Enjoy the Journey

Sinasabi na nga ba e, hindi ko mahanapan ng tagalog ang enjoy kaya ayan english tuloy pamagat.

Naalala ko lang yung pag-akyat ko sa Pinatubo. Na kundi ako nahirapan sa mabilis na paglakad siguro ay mas naenjoy ko ang pagpunta dun. Kumbakit naman si manong na tour guide namin aba e parang me humahabol na delubyo sa likuran. Ilang beses na kong nakiusap na huminto o maghinay-hinay sa paglakad kasi hagok na kami sa pagod pero di nakinig. Nakaset lang ung isip niya na makarating at maihatid kami sa tuktok at di inisip na di kami kasing sanay niya.

Ang main goal doon ay totoo namang maakyat yung tuktok ng Pinatubo. Pero bakit nang naroon na ako ay parang di ko na maappreciate? Simple lang siguro, kasi di ako nag-enjoy sa pagmamadaling makapunta sa goal. Ni di nga kami halos makapag papicture puro stolen lang kasi maiiwanan kami ni manong.

Ano ang bottom line doon? Ihalimbawa natin iyon sa pag-abot ng ating pangarap, makapagpundar ng kabuhayan at maging maayos ang dulo ng buhay o retirement natin. Subsob kalabaw tayo para madaling maabot iyon. Iyon ang tinatawag na “deferrers” mga nagsesave sa katandaan at pagdating sa dulo ay malalaman nilang di sila masaya. Don’t get me wrong here, di ko sinasabing wag kayong mag-ipon, kundi sa halip na tingnan ang isang dulong retirement (na kapag minamalas malas at bigla tayong kunin ni “BOSS” ay iba lang ang makikinabang) ay bakit hindi gawing mga serye na maliliit na retirement upang maenjoy ang pagdaloy ng buhay.

Huwag tayong masyadong paalipin sa trabaho o commitment na halos di na natin kilala ang sarili. Bukod sa nakakapraning yun ay nakakabaliw din hehe. Naroon ang ating goal di nawawala pero di ba mas maganda na habang inaabot natin yun ay naeenjoy natin ang biyahe ng buhay? Hinto sandali at magrelax sa isang bakasyon. Mga serye ng maliliit na bakasyon. Hindi naman kasi ang goal natin ang laging mahalaga e. Kundi kung paano natin maenjoy yung journey ng buhay habang inaabot yung goal na iyon. Makikita niyo na magiging magaan lahat.

Nasasabi ko ito kasi wala itong pinagkaiba sa naging adventure namin sa Pinatubo. Siguro kung naging relax lang kami at di nagmadali sa pag- akyat sa tuktok, nakapagpapicture ng maayos, napaghuntahanan ang ganda ng dinaanan, hindi siguro magiging parang parusa sa akin particular ang nangyari. Hindi siguro ako makakaramdam ng sagad na pagod at maaplita ng husto ang aking tuhod. Siguro ay napakasarap lalo ng pakiramdam sa pag-abot sa tuktok ng aking “goal”.

Kanina, muli ay tinanong ako ng aking kaibigang Juliet kung okay pa sa aking sumama sa pag-akyat sa Pinatubo. Sabi ko ay okay lang pero pede ba akong isabay sa mga elders? Kasi noong Martes lang yata ay isang 70 at isang 72 years old na me asthma ang itinour nila doon. Pero kitang kita ang enjoyment ng mga elders. Kumpara sa edad ko ay di hamak na mas malakas ako, pero ano ang ipinagkaiba? They enjoy every step they made. Bawat akyat, bawat hakbang, bawat pagtatampisaw sa maliliit na batis. Hinay-hinay na lakad pero maayos na narating yung “goal” nila. Doon ako na-inspire na isulat ito. Ganun ang gusto kong gawin sa buhay ko, hinay hinay na pag-abot ng goal at enjoyin ang bawat hakbang. Tiyak ko kayo din di ba?

habang nag-eenjoy sila sa trekking

habang nag-eenjoy sila sa trekking

ang swet naman nila

ang swet naman nila

doon na din sila naglutu lutuan

doon na din sila naglutu lutuan

hay sarap talaga sa tuktok

hay sarap talaga sa tuktok

Advertisements

Bondage, may sarap nga ba sa hirap?

