Dahil sa pangako kong maisakay ng eropleyn ang aking inang ay naisipan kong pumunta ng Iloilo sa kung saan naroon ang kuya Bert ko at ang kanyang pamilya. Para may twist naman e di sumaglit na at silipin ang pinaglalawayan ng iba na Boracay beach.
Hummm hale nga at mapurbahan kung gaano kaganda ang sinasabing maganda ngang buhangin at dagat na iyon.
Wahhhhh ayaw ng pamangkin ko nung una na lumusong sa tubig, bakit kanyo? Eto o….
Malumot ang panahong napuntahan namin, medyo nakakaadwa ngang itapak ang paa. Pero napilit din naman (siya lang kasi ang di lulusong e) in fairness, kapag nakalayo ka ng kaunti ay wala ng gaanong lumot at medyo napahanga naman ako na kahit hanggang leeg na ang tubig ay kita pa din ang paa, meaning malinaw naman. At take note ha… di gaanong maalat ang dagat dun. Sa dami ba naman ng dagat na nalubluban ko na ay di ko pa malalaman ang maalat at di gaano hehe.
O mukha bang di nag eenjoy ang bata batuta e feeling sirena nga hahaha…
Buhay na buhay ang bora sa gabi, kung mahilig ka sa food trip at konting inom ok un. So parang nasa nature ka pero ang night life naroon pa din. Pero kapag araw na….ordinaryong ordinaryo lang ang dating ng tanawin.
Pero talagang inilaan ang buhay na maging balanse, kasi habang ang iba ay kumakain ng lobster na nagkakahalaga ng P2,800 isang kilo (na pwedeng isang piraso lang iyon)
Ay meron naman sa isang dako na kailangan pang manghingi ng limos para makakain.
Tunog sosyal, namamalimos pero sa Bora nakabase ha.
At least nakita kong naexcite ang inang ko, kundi ba naman e pinroblemang malaki ang mamamatay na niyang hinlalaking kuko sa paa, kung ano isusuot para matakpan lang hehe. Kunwari nagtsinelas pero puro beads naman at sinadya lang bilhin para ipanglakad sa buhangin ng Boracay. Nais ko lang ibahagi na sa kabuuan ang reklamo lang niya ay ang pananakit ng tenga sa pressure sa eroplano. Kaya ng umuwi kami ay pinagnguya ko ng babolgam, e di walang reklamo sa tenga niya hahaha.
Ganun lang, gusto ko lang ipakita ang kabalintunaan ng buhay.