Belenismo 2017

Pormal ng binuksan ang taunang Belenismo sa lalawigan ng Tarlac. At narito ang ilang belen na aming napuntahan.

Munisipyo ng Capas

This slideshow requires JavaScript.

GR8 Multipurpose Cooperative

McDonalds Luisita

Robinsons Luisita

SM Tarlac

This slideshow requires JavaScript.

Intellect Building

Citymall

This slideshow requires JavaScript.

at ang lagi ng pinakahihintay…ang Belen ng mga sundalo sa Kampo Heneral Servillano Aquino. Sa taong ito ang tema ay kapayapaan at pagkakaisa lalong lalo na sa Marawi.

This slideshow requires JavaScript.

Hanggang sa susunod na taon!

Advertisements

A-Maze-ing Sunflower

img20170224070238

Ang A-Maze-ing Sunflower ay pormal na nagbukas noon Pebrero 17, 2017 at ayon sa mga katiwala doon ay magtatagal lamang ng isang buwan.

Isang kaaya-ayang naninilaw na taniman ng Sunflower ang makikitang mayabang na namumukadkad at lahat halos ng mga bulaklak ay buong pagmamalaking nakatingala kung saan naroon ang sinag ng araw. Sa aking malikot na imahinasyon ay para ko silang nakikitang tila mga sundalo na matitikas na nakaharap sa kanilang Pinuno at naghihintay ng anumang kautusan at buong pusong magsisisunod.

This slideshow requires JavaScript.

Ang kabuuan ng taniman nito ay isang Maze (malinaw naman ito sa kanyang pangalan 🙂 ) at di kumpleto ang pagpunta mo dito ng di mo daraanan ang maze na ito.

This slideshow requires JavaScript.

Matatagpuan din doon ang iba’t ibang herbs, gulay at mga bulaklak, nakakatuwa ang pagkalalaking upo, ampalaya, patola at iba pa. Maging ang ibang variety ng mais (kulay violet) at iba pang pananim ay inyo ding matatagpuan.

This slideshow requires JavaScript.

Isa sa nagustuhan ko doon ay ang hydroponics na paraan ng pagtatanim ng lettuce at ito ang nagtulak sa akin na bumili ng ilang sachet ng buto ng lettuce….balak kong subukan ang paraang ito sa mga susunod na araw.

This slideshow requires JavaScript.

Detalye kung paano makakapunta
Ang A-Maze-ing Sunflower ay makikita sa C.Lichauco, Tayug, Pangasinan.

Kung paano makakarating dito ay mababasa sa susunod na bahagi.
Mula sa Allied Botanical Corp.

Kapag walang masakyang deretsong Tayug, bumaba sa may SM Rosales at sumakay ng van.

Pamasahe: P50

Bumaba sa 7/11 Sta Maria at mula doon ay sasakay ng tricycle hanggang sa mismong lugar.

Pamasahe: P120- P150 depende sa oras ng biyahe, mas mahal kung masyado pang maaga.

Kung mapapaaga naman (gaya ng nangyari sa amin) at wala pang masakyan sa SM, Rosales, maaaring sumakay sa tricycle mula doon at idederetso ka na sa mismong lugar.
Pamasahe: P300-P350 (per larga)

This slideshow requires JavaScript.

Ang A-Maze-ing Sunflower ay bukas mula ika-7 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon.

Ang entrance fee naman ay:
P100 – adults
P80 – PWD, Senior Citizens at estudyante.

This slideshow requires JavaScript.

Meron din silang mga booths para sa kanilang mga ani na ibinebenta at sa mga nagugutom at kailangan ng meryenda.

Halina at mag-enjoy!

Halina at bisitahin ang Dabaw (Day 2)

Ang ikalawang araw ng Davao escapades…

Nagkuhanan muna ng letrato sa kwartong aming tinuluyan…Jade Dragon’s Suites na nasa Aurora, Jacinto Street, napakalapit sa night market.

This slideshow requires JavaScript.

