17th Clark Hot Air Balloons Festival

Nagtapos kahapon ang ginanap na ika-17 Hot Air Balloon Festival sa Clark Airfield na nagsimula noon pang Pebrero 9.

Naroon ako kasama ang mga kaibigang sina Juliet at Shio upang makisaya at makigulo sa mga kaganapan.

Sa Shanghai Restaurant sa Balibago kami nagtanghalian courtesy of BFF Juliet. Seafood canton, peking and tender  lechon with a huge servings of Fried Rice…siyempre pa di kinaya ng byuti namin na itaob ang nakahain dahil malalaki ang order nila.

VIP ang lugar na napuntahan namin kung saan mga chase crews at mga may-ari at pamilya lang ang pwedeng maka-access, salamat sa buddy namin na 4×4 driver at isa ring chase crew. Mula sa aming kinaroroonan ay makikita at malalapitan mo ang mga hot air balloon, madarama ang init kapag binubuhay na ang mga ito at masisilip sa malapitan ang pagpapalobo at maging ang paglipad sana. Medyo nakakalungkot lang na sa 27 kalahok na balloons ay nasa 7 lang yata ang nagtangkang magpalobo ngunit bigong makalipad. Mahangin at may mahinang pag-ulan kaya hirap na makaangat ang mga higanteng lobo.

Right where the action is

hanggang dito lang ang kayang itayo

Maging ang pagpapalipad ng saranggola ay makikita din sa event na ito.

Saan ka pa ha bazooka lang naman with poging escort haha

hanggang sa muling adventure mga kasama!

Naniniwala ka ba sa Multo?

Madaming kababalaghan tayong maririnig sa kwento ng iba at maaaring ang iba ngang kwento ay galing sa isa sa atin pero ang simpleng tanong…naniniwala ka ba sa multo?

Ang mga nakikita ba ng tinatawag na me 3rd eye ay hindi totoo?

Ang mga imahe bang sumasama sa video at larawang kinukunan ay multo?

Maaaring iba-iba rin ang ating kasagutan… sa iba ang multo ay totoo at sa iba ito ay kathang-isip lamang.

Ako?

Katwiran ko lang hindi dahil sa hindi ko ito pinapaniwalaan ito ay hindi na totoo.

 

 

Karagdagang kaalaman tungkol sa Diabetes Mellitus

Karagdagang kaalaman tungkol saAsbestos Cancer

Karagdagang kaalaman tungkol sa Conductive Hearing Loss

Panagbenga 2010

Naku bago tuluyang mapanis ang escapades naming ito ay hayaan niyong maishare ko man lang sa inyo. Sa tinagal-tagal ng panahon na naisip kong silipin ang Panagbenga Festival sa Baguio, sa wakas ay natuloy din ito. Nakupo pahirapan sa sakayan kasi araw ng Sabado (Pebrero 27) ang street dancing nila na isang highlight din ng okasyon at madaling araw namin sinubok magbiyahe, ayun nasakay naman pero sa upuan na lang ng kundoktor ang naibigay dahil sa Cubao pa lang daw ay siksikan na. So hala, gogogo!

Grabe ang tao! kahit ayaw mong mapalakad matutulak ka talaga. Sari-saring amoy, sari-saring reklamo pero yun naman talaga ang hinanap namin e hehe.

hayyyyy sarap kahit mahirap.

para kaming buddha sa laki nyahaha

Ito naman ang mga naggagandahang flower floats sa fluvial parade

Ang Three-Headed Lion

Bungad ng float ng Jollibee

One of the nicest floats

Sayang dami pa pero alam ko hirap na matingnan kapag sobra na dami e.

Hanggang sa muling escapades!

MYMP

MYMP

MYMP

Ako ang taong di ko masasabing fan ng kahit na anong bandang pinoy. Kasi basta gusto ko ang kanta dun ako kahit na sino pa ang kumanta. Lalong di din ako mahilig manood ng mga banda o concert kaya.

Pero dito ko sa Calbayog ngayon at Fiesta dito. Daming mga invited na performer para bigyang buhay ang pistang dinadayo ng mga tagarito. Sa medaling sabi nayaya akong manood ng  concert ng MYMP, bukod sa sikat na e libre pa so bakit di samantalahin.

Yung mga local band na nagfront act in fairness mahuhusay ha, tipong kahit sila na lang ang magperform ay ok na pero siyempre, MYMP pa din ang bida.

