Di Pala Ako Makatang Pulpol

Saranggola Blog Award 2015

Makatang pulpol o makatang sampay-bakod, iyan ang mga katagang maririnig mo sa mga sinaunang matatanda kapag sila ay nakakarinig ng mga bumibigkas ng tula na sa kanilang palagay ay hindi pa papasa sa kanilang panlasa.

Hindi ko naman naisip na ganito ako noon kasi may mga tula na din akong nalimbag sa Liwayway ng aking kabataan (aray!) at iyon ang mga unang-unang achievement ko kung pagtula ang pagbabatayan. Nang ako’y magtrabaho sa isang malaking pabrika dito sa Luzon ay naging regular naman akong tagapasupply ng tula sa aming quarterly livewires.

Hanggang naging aktibo ako sa pakikibaka at ang naging tema ng aking mga tula ay yung mga hindi na pangkaraniwan, na ultimong love story na nga lang e me “anubayan” twist pa. Ito ang isa sa aking outlet na di ko na mailalayo sa aking katawan at alam kong patuloy ko pang gagawin.

Hanggang dumating ang isang ironic na bahagi ng buhay ko…dahil sa operasyon ay nawala ang aking tinig (na sana ay pansamantala lang) at sa aking pagpapagaling ay lumahok ako sa isang patimpalak para sa mga bloggers na mahilig sa literatura…at siyempre tula pa din ang aking ibinahagi.

Na sa panahon ng aking pananahimik ay humihiyaw ako na pakinggan…panulat ang aking ginawang sandata para sa di maibulalas na nilalaman ng aking diwa…at ang hiyaw ko ay pinakinggan, nakamit ko ang pangalawang karangalan para sa kategoryang ito.

Nais ko pang basahin ang sarili kong tula…nais ko pang tinig ko mismo ang marinig at kundi man ito mangyari pa…maaari bang pakinggan ninyo pa rin ang aking panulat?

Advertisements

Kung Ang Pag-ibig Ay Hindi Pa Sapat

Ang tulang ito ay nailathala sa Livewires na siyang quarterly magazine ng kumpanyang dati kong pinagtrabahuhan. Para sa siping Enero-Marso 1995. Bahagi pa din ng “pag-iimortal” ng aking mga katha.

Pasok kasi sa Pebrero “Buwan ng mga Puso” ika nga kaya eto ang isang tula ng Pag-ibig…

 

Kung Ang Pag-ibig Ay Hindi Pa Sapat

Nanalig ako na tayo ay iisa

Sa lahi, sa prinsipyo

Sa dugo, sa tibok ng puso

Kaya iniluhog mo ay hindi binigo.

Hindi lingid sa akin ang sinasabi nila

Hindi raw tayo bagay na maging magkasama

Sa tingin ng lipunan kita ay magkaiba

(ngunit ano nga bang panuntunan meron sila?)

Ginawa nating ang landas ay mahawan

Sa tamis ng iyong salita ako’y nanghawakan

Tanging puso lang ang aking pinairal

Diyos na ang bahala sa ating pagmamahalan.

Bakit siphayo pa ang aking nakamtan?

Nang minsang matulog na ika’y kapisan

Ngunit ng magising sa kinabukasan

Isa ka na lang bahagi ng aking nakaraan.

Ano ang nangyari sa ating damdamin

Sa wagas na sumpaang sa aki’y itinanim

Dahil ba sa ang kulay ng dugo ko ay pula

At ang sa iyo ay bughaw naman pala?

Paano pa ang susunod na salinlahi

Kung sa lipunan natin ay may pagtatangi?

Pira-pirasong Bantayog

Ang tulang ito ay nailathala sa Livewires na siyang quarterly magazine ng kumpanyang dati kong pinagtrabahuhan. Para sa siping Abril-Hulyo 1995.