Eden Nature Park

Isa ito sa pinakapopular na lugar sa Davao….yung tipong kulang ang punta mo dun kundi mo ito mabibisita. Medyo may kamahalan ang entrance fee na kasama naman ang isang buffet lunch o plated snack. Hindi na kami nakahabol sa buffet lunch dahil mahigil na 500 na daw ang bisita ng panahong iyon at nag cut off na. Kaya sa plated snack na lang kami umabot.

IMG20160514114711

Matagal pa lang ay iniisip ko ng sumakay sa Sky Cycle nila at ang malupit, nang makita ko kung gaano kataas yun ay parang nangalog ang tuhod ko…Ang tagal na kundisyunan muna bago natuloy, kundi pa sinabi ni Ateng Pining na gusto niyang subukan baka di pa kami tumayo at bumili ng tiket.

Pinapanood pa lang namin yung nasa Sky Swing ay lulang lula na ako…unti – unting itinataas yung mga nakasakay hanggang sa taas na halos 4 na palapag…mas mataas pa kaysa sa Sky Cycle. Pagkatapos ay biglang ire-release yung swing…nakupo nanonood pa lang ay parang mapupugto na hininga ko.

Okay, tuloy ang kwento ng Sky Cycle. Nagsabi ng susubok e di kailangang samahan.

Pipirma muna ng waiver ang bawat isa pagkatapos ay susuutan ng harness at maghihintay ng iyong turn para siya namang sumalang sa ere.

IMG20160514135408

Pinangahasan ko ng hawakan ang selfie stick, narito na ito e di kunan na ng video. Kita ko namang nag iisang kamay lang yung mga nagbibisikleta at paselfie- selfie pa.

Pero iba na pala kapag ikaw na ang nakasalang. Sobrang kabog ng dibdib ko na ang tangi na lang naririnig ay ang sariling tibok…walang pakialaman at ang mahalaga lang ay huwag mabitiwan ang selfie stick kaya kahit tabingi ang kuha ay keri na day!

Ikaw din ang magbabalik sa sarili mo at sa pagbabalik ay di na ako nagvideo…kailangang isalba ko na ang buhay ko hahaha kaya dapat ay hawak ng maigi ang manibela.

Dalawang beses kong sinubukang tumingin sa ibaba pero para akong magkukulaps sa lula…whew! buwis buhay talaga. Ni hindi ko na narinig yung isang kasama namin na nagtatawag na pala ng kasama sa kalagitnaan ng pagbibisikleta dahil tumirik pala siya (as if me magagawa kami para siya tulungan huhu). Tapos ay nagdarasal na pala itong aking pinsan at nagtatawag na ng Santo dahil sa nerbiyos haha. ako naman???well pakinggan niyo ang video at malalaman ninyong pumipiyok na ako sa nerbiyos.

This slideshow requires JavaScript.

Nairasos din sa wakas, TAGUMPAY!

 

Entrance Fee

P550 buffet lunch

P220 Plated snack (spaghetti or cheese bread, brownies and drink)

Rides

Sky Cycle – P200

Sky Swing – P200/pax (pair)

P250 (single)

Zip line – P150

****Senior citizen rate applied

Crocodile Park

Akala ko ay simpleng crocodile sanctuary lang ito pero kapag pala weekend ay may mga palabas.

Naabutan na naming nagsisimula ang Animal Got Talent Show (4:00 ng hapon ang simula mula sa dating 4:30)

Nakakatuwang makita kahit kailan ang mga hayop na nagpapakitang gilas sa kanilang talento, mga ibong nagbabasketball, nagbibisikleta at nag scooter. Marunong pang maghiwalay ng mga basurang nabubulok at hindi nabubulok…saan ka pa hehe.

This slideshow requires JavaScript.

Mga unggoy na nagbabasketball.

Si Orange na nagpapacute lang pero nakakaaliw talaga.

Naroon din ang tigreng ipinakikita kung gaano katalas pagdating sa kanyang pagkain.

