Cebu Adventure 2012

Hulyo 22-24, 2012 nang kami ay magbakasyon sa  lugar na ito, kasama ang bikoy ko at ang aking bonggang-bonggang ina. Ang unang araw ay ginugol namin sa pamamasyal sa mga pamosong lugar sa Cebu sa tulong ng aming inarkilang sasakyan (P1600 para sa 5 oras na arkila ng kotse kasama na ang pagsundo sa airport). Una naming pinuntahan ay ang ang  Lapu-Lapu shrine, at sumunod ang Heritage Park, Taoist Temple, Magellan’s Cross, Sto. Nino Church at ang Port San Pedro (P30 entrance fee).

Lapu Lapu Shrine

Lapu Lapu Shrine

Lapu-Lapu Shrine

Heritage Park

Heritage Park

Heritage Park

Heritage Park

Taoist Temple

Toist Temple Cebu, Philippines

Taoist Temple Cebu

Taoist Temple Cebu

Taoist Temple Cebu

Magellan’s Cross

Magellan's Cross Cebu

Fort San Pedro

Fort San Pedro

Ang supot na jumpshot ko hehe

Fort San Pedro

Fort San Pedro

Fort San Pedro

Sa pangalawang araw ay sa Sergio Osmenia Sr. Museum lang ang aming destinasyon at pagkatapos kumain sa labas ng lunch ay nagpahinga muna para sa susunod na adventure…ang Sky walk ng Crown Regency Hotel.

Advertisements

Taal Volcano – The Next Spot

Abril 23, 2012

Well paano ko nga ba malilimutan ang araw na ito, una, nakasama ko ang 2 most treasured friends ko…si Yetsky at Ta Au…mas kumpleto pa sana kung kasama si Robin (esposo ni yetsky), si Ino (esposo ni Ta Au) ay naroon din. Hindi madalas kahit noong magkakasama pa kami sa dating trabaho na umalis kaming ang dahilan ay lakwatsa lang kaya talagang tuwang-tuwa ako sa bonding naming ito.

Next destination…Taal crate. Di na mabilang ang punta ko sa Talisay ngunit kahit minsan ay hindi pa kami nakaakyat sa Taal Crate kaya di ko alam ang daratnan ko doon. Gaya din ba ito ng Pinatubo na kailangang magtrek pa?

Bagong experience kasi first time na sasakay ako ng kabayo at ilalakad ng kulang sa isang oras…hahaha umiral na naman kaduwagan ko at talagang naninigas katawan ko noong una, yun pala ang dapat lang ay relax at isunod ang galaw ng katawan sa galaw ng kabayo.

Mga nasa halos isang oras din itong pangangabayo.

ang mismong Taal Crate

Ang sunset sa Taal Lake with Shio

at mawawala ba ang pamosong jump shot!!

Ok till next lamyerda ulit…see you soon!

Lakwatsa sa Vigan

Umiral na naman ang kakatihan ng mga paa at kasama ang mga fren ko na sina Juliet at husband Robin niya pati na din si Denden, ayun at sumabit kami sa jeep nina Leah at go sa Abra.

After ng birthday celebration ni baby Rose Juliet (anak ni Leah) kinabukasan ay hello Vigan kami.

cute lang kunan ung stage sa Vigan Plaza

Ito ang kahabaan ng World Heritage Site

mukhang sinubok irenovate hanggang sa mapagpasyahang palabasin ang tunay na design ng dingding. Marami pang ganito doon.

Ito ang simbahan sa Old Bell Church

Ang Old Bell Church

Entrada ng Baluarte ni Gob. Chavit Singson

Isa sa malawak na dako ng Baluarte

Ang Albino na sawa in action haha.

Hanggang sa susunod na adventure….