Pira-pirasong Bantayog

Maputla na ang labing tigang na tigang
Pinagdamot pa ng umaga ang hamog
Tila burak na rin ang kulay ng ilog
Kahit ang kalabaw ay takot malublob.

Ayaw ng simsimin ng uod ang nektar
Dahil ang naroo’y kamandag ng buhay
Takot na ring manila ang mga buwaya
Baka mahulog sa sariling bitag nila.

Akala ko’y naitayo na ng EDSA
Ang bantayog na kaytagal ng nalugmok
Dagdag na pako pala sa ataul
Ang dulot ng panibagong paghuhunos.

Hindi nagawang takpan ng Monique at Lea
Ang mg katawang nahubdan ng dangal
Hi hindi maisalba ng talumpati
Ang mga tiyang nagdedeliryo sa gutom.

Manhid na ang mga kaluluwang gala
Na iminulat ng mga karahasan
Ni hindi na nila maunawaan
Ang kahulugan nitong kapayapaan.

Sinong hindi matatakot na tumuntong
Sa ating lupaing tahanan ng ulupong…

May problema na siguro ang lacrimal glands ko

Nitong mga huling araw napapansin ko lang

Lagi ng tumutulo ang aking luha

Hindi ako dating ganito

Astig nga daw ako e

Siguro me problema na ang lacrimal glands ko.

Bakit ba nanonood lang ako ng balita ngayon

Tumutulo na ang aking luha

Para nakita ko lang naman ang hagupit ni Ondoy

At ang pananalasa ni Pepeng

At maraming nakalulunos na tanawin

Tumulo na ang aking luha.

Aba e hindi naman dapat a Salanta ng bagyo

Di naman kami apektado

Kahit mga kaibigan ko at pamilya ligtas

Ibang tao naman sila

Oo nga at kababayan

Pero bakit kailangan kong iyakan.

Para lang naman itong pelikula

Me malungkot, me Masaya di ba?

Hanggang di naman tayo  apektado

Bakit ba natin pag-aaksayahan ng panahon

Ibang tao naman sila

Di naman kapamilya.

E ano kung madaming nasalanta

E ano kung madaming namatay

Lumubog na ari-arian

Kabuhayang napinsala

Bahay at buhay na natabunan ng lupa

Ibang tao naman sila.

Siguro nga ay may problema na ang tuluan ko ng luha

Madali na itong bumalong ngayon e

Tuwing magbabasa ako ng diyaryo

Makikinig ng radyo at manonood ng TV

Daming kalunos-lunos nababagbag ako

Ayan tumutulo na naman luha ko…

*** photos from Google

MYMP

MYMP

MYMP

Ako ang taong di ko masasabing fan ng kahit na anong bandang pinoy. Kasi basta gusto ko ang kanta dun ako kahit na sino pa ang kumanta. Lalong di din ako mahilig manood ng mga banda o concert kaya.

Pero dito ko sa Calbayog ngayon at Fiesta dito. Daming mga invited na performer para bigyang buhay ang pistang dinadayo ng mga tagarito. Sa medaling sabi nayaya akong manood ng  concert ng MYMP, bukod sa sikat na e libre pa so bakit di samantalahin.

Yung mga local band na nagfront act in fairness mahuhusay ha, tipong kahit sila na lang ang magperform ay ok na pero siyempre, MYMP pa din ang bida.

Siyanga pala, ayon dito sa partner ko ang MYMP daw ay stands for “Make Your Momma Proud.” Nayanig ang tutuli ko sa sigawan ng magsimulang ayusin ang mga instrumentong gagamitin ng MYMP, as in talagang excited ang mga audience na mapakinggan ang pagtatanghal ng isa sa kilalang bandang Pinoy.

mymp2

Hummmm, magagaling nga, isang babae lang ang soloist na Juris daw yata ang name at ung lead guitarist naman na Chin as in tsinito hehe ay magaling ding kumanta.
Well napabilib ako, hindi boring at tuwing me popular na kantang inaawit ay halos mabaliw ung nasa harap kong babae sa katitili. Kundi ko napigil ang aking sarili ay baka napitik ko ang tenga, JOKE! Paano ang gulo talaga halos masira ang upuan hayyy, anyway sige baka sobrang tuwa at fan lang talaga siya.

