Efren Penaflorida – Bayaning Pilipino

Efren PenafloridaNaagaw na naman ang atensiyon ko sa balita ng isang kabayanihan. Buhay na kabayanihan ng isang simpleng tao na me napakalaking adhikain. Nakakainspired lang.

Si Efren Penaflorida ang aking tinutukoy, ang Pilipinong bumabandila ngayon bilang isa sa Top Ten CNN Heroes. Mula sa ilang daang kalahok mula sa ibat-ibang bansa para sa kategoryang ito, nasala siya at pumasok sa mataas na posisyong ito upang pagbotohan at mapiling CNN Heroes. Sa kabila ng madungis na pulitika sa ating bansa, nakakatuwang me mga magsusulputang ganitong balita. Pagkakawang-gawa at selflessness para makapaglingkod lang sa kapwa.

Hindi ko pa kaya ang ganitong paghahandog ng sarili kaya pagsaludo na lang muna ang aking gagawin at kaunting adbokasya upang maiangat pa sa natatanging posisyon si Efren.

Si Efren ay lumaki sa Cavite City, kung saan nakaranas siya ng pambubully ng mga gang members. Ngunit sa kabila nito ay pinilit pa din niyang makapagtapos ng pag-aaral. Labing anim na taon pa lamang siya ng itatag ang Dynamic Teen Company  (DTC) bunga ng labis na pagsasaalang-alang sa mga out of school youth. Sa pamamagitan ng karitong kanilang itinutulak ay tinuturuan nila ang mga batang lansangan sa Cavite tuwing araw ng Sabado. Sa loob lamang ng isang dekada ay umabot na sa 10,000 ang kanilang miyembro at nakapagturo sa humigit-kumulang 1,500.

Ngayon hingi lang sana ako ng kaunting oras upang maiboto natin si Efren. Isang napakalaking karangalan ito para sa ating bansa at tiyak na makakapag inspire ng maraming tao. Natutuwa din ako sa pagiging humble niya kasi hinihikayat niya tayo na silipin din ang profile ng iba pang kalahok dahil inspiring daw talaga.

efren4

Good news kasi walang limit ang boto, kahit maghapon mong iclick ang VOTE ok lang make-credit lahat sa kanya iyon.

Bad News kasi hanggang November 19, 2009 na lang ang botohan kaya samantalahin na natin mga kapatid.

Isang pagsaludo sa buhay na bayaning Pilipino!

Vote here

Advertisements

Ang epidemya pagkatapos ng baha

Napalaking perwisyo na ang naidulot sa kabuhayan at mismong buhay nating mga Pilipino ang nagdaang 2 bagyo. Ang Ondoy at Pepeng. Ngayon ay may karugtong pa ito para sa mga biktima, ang epidemyang LEPTOSPIROSIS.

rat

Ang leptospirosis ay isang delikadong sakit na nakukuha sa inpeksiyong dala ng ihi ng isang infected animal na gaya ng daga. Maaaring sa pagkalunok ng tubig na kontaminado ng impeksiyon o kahit ng pagpasok nito sa bukas na sugat.

ondoy-disasterIlan sa mga simtomas ng sakit na ito ang lagnat, panghihina ng katawan, pananakit ng mga kalamnan at pantal. Kapag di naagapan, ito ay maaaring humantong sa kumplikasyon ng bato, atay at brain damage at maging sanhi ng kamatayan.

Sa Metro Manila lang ay may naiulat ng 2,158 na nahospital sa buwan lamang ng Oktubre at nasa 137 na rito ang namamatay. Mahigit sa isang daan na ang naitalang may ganitong sakit sa Ilocos region, at nasa 40 na ang namatay. Dahil dito ay idineklara na  ang leptospirosis outbreak sa lalawigang ito.

Hindi pa tapos ang kalbaryo, patuloy pa ding nag-iiwan ng pangit na marka sa mga nasalanta.

