Nasaan ka na?

Oktubre ng taong ito ng humagupit ang bagyong Santi sa Central Luzon. Makikita sa mga larawan ang pinsala sa kalupaan lalong lalo na ang mga puno…sa tagal ng panahon ngayon lang naming naranasan ang 2 hanggang tatlong linggong malawakang brownout….

IMG_20131012_070405

IMG_20131012_071017

IMG_20131012_070604

IMG_20131012_071102

IMG_20131012_073800

Ilang araw lang ang lumipas at ang malakas na lindol naman sa Bohol at Cebu ang napabalita…dito ay lubha nang nakapanlulumo ang larawan ng iniwan nitong pinsala. Mga ari-ariang nasira, mga lumang simbahang parang dinaganan ng isang napakabigat na bagay at hanggang ngayon ay patuloy pa din ang mga aftershock.

Loboc Church 2

before and after bohol churches

Philippines Earthquake   XBM135

bohol 3

Hindi pa nga humihinga sa pagtulong at pag-alalay sa mga biktima heto at isang nakapanggigipuspos na delubyo naman ang tumama na dala ng napakalakas na bagyong “Yolanda”. Isang masamang biro ng kalikasang kumitil ng libo-libong buhay at puminsala sa hindi mo sukat akalaing lawak ng kalupaan.

yolanda 5

yolanda 1
Hindi organisadong galaw ng mga namumuno sa pamahalaan ang nagpaantala sa kanilang pagtulong. Hindi hamak na mabilis pa ang pagkilos ng mediamen at ng mga NGO’s. Ilang mga bansa ang nagpaabot ng pagtulong sa hindi na maarok na halaga ng salapi at mga relief goods ngunit ang ibang lugar ay kailan pa lang naaabot at yung iba ay hindi pa nga.

yolanda 3

yolanda 4
Kay hirap isipin na kung tayo ang lalagay sa katayuan ng mga biktima…nalusaw na ari-arian…nakitil na buhay ng di mabilang na kaanak at hindi man lang nabigyan ng isang marangal na libing…mga nagkalat pa ring bangkay na sa kasalukuyan ay halos naaagnas na at sobrang umaalingasaw…walang mabuting establisimyentong nakatayo ng maayos…walang kalakalan…laganap na sakit…init sa araw at matinding lamig sa gabi…nakapanlulumo…

yolanda Relief 1

yolanda Relief 2

Patuloy na kumilos upang matulungan silang muling makabangon…ang mga pagkain ay pansamantala lang na lunas…marapat na makapagsimula silang muli…hindi madali ngunit bawat tulong na maiaambag natin ay kapalit ng pag-asang magkaroon sila ng maayos na buhay.

Kilos na kasama.

Kung walang yamang maiambag (Treasure) ay maaari namang Talento at Time.
Ikaw kaibigan…ano na ang naiambag mo para sa kanila…?

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Photo Credit

Nang Gabing Makita Ko Si Santa Klaus

Taong 1997…

Nang Gabing Makita Ko Si Santa Klaus

Dati ay tuwang-tuwa ako sa kuwento ni tatay

Pasko na naman at darating si Santa Klaus

Magarang pulang damit, puting balbas

Na sakay ng karwaheng hila ng mga usa

May malaking sisidlan ng mga regalo

Para daw sa mga batang mababait.

Umaasam ako noon

Dahil di ba tatay mabait din ako

Sinusunod ko na ang gusto ninyo ni inay

Di ko inaaway ang aking mga kalaro

Pero bakit kahit minsan

Ay hindi ako nabigyan ng regalo.

Bakit ganoon tatay namimili ba si Santa Klaus

Nang bibigyn ng regalo o lugar na pupuntahan?

Dahil kaya sa iskwater tayo nakatira

At gula-gulanit ang aking damit

Hindi na siya tumuloy?

Pero tatay, di ba kagabi ay Noche Buena

Nakita ko rin si Santa Klaus

Hindi nga lang magara ang suot niyang damit

At puti na rin ang balbas sa katandaan

May talukbong na lumang sumbrerong sira

Tulak ang karitong tabingi ang gulong

Kasunod ang mga asong gala

Patungo sa tambakan ng basura.

(hindi inaari ng otor ang larawang nakalakip)

Wala Kang Karapatang Sisihin ang Diyos…

Nainspired ako sa aking nabasa mula sa isang quote: “Kung hindi mo pinasasalamatan ang Diyos sa bawat ngiti sa iyong mga labi …wala kang karapatang sisihin Siya sa sandali ng iyong pagluha”

Saglit akong napatigil upang lalo pang limiin ang laman ng mensaheng iyon at totoo nga. Madalas sa ating mga buhay na tayo ay nakakalimot magpasalamat sa bawat biyaya at tayo ay nakakaalala lang lumapit sa Maykapal kapag masyado ng mabigat ang ating dalahin. Wala namang problema sa ganun e wag lang umabot sa puntong sinisisi na natin Siya sa mga inaabot natin.

Hindi ba’t napakarami nating dapat ipagpasalamat? biyaya sa pang araw araw, kalusugan, bawat umagang atin pang nakikita, bawat pagsikat ng araw at bawat hininga ng ating mga buhay.

Salamat sa Panginoon.

Karagdagang kaalaman tungkol sa Diabetes Mellitus

 Karagdagang kaalaman tungkol sa Asbestos Cancer

 Karagdagang kaalaman tungkol sa Conductive Hearing Loss