Opdas Burial Cave

Ang sumunod naming pinuntahan ay ang Opdas Burial Cave. Libong taon na halos ang mga bungo at kalansay na inipon nila mula sa iba’t -ibang kweba at isinentro sa lugar na ito.

This slideshow requires JavaScript.

Napakayaman sa kultura ng ating mga ninuno at mabuti dahil  merong mga nakakapagpanatili pa ng mga ito.

Halina at puntahan natin ang Benguet Mt. Province at ating tuklasin ang magagandang tanawin at mayamang kultura.

Kabayan Natural Museum and Burial Cave Site

Dinala kami ni kuya Santi sa Kabayan Natural Museum at narito ang kanyang pagkukuwento.

Faces and Phases of Kabayan

This slideshow requires JavaScript.

Narito naman ang mga katutubong gamit nila.

This slideshow requires JavaScript.

Ang isang ito ay lubid na kung titingnan mo ay gawa sa baging pero ito ay gawa sa balat ng kalabaw.

Ang isang ito ay nakakatuwang tingnan pero sa totoo lang ito ay panghuli ng daga.

Ito naman ang sinaunang gilingan nila ng kape

Eto naman ang mga himlayan ng kanilang mga ninuno. Ang mga guhit na makikita sa bawat himlayan ay tanda ng kung ilang araw nilang ibinurol ang mga labi ng namayapang mahal sa buhay.

This slideshow requires JavaScript.

narito naman ang mga sangkap na ginagamit nila sa mummification.

This slideshow requires JavaScript.

at mawawala ba ang mga group pictures 🙂

This slideshow requires JavaScript.

Hanggang sa muling gala!

 

 

 

 

 

 

Benguet Mountain Province Adventure

Ang Dorang lagalag ay muli na namang nakidnap, ngayon ay 5 na kaming pumunta sa Kabayan, Benguet para sa Enchanted Lake. Hindi ako nakagear na maghiking ang usapan lang namin ay sa Camp site o sa aming tutuluyan lang ako at magluluto para sa kanila. E kaso makukulit at ayaw akong tantanan kaya halina at kami ay samahan sa pag-iikot at pag-akyat sa mga lake ng Tabeos.

Unang destinasyon, ang Mt Pulag National Park Ranger station.

Mula sa Baguio city ay maaari kang sumakay ng van papuntang Kabayan at ang daan ay Buguias. Nasa mahigit 4 na oras ang biyahe at mayroon lang itong dalawang van papunta roon na ang unang biyahe ay 7 ng umaga. Kailangang magparehistro ang lahat ng turista sa opisina at magbayad ng Entrance fee na P175/head, camping fee na P50/head/night at LGU fee na P150/head. Pagkatapos ay ang orientation mula sa otoridad.

This slideshow requires JavaScript.

Magmula sa Ranger station mararamdaman mo na ang sumisigid na lamig kaya pagkatapos ng mga selfies at groupies ay nagpasya na kaming pumunta sa bahay tuluyan.

This slideshow requires JavaScript.

dahil malaki pa ang oras pagkatapos ng pananghalian ay nagpasya ang lahat na ikutin na ang mga lawa (lakes) na maaaring akyatin. sa tulong ng binatilyong guide namin ay naranasan ko ang isa sa mahirap ng trek. Malaking tulong ang trekking stick na ipinahiram sa akin ni Carz pati na ang gomang gwantes na binili para maipanghawak ng mga damo at halamang pwedeng kapitan sa pagtrek. Hindi man umayon  ang panahon dahil umuulan ng bahagya ngunit di nagpatinag ang lahat at sinuong ang madawag na gubat kung saan makikita ang 3 lawa. Nasa 8 degrees na lamig samahan pa ng basa ng mga damit, dulas ng daan at talaga namang masusubok ka.

This slideshow requires JavaScript.

at ang saya ng marating na naman ang Junior Pulag o baby Pulag kung tawagin, madidinig ang pito ng malakas na hangin at ang napakakapal na fog.

Abangan bukas ang ibang bahagi ng adventure na ito!