Nang awitin ang Tell Me Where It Hurts nila grabe as in grabe ang ingay ng audience oo, tapos isunod pa ang fave ko na “Nothing’s Gonna Stop Us Now” naku bigla ba namang bumalik ang alaala ng “The Mannequin” na pelikulang sa sobrang tagal na e baka madami sa inyo di pa pinapanganak noon.

Overall performance, 2 thumbs Up!! Biruin niyong ang mga iginagalang na pulitiko e napasayaw kabilang na si congressman at mayor.  Ang galing at tuwang tuwa din sila sa naging partisipasyon ng mga tao.

ang lechon bow!

ang lechon bow!

Well, isang maganda ito sa pamimiyesta ko, biruin niyong mula Luzon e pumunta ako ng Samar para lang makipamiyesta at makikain ng lechon. Tunay namang naiiba ang lasa ng lechon nila ang puna ko lang, dahil nga nasanay ako sa luzon na me sarsa ng lechon dito wala usually suka lang pero di mapapasubalian ang talab sa butong linamnam. Hala kain tayo…

The problem of getting old

IT’S HELL TO BE OLD

old-manOld people have problems that you haven’t even considered yet! An 85-year-old man was requested by his doctor for a sperm count as part of his physical exam. The doctor gave the man a jar and said, ‘Take this jar home and bring back a semen sample tomorrow. The next day the 85-year-old man reappeared at the doctor’s office and gave him the jar, which was as clean and empty as on the previous day. The doctor asked what happened and the man explained, ‘Well, doc, it’s like this–first I tried with my right hand, but nothing. Then I tried with my left hand, but still nothing. Then I asked my wife for help. She tried with her right hand, then with her left, still nothing. She tried with her mouth, first with the teeth in, then with her teeth out, still nothing. We even called up Arleen, the lady next door and she tried too, First with both hands, then an armpit, and she even tried squeezin’ it between her knees, but still nothing.’ The doctor was shocked! ‘You asked your neighbour?’ The old man replied, ‘Yep, none of us could get the bloody jar open.’ (hehe.. you ha! Iba rin ang inisip! )

Isang Panawagan sa Kababaihan

Hinawakan ko ang Women’s Committee sa aming unyon ng ilang taon at naging aktibo ako sa pakikipaglaban para sa Karapatan ng kababaihan. at ang tulang ito ay nalikha  bago pa lang ako nagsisimula, mga tanong na pinilit kong hanapan ng kasagutan.

Babae Mahina Ka Nga Ba?

Saan ba nila ibinatay ang lakas mong taglaykababaihan
Sa patpatin bang katawang sa hirap ay pilit sinanay

O sa dami ba ng luhang kapiling mo sa gabi’t araw

Mga luha ng paghihirap na ikaw lang ang may alam.

Mahina ka nga ba, subali’t bakit magkakaganoon?

Di ba’t kahati ka rin nila sa paghubog ng panahon

Sa loob ng pabrika lakas mo din ay itinatapon

Manggagawang di kilalang sa limot ay ibinaon.

Babae, bakit tinatanggap mong ikaw ay mahina

Hindi ba’t nababata mo ang higit pa sa iyong kaya?

Sa paglikha mo ng buhay di ba’t buhay din ang kapantay?

Bakit ngayo’y sasabihing mahina ang lakas mong taglay.

Babae, huwag mong pabayaang mata mo ay hindi mamulat

Huwag mong tanggaping sa puso mo, sa lakas ikaw ay salat

May mga kabaro ka ring umaamot ng iyong lakas

Bibiguin mo ba ang kanilang hinahangad?