Subic tree top adventure

Naranasan na ba ninyong salubungin ang inyong takot? halimbawa ay makipaglapit saanumang uri ng hayop kahit na may phobia kayo sa mga ito? Pumunta sa matataas na bahagi gayong me takot kayo sa matataas na lugar? Sabi ng eksperto ay ito ang pinakamabisang paraan upang maalpasan natin ang mga takot na iyon, ang harapin ang mga ito.

Ako di sinasadyang natuklasan kong me phobia ako sa bangin, oo nga at kaya kong umakyat sa matataas na lugar pero kapag nakakita na ako ng matarik na babagsakan ay parang nangangalog ang aking tuhod. Marami na akong nakakatawang karanasan kaugnay nito at isa dito ay ng tumawid kami sa ginagawang gusali sa Baguio ilang taon na ang nakakaraan. Lahat ng mga kasama ko ay nagsilakad na parang walang anuman sa gilid ng malalim na hukay samantalang ako ay parang butiking nakadipa lang at hindi na makagalaw.

Naulit ito ng umakyat kami sa bundok ng Arayat ng manggilid kami sa isang malaking tipak ng bato at bangin ang aming maaaring kahulugan.

Subalit magkaganun man sinabi ko sa sarili kong icoconquer ko ang takot na iyon at sasakay ako sa zip line weeeehhhh. Nagkaroon ito ng kaganapan sa Subic ng kami ay magpunta sa Tree Top adventure, isa sa aking pinilahan ay ang Superman ride nila na nagkakahalaga ng P250. Dalawahan ito at ang aking partner ang aking kasama, totoong halos umalpas ang puso ko sa kaba habang nakasabit pa lang ngunit ng mabilis na itong ibininit ay nakalma na din ang aking sarili. Ilang saglit munang nakahinto ito sa dulo kaya kitang kita mo ang tarik ng iyong kinasasabitan bago ka muling ibabalik sa iyong pinagmulan. Ilang segundo lang ito ngunit sapat na para maexperience mo ang superman ride sa zip line at weeeeeeeee kinaya ko din yehey.

Narito ang aming video at inyong tunghayan.

Mt. Arayat Expedition 2010

Kahapon ang isa sa di ko malilimutang araw kung saan nasubok uli ang tibay ng loob at paghamon sa pisikal na kakayahan.

pinaykeypoint team

Ang Pinaykeypoint team, na pinamumunuan ng aking matatalik na kaibigang Juliet at Robin ay nagplanong umakyat sa Mt. Arayat para sa pinaplanong expansion ng kanilang travel business.Pito kaming lumarga at nagtangkang i-conquer ang bundok na iyon. Kinalimutan ko muna ang trabaho para sa aking garden site.

Pinaykeypoint team

Nagsimula kaming umakyat ganap na ika 10:20 ng umaga, napakahirap ng naging pag-akyat na iyon sa bundok ng Arayat dahil kakaunti lang ang aming baon na kaalaman at may katarikan ang daan patungo sa tuktok.

view sa Batyawan

kainan sa Batyawan

 

Alas 2:00 pasado na ng hapon ng aming marating ang tinatawag nilang Batyawan o deck kung saan tanaw ang kataasan ng bundok at doon kami nananghali.

Going up to Mt. Arayat

Hindi nagtagal at muli na naman kaming umakyat upang tumungo na sa mismong tuktok, ilang hakbang lang at mangangailangan ka na ng pahinga. Masakit na ang lahat ng bahagi ng aming katawan ngunit hindi namin mapapalampas ang pagkakataong di marating ang tuktok ng bundok Arayat.

isa sa magandang tanawin mula sa itaas

Sa painot-inot ay naabot namin ito ganap na 4:00 na ng hapon, kaunting pahinga at picture taking at muli na naming binaybay ang daan pabalik sa takot na gabihin sa daan. Kung mahirap ang naging pag-akyat ay ibayong hirap lalo ang pagbaba dahil sa matatarik na daang aming tinatahak. Pagod na ang mga katawan, nanginginig na ang aming mga paa at mahina na din ang balanse. Ako ay literal na gumapang patalikod sa mga batuhan upang maiwasan lang ang dumausdos.

