ng masaya at nakakaaliw na bakasyon.

Samahan ninyo ako sa ikalawang kabanata.

 

Ang Sinulog ng Cebu

DSCN2296

At last nasaksihan ko mismo ang Sinulog Festival ng Cebu ngayong taon na ito…salamat sa sponsor.

DSCN2281

Dito kami nag stay for 3 nights room 1704.

DSCN2110

ganito halos kakapal ang nagprusisyon para sa Sto Nino noong ika-18 ng Enero at umabot ng mahigit sa 4 na oras ang prusisyong ito.

DSCN2112

nag form na lang ng human barricade ng dumaan ang Sto Nino para di gaanong malapitan ito.

DSCN2153

DSCN2164

DSCN2201

DSCN2171

DSCN2199

nasa 35 ang mga grupong kalahok at siyempre pa mawawala ba naman ang mga artista…

DSCN2219Kim Chiu

DSCN2191

Marian Rivera

DSCN2273

JC de Vera

DSCN2287

John Lloyd at Sir Chief!!! grabe ha me wangwang pa ang pagdating nila sobrang VIP ang treatment at ang lakas ng hatak ng tao ng dumaan na ang float na ito. Akala ko nga tapos na parada e kasi lahat ng tao dagsa sa pagsunod sa kanila. Kasama din sina Jodi at Maja sa float kaso di na kinaya ng bateri ko sa cam kaya wala ng kuha haha.

Maaari ba namang mawalan ng mga bagong kakilala sa ganitong pagdiriwang…

DSCN2224

at sila ay sina Ariel at Joanne Sedano.

Ang mga nanalo sa taong ito:

lumad basakanon

Lumad Basakanon para sa Street Dance Category (photo courtesy by Sunstar)

kulturang placereno

Sinulog-Based champion – Kulturang Placereno

Christine-Jael-Abellanosa

Sinulog Festival Queen 2014

Christine Jael Abellanosa (Photo: libotero.com)

Ang nakakatuwa lang as early as 7 am kinabukasan, malinis na ang kalsada sa mga basura mukhang magdamag silang nagtrabaho para ibalik agad ang ganda ng Metro Cebu.

DSCN2298

wag ka lang aakyat sa kanilang overpass at makikita mo ang mga nakakalat pang bote ng alak sa hagdanan.

DSCN2299

DSCN2302

ang napansin ko lang na kakulangan ay ang di paglalagay ng mga urinals. Sa dami ng taong gustong makapanood ng parada saan sila susuling kapag tinawag ng kalikasan…ang nangyari tuloy ang tapat na pader ng DOH at ang katabing building ng Crown Regency Hotel…nakupo umaagos sa ihi ang mga pader at sementong sahig….malamang kakailanganin ng tulong ng bumbero para sprayan ng tubig at linisin ang mga gawing ito.

Overall rating? Great! mararamdaman mo ang spirit ng festival sa buong lugar na madaanan mo…may kanya kanyang pakulo ang mga establisimyento para sa pagdiriwang at well-attended talaga!

Viva Pit Senyor!

Ang Baguio at si Inang

Ginawa ko ng parang tradisyon na hangga’t maaari kahit minsan sa isang taon ay maipasyal ko man lang ang inang ko at ngayong taong ito ay sa Baguio City ko siya dinala kasama ang aming kapatid na panganay upang makapagbonding man lang kaming magkakasama…sabit ang pamangkin kong si Jay hehe.

Kahit alam kong medyo crowded sa mga panahong ito (Dec. 30) ay hindi ako nagpapigil dahil ang hirap humanap ng araw na pwede kaming magkasabay sabay…tali sa pag aalaga ng mga apo ang ate ko at ako naman ay may trabaho.