Siyanga pala, ayon dito sa partner ko ang MYMP daw ay stands for “Make Your Momma Proud.” Nayanig ang tutuli ko sa sigawan ng magsimulang ayusin ang mga instrumentong gagamitin ng MYMP, as in talagang excited ang mga audience na mapakinggan ang pagtatanghal ng isa sa kilalang bandang Pinoy.

mymp2

Hummmm, magagaling nga, isang babae lang ang soloist na Juris daw yata ang name at ung lead guitarist naman na Chin as in tsinito hehe ay magaling ding kumanta.
Well napabilib ako, hindi boring at tuwing me popular na kantang inaawit ay halos mabaliw ung nasa harap kong babae sa katitili. Kundi ko napigil ang aking sarili ay baka napitik ko ang tenga, JOKE! Paano ang gulo talaga halos masira ang upuan hayyy, anyway sige baka sobrang tuwa at fan lang talaga siya.

Nang awitin ang Tell Me Where It Hurts nila grabe as in grabe ang ingay ng audience oo, tapos isunod pa ang fave ko na “Nothing’s Gonna Stop Us Now” naku bigla ba namang bumalik ang alaala ng “The Mannequin” na pelikulang sa sobrang tagal na e baka madami sa inyo di pa pinapanganak noon.

Overall performance, 2 thumbs Up!! Biruin niyong ang mga iginagalang na pulitiko e napasayaw kabilang na si congressman at mayor.  Ang galing at tuwang tuwa din sila sa naging partisipasyon ng mga tao.

ang lechon bow!

ang lechon bow!

Well, isang maganda ito sa pamimiyesta ko, biruin niyong mula Luzon e pumunta ako ng Samar para lang makipamiyesta at makikain ng lechon. Tunay namang naiiba ang lasa ng lechon nila ang puna ko lang, dahil nga nasanay ako sa luzon na me sarsa ng lechon dito wala usually suka lang pero di mapapasubalian ang talab sa butong linamnam. Hala kain tayo…

The problem of getting old

IT’S HELL TO BE OLD

old-manOld people have problems that you haven’t even considered yet! An 85-year-old man was requested by his doctor for a sperm count as part of his physical exam. The doctor gave the man a jar and said, ‘Take this jar home and bring back a semen sample tomorrow. The next day the 85-year-old man reappeared at the doctor’s office and gave him the jar, which was as clean and empty as on the previous day. The doctor asked what happened and the man explained, ‘Well, doc, it’s like this–first I tried with my right hand, but nothing. Then I tried with my left hand, but still nothing. Then I asked my wife for help. She tried with her right hand, then with her left, still nothing. She tried with her mouth, first with the teeth in, then with her teeth out, still nothing. We even called up Arleen, the lady next door and she tried too, First with both hands, then an armpit, and she even tried squeezin’ it between her knees, but still nothing.’ The doctor was shocked! ‘You asked your neighbour?’ The old man replied, ‘Yep, none of us could get the bloody jar open.’ (hehe.. you ha! Iba rin ang inisip! )

Bondage, may sarap nga ba sa hirap?

Paunawa, ang ilang larawan ay sinadyang hindi iedit upang Makita ang tunay na pangyayari, patnubay ng nakakatanda (gurang ba ika mo?) ay kinakailangan.

bondage-elbowHabang nanonood ako ng Probe kagabi di ko mapigil ang di huminto upang panoorin ang isang kakaibang kulturang bumulaga sa akin. Tinatalakay dito ang ‘Bondage’ at ang art ng “Kinbaku”.

Hindi ko napigil di magresearch ukol dito. Totoo nga bang may sarap sa hirap? Ang bondage ay ang paggapos sa isang tao upang makadama ng matinding sensasyon habang nagtatalik. Bagama’t hindi lahat ng Bondage ay nauuwi sa pagsesex, ang psychological pleasure nito ang hinahanap-hanap ng mga taong nahihilig sa naiibang kultura.

kinbakufront2Ang “Kinbaku” naman ay isang uri ng Japanese art na may kinalaman sa paggapos na dapat ay hindi nakakasakit, walang buhol at hindi nakakamatay. Hummmm nakakaintriga talaga. Mantakin ninyo na may mga bagong kultura (upps matagal na nga daw pala ito hindi lang ganoon kapopular).