May problema na siguro ang lacrimal glands ko

Nitong mga huling araw napapansin ko lang

Lagi ng tumutulo ang aking luha

Hindi ako dating ganito

Astig nga daw ako e

Siguro me problema na ang lacrimal glands ko.

Bakit ba nanonood lang ako ng balita ngayon

Tumutulo na ang aking luha

Para nakita ko lang naman ang hagupit ni Ondoy

At ang pananalasa ni Pepeng

At maraming nakalulunos na tanawin

Tumulo na ang aking luha.

Aba e hindi naman dapat a Salanta ng bagyo

Di naman kami apektado

Kahit mga kaibigan ko at pamilya ligtas

Ibang tao naman sila

Oo nga at kababayan

Pero bakit kailangan kong iyakan.

Para lang naman itong pelikula

Me malungkot, me Masaya di ba?

Hanggang di naman tayo  apektado

Bakit ba natin pag-aaksayahan ng panahon

Ibang tao naman sila

Di naman kapamilya.

E ano kung madaming nasalanta

E ano kung madaming namatay

Lumubog na ari-arian

Kabuhayang napinsala

Bahay at buhay na natabunan ng lupa

Ibang tao naman sila.

Siguro nga ay may problema na ang tuluan ko ng luha

Madali na itong bumalong ngayon e

Tuwing magbabasa ako ng diyaryo

Makikinig ng radyo at manonood ng TV

Daming kalunos-lunos nababagbag ako

Ayan tumutulo na naman luha ko…

*** photos from Google

Deus Ti Agngina Foundation

Deus Ti Agngina Foundation

Deus Ti Agngina Foundation

Paglingkuran ang sambayanan (Serve the People) Ito ay salitang napakaraming kahulugan at maaaring gawin sa maraming kaparaanan sa anumang aspeto ng buhay. Maaaring ito ay ang aktibong paglahok sa mga pagkilos ng manggagawa upang patuloy na maipaglaban ang karapatan ng kanyang uri. Maaaring ito ay simpleng pagtulong sa mga dahop na kababayan natin. Pagpapakain sa mga kapuspalad o mga pulubi, pagbibigay ng libreng kaalaman para sa mga hindi nakapag-aral o kaya ay sa pakikibahagi sa charitable institution.

Deus Ti Agngina Faculty

Deus Ti Agngina Faculty

Isa sa mga naging malapit sa aking foundation ay ang Deus Ti Agngina Foundation, Inc. (DEUS TI AGNGINA ay mula sa salitang Ilocano na madalas sambitin sa pagpapasalamat sa Panginoon o Pagpapala ng Panginoon kapag sila ay nakakatanggap ng biyaya o pabor sa sinuman).

Ang DEUS TI AGNGINAay pinamumunuan ng mga taong aktibo sa simbahan at sila ay Non-profit organization. Isa sa mga layunin ay ang pagtulong sa ating mga kapatid na Aeta, partikular sa mga naninirahan sa malapit sa Pinatubo. Nagsisimula pa lamang ang Foundation na ito na maisakatuparang unti-unti ang mabuting layunin ngunit kinakitaan na ng mabilis na aksiyon sa pagpapalaganap ng mabuting gawa. Mabigyan  ng pag-aaral lalo ang mga kabataang Aeta, magkaroon ng mapagkakakitaan at ang pagsasaayos ng kanilang kalagayan.

Masasayang paghahalubilo

Masasayang paghahalubilo

Bagama’t nasa mga unang hakbang pa  lamang ang Deus Ti Agngina ay nakahanay na ang mga aktibidad ng pagtulong. Makikita ang magandang pagtanggap ng tribo sa bawat pagbisita ng mga staff. Hindi sila nangingilag dahil alam ng mga kapatid nating Aeta na tunay at walang pag-iimbot ang layunin ng pagtulong. Madami ng hindi magagandang karanasan ang sinapit ng ating mga kapatid dahil hindi lang iilan ang nagsamantala sa kanila. Marami ng taong gumamit sa kanilang pangalan upang ihingi ng tulong sa iba at sa bandang huli ay ang pansariling kapakanan lang namayani at muli ay isaisantabi lang sila kalaunan.