Mga buwayang nagsasayaw ng belly dance (habang hinahabol ang nakasabit nilang pagkain)

at ang highlight ng pagtatanghal…ang fire dance ng Tribu K’ Mindanawan. Nakakaaliw ang kanilang pagtatanghal sa paggamit ng iba’t ibang klase ng apoy. Protektado sila sa mata at buhok pati na ang damit ng ilan ay fire proof din.

Napakagandang pagtatapos ng gabi para sa araw na ito.

 

Entrance fee

P300 (weekend rate)

P250 (weekdays rate)

****Senior citizen rate applied

 

Narito ang unang araw sa Davao

Samahan ninyo kaming muli sa ikatlong araw sa Davao.

 

 

 

Halina at bisitahin ang Dabaw

IMG20160513120605

Ang aking regalo para sa aking ina na nagdaos ng kanyang ika-80 taon, ano pa nga ba kundi ang igala siya uli. At sa pagkakataong ito ay going Mindanao naman kami….ang lugar ng bagong Pangulo ng Pilipinas….Davao City.

Matagal ang naging paghahanda dahil kailangan mo pang tumiyempo ng murang tiket sa eroplano…di biro ang pamasahe sa Davao kundi ka makakatiyempo ng airfare promo….buti na lang at me nag abiso sa akin noong Enero ng Piso fare sa Cebu Pacific…ayun hanggang madaling araw nag – aabang na makasingit sa promo.

Salamat sa isang kaibigang naglaan talaga ng panahon upang samahan kami sa buong panahon ng paggala…Thanks friend!

Narito ang mga highlight ng aming 4 na araw na galaan (kasama ang aking pinsan na first time makasakay ng eroplano hehe)

First Day itinerary

Philippine Eagle Center

Kahit magdamag na walang tulog ay tuloy agad kami sa Philippine Eagle Center. Isang santuaryo ng mga agila sa napakagandang malagubat na tahanan. Mayroon silang breeding facilities para sa mga agilang endangered species na.

May mga indibidwal at grupong nag-aampon sa mga agilang ito sa pamamagitan ng tuloy tuloy na pagbibigay ng donasyon upang maipagpatuloy ang pagpaparami sa kanila.

Entrance Fee – P150/person

Environmental Fee – P5

*** with Senior Citizen discount

This slideshow requires JavaScript.

Malagos Garden Resort

Dito matatagpuan ang isang pagawaan ng napakasarap na tsokolateng cacao. Nagkamit ang mga ito ng ikalawang karangalan sa kauna-unahan nilang pagsali sa kumpetisyon sa ibang bansa.

Maluwang ang lugar at maaaring pagdausan ng mga pagtitipon at kasayahan ang lugar. Kasalukuyan itong nire-renovate ng kami ay dumalaw kaya hindi gaanong matao.

Pero sa pangkaraniwang araw ay maaring mapuntahan ang Bird Park, Bird Feeding Dome, Butterfly Sanctuary, Orchid Park, Abueva Garden, Playground

Entrance Fee – P100/person

*** with Senior Citizen discount

This slideshow requires JavaScript.

Pagkatapos ng mahabang pahinga ng hapon..ang huling adyenda sa araw na ito ay ang…

Night MarketIMG20160513193940 IMG20160513193952

Mas mahaba ito sa night market ng Baguio. Ang mga nagtitinda ng pagkain ay nakahairnet, apron at face mask.

Organisado…magkahiwalay ang lahat ng mga panindang gamit at ang food trip area na talaga namang mapapasubo ka. Mula sa pinipilahang Ice cream, at natikman ko doon ang durian ice cream, wow!, ihaw-ihaw, siomai at kung anu- ano pang magpapatulo ng laway ng mga mahihilig sa street food. Nang makita ko nga iyon ay biglang gumana ang interes ko na magtinda ng aming specialty…puto pao at siomai me segway pang embutido haha.

 

Abangan ang Day 2 Itinerary 🙂