Sugod Baguio, 4:30 pa lang ng umaga ay nag-aabang na kami ngunit punuan…salamat na lang at maraming bumaba ng Tarlac dito sa Saulog na galing ng Cavite…nakasingit kami bandang 5:30 na.

unang destinasyon…Grotto (Lourdes)…upang makapagpasalamat at siyempre pa piktyur piktyur…

DSCN1729

Gumawa ako ng itinerary para maging maayos at walang malampasang lugar…liligligin namin ang isang araw na pamamasyal kaya ang kasunod…Tam-awan Village. Dito ay may entrance fee na P50 sa adult at P30 sa Senior citizen. Ito ang modelong bahay ng mga Igorot at sa ilang beses na pagpunta ko na dito nakita ko na ang mga pagkakaiba iba at mga nadagdag.

DSCN1763 di alam kung paano magwawacky pose hehe

DSCN1786 Tingnan naman ninyo ang ngiti o di matawaran

DSCN1790

Sarado ang Mary Knoll Ecological Sanctuary sayang…gustong gusto kong makita nila yun pero nataong bakasyon naman at holiday ngayon. After lunch sa usual na lang kami…Minesview…Wright Park at Botanical Garden.

DSCN1812

DSCN1815The penk horse bow!

DSCN1834

GE DIGITAL CAMERAwow sweet!

DSCN1865

Ang huling napuntahan ay ang Bell Church sa Trinidad Benguet.

GE DIGITAL CAMERA

GE DIGITAL CAMERA

Naawat lang kami sa gala ng magsimulang sumakit ang tuhod ni inang e at maiintindihan mo naman dahil sa ilang lakad sa di patag na daan.

Dahil sa peak season ang naging problema pa ay ang siksikang pila ng mga pababa ng karatig probinsiya… sa Victory Liner ay hanggang kinabukasan pa ng hapon ang booking. Kaya kahit na tig P500 ang pamasahe bawat isa ay  pinatos na namin, di ko ipagpapalit ang convenience namin sa isang libong dagdag na pamasahe.

Sana ay maulit pa ng maraming beses ang ganitong bonding habang kaya pa ng mga katawan…hanggang sa muli po…

Isang Positibong Taon sa Lahat

Kay daming nangyari ngayong taon na ito…sa ating bansa…sa ating pamilya. Ito ang taong sabi nga ng boss ko ay napaka stressful sa akin at totoo naman.

Ang makulit kong ate ay pumanaw noong Hunyo 25, sinundan ng aking tiya ilang araw lang ang lumipas (Hunyo 29) sinagasaan kami ng bagyong Santy at nagpadilim sa aming mundo ng dalawang linggo, at di pa man nagtatagal ay ang lindol na tumama sa Cebu at Bohol at di naglipat linggo ay ang mapanalasang bagyong Yolanda naman ang bumayo sa ating mga kababayan sa Kabisayaan…sunod sunod talagang nag-iwan ng di birong pilat sa buhay ng marami…sa buhay naming mag-anak.

Ngayon ay naglipat taon na naman at ito ay gagawin nating taon ng positibong pananaw at patuloy na pasasalamat…simpleng salo-salo lamang pero magkakasama ang buong pamilya…okay na yun wala ng hahanapin pa.

Sana ay makita natin ang maraming magagandang bagay na dumarating sa ating buhay at iyon ang bilangin at hindi ang iilang kapangitan. Huwag tayong mamuhay sa sama ng loob at paghahanap ng kung anu-ano pa…lumingon lang tayo sa paligid at makikita nating higit tayong mapalad kaysa sa iba…hindi tayo ang nawalan ng di mabilang na kapamilya at mga kaibigan…nakatira tayo sa ating mga tahanan…may mga hanapbuhay at kumakain hindi lamang ng tatlong beses isang araw…hindi tayo ang mga kapuspalad na hindi malaman kung saan matutulog pagdating ng gabi at kung kelan muling malalamnan ang ating mga tiyan…alam ko iyon dahil ang malaking pruweba??? Heto at nakakapagbasa tayo ng blog ng iba.

Isang mapagpalang bagong taon po sa lahat…

DSCN1800