Marami tayong paraan sa pagtulong at paglilingkod sa sambayanan. May mga naglalaan ng panahon at kaalaman at mayroon din sa pamamagitan ng pagtulong sa ibang pangangailangan gaya ng materayl at ispiritwal. Ang DEUS TI AGNGINA ay bukas sa anumang tulong na kaya nating ibahagi at makakaasa ang bawat isa nang ibayong paglilingkod at pagpapala para sa iba.

Sabi nga sa isang kanta “ang pagtulong ng Kristiyano, di lamang sa damdamin, bagkus lalo sa pagsagip sa sinumang kapwa natin.”

Pagpalain po tayo ng Panginoon.

Ang pasasalamat

Ang pasasalamat

Please join us in realizing this dream by sending us your donations to the Deus Ti Agngina Fdn., Current Acct. No. 373-50145-6 at Metrobank, Mc.Arthur Highway Branch, Tarlac City. THANK YOU and GOD BLESS!

Please contact: deustiagnginafdn@yahoo.com

// .

// .

Note Guestbook
//

For:
Add a comment to this guestbook, for everyone
Send deustiagnginafdn a personal message
Subject:


– 

Quote original message

indira75 wrote on Aug 30
Inform ko po kayo nyan Ma’am, inaayos ko pa schedule ko and ng fiance ko. Wish to be there on Sept. 14..God bless!

indira75 wrote on Aug 7
Yes, i’m a member of a religious group under Bo Sanchez, but once a Born Again Christian, hindi po talaga ako nagpopost ng pictures, ayaw po kasi ng fiance’ ko. But hope mameet ko rin po ang inyong group one day. Yes, I suggest you should try to seek donations from other existing charitable foundations, lalo na po yung mga established na. It’s one way para magawa nyo ang mga projects niyo. God bless!

indira75 wrote on Aug 5
Thank you ma’am..I will seek donations to some of my friends and will send it to the address you gave me.. I’m from QC..If God’s permit, it would be a privilege for me to work with you in this kind of mission.. Keep up the good work! God bless you..

deustiagnginafdn wrote on Aug 1, edited on Aug 2
Hello Indira.. Thank you for your desire to help. Yes we will gladly accept your donations. Are you near our place in Tarlac? If you want we could pick it up so we could meet you and personally thank you. Otherwise you may send them to our Foundation’s president Rev.Fr. Arthur Eduarte at the St. Antoninus Parish in Pura, Tarlac. THANK YOU INDIRA, GOD BLESS YOU ALWAYS!

indira75 wrote on Jul 29
I thank God for giving the aetas a group like you that can help them to have a good life. May I ask sir/ma’am, do you accept medicines, relief goods like used clothes and toys? Where can I send it?

deustiagnginafdn wrote on Jul 29
Indira.. i presented to the group your message. All of us are very happy that you appreciated our Foundation. I hope we could meet someday so you could join us in our mission. God will make a way for you to work with the aetas again, in between your hectic schedules. Thank you for your best wishes and prayers. God bless you!!!

indira75 wrote on Jul 29
wow, impressed po talaga ako sa mga good deeds nyo in your foundation, i visited your site…I am a member of LOJ Community, and a former volunteer and member of HOPE Foundation International doing some medical missions and outreach programs in aeta communities.. I can never forget my experiences in Orion Bataan and some parts of Mindoro, where I had my mission to share what I can to the poorest of the poor..It’s been 7 years now since my last mission, I’ve heard about the aeta’s in Pinatubo area and wanted to go there..but as of now, im too busy with the demands of my job… Keep up the good work ma’am!

indira wrote on Jul 27
I’m looking for some aeta missionaries…and got to visit your site because it appeared on my search…i was once involved in that kind of mission and i really miss it… glad there are still good people like you, helping them to have a good life…i will pray for you ma’am!

deustiagnginafdn wrote on Jul 5
Kindly send us your comments and suggestions…
Thank you!