Paunawa, ang ilang larawan ay sinadyang hindi iedit upang Makita ang tunay na pangyayari, patnubay ng nakakatanda (gurang ba ika mo?) ay kinakailangan.

bondage-elbowHabang nanonood ako ng Probe kagabi di ko mapigil ang di huminto upang panoorin ang isang kakaibang kulturang bumulaga sa akin. Tinatalakay dito ang ‘Bondage’ at ang art ng “Kinbaku”.

Hindi ko napigil di magresearch ukol dito. Totoo nga bang may sarap sa hirap? Ang bondage ay ang paggapos sa isang tao upang makadama ng matinding sensasyon habang nagtatalik. Bagama’t hindi lahat ng Bondage ay nauuwi sa pagsesex, ang psychological pleasure nito ang hinahanap-hanap ng mga taong nahihilig sa naiibang kultura.

kinbakufront2Ang “Kinbaku” naman ay isang uri ng Japanese art na may kinalaman sa paggapos na dapat ay hindi nakakasakit, walang buhol at hindi nakakamatay. Hummmm nakakaintriga talaga. Mantakin ninyo na may mga bagong kultura (upps matagal na nga daw pala ito hindi lang ganoon kapopular).

bondage-male1Vincilagnia ang tawag sa mga taong nakakalasap ng matinding sexual pleasure sa “pagpapahirap” sa kanilang sarili. Ito ay hindi lang para sa kababaihan kundi may kalalakihan ding nagiging “submissive” o pumapayag na sila ang dinodominahan.

bondage-whip1

Hindi lang pagtatali ang nakapaloob sa bondage kundi maging ang paghagupit ng latigo, pagpapatorture sa tubig. Ngunit malinaw at mahalagang malaman na ang BDSM (bondage and discipline, dominance and submission, sadism and masochism) ay hindi isang pang-aabusong sexual. Ito ay may disiplinang sinusunod, ito ang “Safe, sane and consensual (SSC) at ang pilosopiya ng “risk-aware consensual kink” o RANK. Dapat ito ay sinang-ayunan ng bawat panig, ligtas at di nakakamamatay. Pero siyempre pang di maiiwasan na may masaktan at sa sakit na iyon nakapaloob ang isang kasiyahang sila lang ang nakakadama.

ang Kinbaku rope

ang Kinbaku rope

ang bondage chair

ang bondage chair

Sa isang bansang matatawag pa nating konserbatibo, paano titingnan ang isang kultura ng “pananakit sa sarili?” o masokismo. Ang pag-usbong ba ng ganitong kultura ay patunay lang ng kawalang kasiyahan o paghahanap ng ng mas mataas na antas ng kasiyahan ng isang tao? Sino ba ang magtatakda ng pagiging moral at imoral ng isang bagay, ang mga nakapaloob ba dito o ang mga nasa labas? Mag-iwan lang po ng puna.

Isang turok

syringe

Isang araw iyon ng i-pm ako ni MJ (bunso kung aking tawagin)

MJ: ate ang nanay ko…

Nanay? inisip ko kaagad na magpapatawa na naman ito o kaya ay magbubuga ng sama ng loob sa mama niya, kasi nanay ang tawag e. Pero nagkamali ako, malayong-malayo pala yun sa iniisip ko.

MJ: Ang nanay ko two weeks na lang ang buhay…I mean yung yaya ko. Kasabay ng alam kong paghagulgol niya sa kabilang linya.

Ganun? Paano natakdaaan ng ganoon kasigurado ang buhay ng nanay niya? Ganun na ba kagaling ang mga doctor na eksaktong eksakto kung magtaning ng buhay?

Ako: ano ang nangyari?

MJ: those damn F****ing shit doctors!

Whew! Ang lutong nun alam kong dragon na siya sa kabila kaya pinabayaan ko lang siyang maglabas ng galit.

MJ: Pinatay nila ang nanay ko, I am begging them na bayaan nilang mamatay sa natural na paraan ang nanay ko pero di sila nakinig…..! Wala kaming nagawa ni papa, outnumbered kami.

Doon niya ikinuwento na more than just a week ago, Ang yaya niya ay nagkaroon ng matinding virus sa lungs. Nalulunod ito sa excess fluid na nasa baga niya at sa ganitong dahilan nagpasya ang mga doctor sa Canada (nurse si MJ doon at surgeon ang ama niya) na i-euthanasia na ang matanda ( actually di pa ito katandaan, nasa early 60s pa lang ito).