Sa tuktok ng Mt. Arayat

Ang isa sa aming ipinag-alala ay ng bumigay ang napakalaking bato na aking nadiinan, napakalakas na tunog ang nilikha ng dalawang bato na iyon at lahat kami ay hinihintay na lang ang susunod na mangyayari, magmimistula ba itong avalanche ng yelo na maaaring magtrigger ng pagdausdos ng napakarami pang bato? Mabuti na lang ay hindi nangyari ang aming kinatatakutan at hindi sa daan kung saan naroon ang mga nauna naming kasama ito bumagsak.

Sa wakas narating din ang tuktok

Ang takot ko sa bangin ay muli na namang dumating at literal na nanginginig ako habang bumabaybay sa makikipot na daang bangin ang kahahantungan sa maling paghakbang.

Inabot kami ng dilim sa loob ng kagubatan na ang tangi lang tanglaw ay liwanag ng cellphone. Bawat hakbang ay isang napakalaking achievement na dahil sa matinding sakit ng tuhod, masel at panginginig ng mga kalamnan.

saglit na pahinga sa tuktok ng bundok

Kahit humihiyaw na sa sakit ang aking katawan ay hindi ko naisip na sumuko. Ayokong pahirapan pa ang aking mga kasama at alam kong pare-pareho lang kami ng pakiramdam. Maging ang mga sanay umakyat sa Mt. Pinatubo ay umaming grabeng hirap ang inabot nila sa ekspedisyong iyon. Wala na ang mga baon naming tubig at walang mapagkukunan saan mang dako sa kabundukan, mosquito infested ang lugar na lalong nakadagdag sa aming dilemna.

 

mukhang di ba napagod?

mga mukha bang di napagod?

mga kumapit na amorseko at tinik sa aking jogging pants

Salamat sa tungkod na ito na ibinigay ng aming guide at nagsilbing ikatlong paa na pambalanse sa aking paghakbang. Nalulungkot man akong iwan siya ngunit napakahaba niyang dalhin kaya larawan na lang ang aking naging remembrance sa kanya.

Ang Mahiwagang Tungkod

Pasado alas 8:00 ng gabi ng marating namin ang tricycle na siyang maghahatid sa amin sa kabayanan ng Sta Ana Pampanga at labis-labis ang pasasalamat ko sa Panginoon sa maluwalhati naming pagbaba. Na sa kabila ng walang habas na lagabog ng mga puwet at gasgas ng mga amorseko at mga siit ay ligtas kaming nakababa.

bakas na ang pagod sa mga mukha

Pasado alas 11:00 ng gabi ng  makarating kami sa kani-kaniyang bahay at wala ka ng maiisip ng mga sandaling iyon kundi humiga at ilatag ang hapong-hapo na katawan. Pagkatapos maligo ng mainit na tubig ay namahinga na din ako.

 

wacky wacky

bagay ba?

Mahirap ngunit napakasarap isiping nakayanan kong muli ang pagsubok sa pisikal na kakayahan. Kung mauulit man ito ay malalaman niyo sa susunod na kabanata.

A Great Experience with Puerto Princesa

Nang magpromo ang Cebu Pacific para sa 15th Presidential Inauguration at ang pamasahe saan man dito sa Pinas e P15 lang, aba e isa kami sa nakipag-unahan kami para ma avail ang napakadalang na pagkakataong ito. Kagagaling lang namin ng Boracay noong June ng magpromo, pikit mata ay nagpa book kami, initially ay sa Bohol sana kaso fully booked na kaya ang next destination ay Puerto Princesa. Kasama ang mga fren ko na sina Juliet at Robin, pati si Riz at ang aking inang uli ay inabot lang ang pamasahe namin na halos tig P500 lang isa. Kundi kami nag avail ng insurance (optional lang naman pero dapat me isang kumuha man lang) e malamang wala pang P300 round trip na, o aayaw ka pa ba haha.