// .

// .

.

Bestiality

Bestiality years ago

Bestiality years ago

Mahigpit na paunawa: HINDI PO ITO PORN SITE, medyo pang adult lang ang topic

Zoophilia o kilala din sa tawag na bestiality ay ang matinding pagkahilig sa pakikipagtalik sa hayop. Zoophile ang tawag sa mga gumagawa nito. Walang katapat na salita akong alam sa Filipino upang umangkop dito, marahil ay gawa ng hindi ito isang katanggap-tanggap na gawi at wala sa pamantayang moral ng ating lahi.

bestiality octoHindi ko lang maisip kung bakit umabot sa ganitong antas ang paghahanap ng satisfaction sa pakikipagtalik? Sadya nga bang ang sex ay isang tawag lang ng laman at wala ng standard kung kanino o sa kahit ano mo maramdaman ang seksuwal na kasiyahan?

Narito ang ilang batas na may kaugnayan sa pakikipagtalik sa hayop, sa maniwala man kayo o hindi.

• Sa Lebanon ay legal ang pakikipagtalik sa tupa ng sinumang lalaki, ngunit may katapat itong parusang kamatayan kung ang lalaki ay makikipagtalik sa lalaki ringtupa. • Marami sa mga bansa sa Middle East ay nagpapahintulot sa pakikipagtalik sa tupa, ngunit mortal sin ang pagkain sa karne ng tupang iyong kinatalik.

• Sa Utah, hindi ibinibilang na “Sodomy” ang taong nakikipagtalik sa hayop kung ito ay gagawin hindi para kumita.

• Sa Florida, ang pagkakaroon ng sekswal na relasyon sa porcupine ay illegal (Ewwwww!!)

• Sa Minnesota ay illegal ang anumang pakikipagtalik sa buhay na isda. (huwattttt???)

• Sa Michigan, legal ang pakikipagtalik ng magsasaka sa kanyang mga alagang baboy, baka, kambing at maging sa manok.

Sa kulturang pinoy, hindi ko aalisin ang katotohanang me mga gumagawa na din nito kahit pa nga alam nilang hindi ito katanggap-tanggap sa ating lipunan.

Tanong ko lang, carry ni’yo ba ito o ewwwww!

Asertibo – Isang Paraan Upang Ikaw Ay Irespeto

iron+fistRespeto, iyan ang isa sa mahalagang sangkap sa ating pagkatao. Anong klaseng nilalang tayo kung ang salitang iyan ay hindi natin makukuha mula sa mga taong mahal natin, kaibigan at komunidad. Kung magkagayon ay iisa lamang ang ibig sabihin nito, may mali sa ating  pagdadala ng sarili at kung ano iyon, mahalagang ating pag-usapan.

Kung tayo ay bantad sa mga taong pasibo (masyadong mapagbigay) at agresibo (masyadong mapaggiit) ang asertibo naman ay ang gitnang ugali ng dalawang nabanggit.

Pagkakaiba ng agresibo sa asertibo

Ang agresibo ay naggigigiit ng walang pagsasaalang- alang sa damdamin ng ibang tao dahil ang mahalaga sa kanya ay ang damdamin lang niya na madalas nagiging dahilan ng lalong hindi pagresolba sa isyu (destructive). Samantalang ang asertibo ay naggigiit ng kanyang karapatan sa isang paraang konstruktibo (constructive) sa pamamagitan ng maingat na pagbalangkas ng salitang gagamitin.

Ang pagiging asertibo ay mahalagang sangkap ng isang maayos na komunikasyon. Hindi lang nito simpleng naipapaabot ng malinaw ang gustong iparating ng isang panig kundi nagagawa din nitong  ipaalam kung saan ka nakatayo at nabibigyan din ng pagkakataong mabago ang mga kahinaan ng isang tao upang ito ay mapalakas.