Iyon ang mas masakit sa pakiramdam ni bunso, Ang sapilitang kitlin ang buhay ng ina-inahan samantalang me ibang chances pang pwedeng sugalan.

MJ: alam mo ba ate na ang tanging hiningi ko na nga lang ay 24 hours, 24 hours para naman makasama ko at makapag-usap pa kami ni nanay, pero di nila ako pinakinggan. I still want to tell her how much I love and care for her.

Ako: me ilang panahon ka pa naman bunso, masasabi mo pa ang lahat sa kanya.

MJ: No ate, it’s different na, kasi she is unconscious na, di na niya maririnig pa ang mga sasabihin ko.

Ako: Response lang ang mawawala sa kanya, remember na ang hearing ang huling sense ng tao na nawawala di ba?

MJ: I doubt it ate, kung tatagal pa siya ng ganun, kasi ng mapilay ang paa niya at maturukan ng kaunting morphine iba ang naging reaksiyon ng katawan niya e. Ngayon pa kaya na ilang pung beses na mas mataas yung dosage na itinurok sa kanya… at muli ang pagbugso ng kanyang luha.

At totoo nga, kinabukasan lang ay hindi na kinaya ng nanay niya at bumigay na ang katawan nito.

MJ: Tinawagan nila ako almost 7 am at sinabing patay na ang nanay ko… sinabi pa nila na siguro me naunang tao ng naroon kasi maayos na ang katawan niya. Hindi nila alam na ako ang naroon nun, pinatay ko ang ilaw at kami lang dalawa. Para akong baliw ate, kinakausap siya… sabi ko ang daya niya kasi di man lang niya nakita ang magiging mga apo sa akin…kinakausap ko siya habang isa isa kong inaayos ang kanyang mga daliri…very gentle…hindi ko inireport sa hospital ang pagkamatay niya.. after ko siyang maayos ay umuwi ako at natulog…after 20 minutes ay tumawag na nga sila. Ate mahal na mahal ko ang nanay kong iyon. Isinakripisyo niya ang lahat para lang sa akin. Mas pinili pa niya ako kesa sa kanyang mga sariling anak.

Alam ko iyon, sa ilang beses naming pag-uusap ni bunso, alam kong mas mahal niya ang kanyang yaya kesa sa tunay niyang ina. Bagama’t galing sa prominenteng pamilya, lumaki siyang tanging ang pagmamahal ng nanay niya ang nakamulatan. Sa kabila ng kanyang katayuan ay old provincial values pa din ang itinuro nito sa kanya. Kaya nga ang tawag ko sa babaeng ito ay probinsyanang sosyal.

Nang kailanganin na niyang mag-aral sa Canada, isa lang ang hiniling niya, ang isama ang yaya at nangyari naman. Nang sabihin ng mga magulang niyang sa US na siya magtutuloy ng pag-aaral, tinanggihan niya ito at piniling malayo sa magulang wag lang sa yaya nya. Kaya marahil maiintindihan ninyo kung bakit siya devastated ngayon. Hanggang sa huling sandali ay sinunod ni MJ ang gusto niya sa kabila ng pagtutol ng sariling ina. Nagbayad siya ng $6000 para lang wag ma-cremate at mailibing ng normal ang nanay niya samantalang nasa $400 lang ang gagastusin niya sa cremation. Hindi niya pinakinggan ang pagtutol ng ina at ginawa niya ang tingin niya ay huling magagawa sa ina-inahan. Namatay itong siya lang ang kasama at wala isa man sa mga anak. Narito lahat sa Pilipinas at bagama’t kinakitaan din ng lungkot ang mga ito ay pinabayaan nilang gawin ni MJ ang marapat.

Iyon ang matagal ko ding pinag-isipan. Makatao ba talaga ang mercy killing o yung euthanasia? Iba-iba ang pananaw dito, ngunit maging si MJ na bahagi na ng medisina ang buhay ay hindi sang-ayon dito, di lang dahil sa ina niya ito nangyari kundi taliwas talaga sa kanyang paniniwala. Ano man ang dahilan, pagkitil pa din ito ng buhay at taliwas sa pangako ng medisinang gawin ang lahat ng kakayanin para dugtungan pa ang buhay. Isang turok ng lason at ang lahat ay magwawakas na….