Wala ng bakanteng weekend ng November at kahit na September at October man kaya kahit na week days sinigihan na namin, dali lang naman mag adjust ng work e.

November 8 – 10 ang araw, kung maaga sana ang flight 3 days 2 nights man lang pero late afternoon na kasi ang flight na available kaya past 5pm na kami nakarating.

Saludo ako sa linis at disiplina sa kalinisan ng mga tao dun, wala kang makikitang kalat sa daan at pati mga tao kapag inabot na ng past 7 ng gabi wala na ding kakalat kalat.

Halina at makisilip sa aming adventure…

Underground River

ang grupo papasok na sa underground river

Juliet, inang, Liza at Riz

Limestone mountain papuntang Sabang

 

Kuha sa bunganga ng underground river

 

Ang Underground River nga palang ito ay isa sa mga nominees para sa new 7  wonders of the world at sa kasalukuyan ay nangunguna ito sa talaan ng mga nominado. Sa kabuuan ay mayroon itong halos 8 kilometrong navigable underground river at natatangi sa buong mundo ngunit allowed lang maexplore ng mga turista ang 1.5 kilometer. Tinawag itong St. Paul underground river before dahil me mga imahe itong kahawig ng nasa St. Paul Cathedral. Makikita ang mga natural rock formation sa loob ng kweba na kahawig ng nakatagilid na Kristo, nativity, San Roque na me nakatingalang aso, larawan ng sagradong pamilya, groto, pati ang haring nasa malapit sa bungad na tila ba siyang bantay.

What a truly amazing images at napakarami pang iba na ipapaliwanag ng boat guide habang iniispatan ng ilaw. Sayang nga lang at mejo malabo ang ilaw namin at di na makaya ng aming mga camera ang sobrang dilim sa kweba.

Para mapanatiling mataas ang rating at tanghalin itong isa sa new 7 wonders of the world, iminumungkahing maglog on lamang sa New7wonders.com at iboto ang pride ng ating bansa.

Mag-inang Tsonggo!

gawin bang sash ang baby croc

 

kaganda naman ng aking kutsera haha

dami pang magaganda sa Puerto Princesa at kulang ang panahong inilagi namin para mapuntahan ang mga iyon.

para sa karagdagang larawan ay tingnan lamang ito.

Inirerekomenda kong inyo ding pasyalan at dayuhin ang Puerto Princesa. Isang napakagandang lugar.

Saan kaya ang susunod?

 

Biri Island Escapade

Hala mag-iisang buwan na ito, panis na kaya hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang kagandahan ng Biri Island sa Northern Samar.

Biri Island Rock FormationActually mga rock formation ito na sadyang kakaiba, kung titingnan mo sa malayo ay waley lang pero maaappreciate mo ang ganda kapag nakita mo ng malapitan.

Mula sa pinanggalingan naming Calbayog City papunta sa lugar ay mahigit 3 oras din ang biyahe kasama na ang kulang isang oras na sakay sa bangka papunta sa mismong isla. At mula sa tinuluyan namin ay mga 10 minuto sigurong sakay sa habal habal.

Habal Habal

Habal habal

Na-first time ako sa pagsakay sa habal-habal hehe. Motorsiklo itong nilagyan ng extender na kaya hanggang 6 o higit pang sakay. Kakabilib nga ung mga braso ng driver kasi ang hirap kaya nang pagbalanse dun dahil sa bigat tapos di naman lahat ng daan ay konkreto. Sayang nga lang at wala kaming eksaktong kuha ng picture na 6 kami, pati driver na nakasakay ng habal habal.

Halikayo at makisilip sa lugar.

Villa Amor, Biri Island

Rizza

waki waki

Ang grupo sa waki pix

lawit paa

Miss U pose hehe