Asertibong lider

Ang isang lider ay marapat lang alam kung paano maging asertibo upang makakuha ng respeto at otoridad sa kanyang nasasakupan. Nagagawa nitong pumuna na hindi mamasamain ng pinuna at di niya mararamdamang siya ang inaatake, bagkus ay ang kanyang kahinaan lang.

Totoong mahirap maging isang asertibo ngunit ito ay napag-aaralan kasabay ng paghubog natin ng isang pagkatao at sa madalas na paggamit nito ay magiging normal ng bahagi  ng ating buhay. Ito ang paggigiit na alam kung kalian makikinig sa kabilang panig at laging tinitimbang ang bawat sinasabi.

Tamang paraan ng pagpuna

Isa sa pinakamahirap gawin ay ang pumuna ng palso ng iba na di nagiging negatibo ang dating. Kaya mahalaga ang pagpili ng salitang gagamitin upang maihiwalay ang galit o puna sa tao mula sa mga bagay na maling kailangang punahin. Ang dapat nating punahin ay ang masamang gawi at hindi ang tao mismo. Sabi nga maging constructive dapat ang puna natin at di destructive. Kapag inuna natin ang galit at ibinuga iyon ng hindi iniingatan ang sasabihin, malamang sa hindi na ang makita lang at maramdaman ng taong ating pinuna ay ang galit at hindi ang concern na nakapaloob doon. Sayang ang layunin ng pagpuna kung ganoon.

Halimbawa:

Agresibo: bakit ngayon ka lang dumating, di mo ba alam na madaling araw na? kababae mong tao ay ginagabi ka sa daan… blah blah blah!

Asertibo : anak bakit ngayon ka lang, alam mo bang alalang-alala kami sa iyo, alam mo naman ang panahon ngayon diba?

Ito ay parehong pagpuna sa isang anak na dumating ng alanganing oras. Makikita sa una na simpleng galit lang ang ibinato ng pumuna , samantalang sa asertibo ay naipakita nito ang concern at damdamin, kung ano ang epekto ng nangyari sa mga pumuna (pag-aalala). Di ba’t higit na magrereact tayo ng positibo sa ganitong paraan?

Ang pagiging asertibo ay hindi lang ang paggigiit ng indibidwal na karapatan, kundi maging sa karapatan ng ibang indibidwal din o grupo na niyuyurakan ng mga taong agresibo. Sa ganitong paraan ay nabubuo ang respeto natin sa ating sarili at nakakakuha tayo ng respeto mula sa ibang tao. Dahil totoong karespe-respeto ang taong tapat na nakakapagpahayag ng loob sa hindi mapang-away na paraan.

Tandaan, hindi lang kung ano ang ating sasabihin ang mahalaga kundi kung paano din natin ito sasabihin.

Handa na ba tayo sa kaunting pagbabago?

The problem of getting old

IT’S HELL TO BE OLD

old-manOld people have problems that you haven’t even considered yet! An 85-year-old man was requested by his doctor for a sperm count as part of his physical exam. The doctor gave the man a jar and said, ‘Take this jar home and bring back a semen sample tomorrow. The next day the 85-year-old man reappeared at the doctor’s office and gave him the jar, which was as clean and empty as on the previous day. The doctor asked what happened and the man explained, ‘Well, doc, it’s like this–first I tried with my right hand, but nothing. Then I tried with my left hand, but still nothing. Then I asked my wife for help. She tried with her right hand, then with her left, still nothing. She tried with her mouth, first with the teeth in, then with her teeth out, still nothing. We even called up Arleen, the lady next door and she tried too, First with both hands, then an armpit, and she even tried squeezin’ it between her knees, but still nothing.’ The doctor was shocked! ‘You asked your neighbour?’ The old man replied, ‘Yep, none of us could get the bloody jar open.’ (hehe.. you ha! Iba rin ang inisip! )