bondage-male1Vincilagnia ang tawag sa mga taong nakakalasap ng matinding sexual pleasure sa “pagpapahirap” sa kanilang sarili. Ito ay hindi lang para sa kababaihan kundi may kalalakihan ding nagiging “submissive” o pumapayag na sila ang dinodominahan.

bondage-whip1

Hindi lang pagtatali ang nakapaloob sa bondage kundi maging ang paghagupit ng latigo, pagpapatorture sa tubig. Ngunit malinaw at mahalagang malaman na ang BDSM (bondage and discipline, dominance and submission, sadism and masochism) ay hindi isang pang-aabusong sexual. Ito ay may disiplinang sinusunod, ito ang “Safe, sane and consensual (SSC) at ang pilosopiya ng “risk-aware consensual kink” o RANK. Dapat ito ay sinang-ayunan ng bawat panig, ligtas at di nakakamamatay. Pero siyempre pang di maiiwasan na may masaktan at sa sakit na iyon nakapaloob ang isang kasiyahang sila lang ang nakakadama.

ang Kinbaku rope

ang Kinbaku rope

ang bondage chair

ang bondage chair

Sa isang bansang matatawag pa nating konserbatibo, paano titingnan ang isang kultura ng “pananakit sa sarili?” o masokismo. Ang pag-usbong ba ng ganitong kultura ay patunay lang ng kawalang kasiyahan o paghahanap ng ng mas mataas na antas ng kasiyahan ng isang tao? Sino ba ang magtatakda ng pagiging moral at imoral ng isang bagay, ang mga nakapaloob ba dito o ang mga nasa labas? Mag-iwan lang po ng puna.

Sa Tuktok ng Pinatubo

Magmula ng manalasa ang Mt. Pinatubo noong July 1991 ay isa na ito sa naging sikat na tanawin sa Pilipinas. Nakilala din ito ng ibang bansa, aba, bakit nga ba hindi e ang abong ibinuga nito ng mag-alburoto ay natikman din ng ibang kalapit na bansa. Ang pinsalang idinulot nito ay talaga namang di matatawaran. Ilang lugar sa Tarlac at Pampanga maging sa Zambales ang binura nito sa kasaysayan.

Si Bryan, Frankie at Erine bago umakyat

Si Bryan, Frankie at Erine bago umakyat

Ngayon sa kanyang pananahimik, marami ang nagtatangkang ito ay kanilang maakyat at makita ang bunganga nitong nagbuga ng sandamukal na abo, lahar at pyroclastic materials. Hindi ko inakalang mabibilang ako sa isa sa mga nakaakyat ng bulkang ito.

mga dadaanan sa pag-akyat

mga dadaanan sa pag-akyat

Nagmula ang lahat sa simpleng blog ng kaibigan kong si Juliet. Dahil sa blog na iyon ay madami ang nagkainteres at nagtanong kung paano mararating ang Pinatubo. Dahil likas na utak negosyante, naisipan nitong magtayo ng isang magke- cater sa mga nagnanais umakyat. Mula sa sasakyang susundo sa airport hanggang sa paghahatid mismo sa Pinatubo at pag-aasikaso ng kakainin.

Nangyari ito noong Pebrero 6 taong kasalukuyan, pinuntahan ako at inalok na makisabit sa magiging lakad ng 3 nilang parukyano. Me susunduin kasi siya sa airport ng Clark para sa batch naman ng susunod na araw at mas marami ang mga iyon. Si Jessica, ang panganay nilang anak ang aking nakasama. at doon na nagsimula ang lahat…

simula ng lalakaran

simula ng lalakaran

Ako ang natoka sa pagluluto ng aming kakainin, gabi pa lang nang aking iluto ang porkchop na ibinabad ko sa tapa mix. Madaling araw naman ang kanin. Alas 6 ng umaga ang usapang magkikita sa Jollibee Capas at pagdating namin ay naroon na ang mga ito. Si Bryan, ang tanging pinoy at si Frankie naman ang British, si Erine ang Amerikana. Mahuhulaan na siguro ninyo na mejo inagasan ng dugo ang ilong ko sa 2 banyagang ito hahaha.

Magmula doon ay tumuloy kami ng Sta. Juliana sa Capas dahil kailangan naming irehistro ang mga ito at doon kami susunduin ng 4×4 na sasakyang siyang maghahatid sa paanan ng Mt. Pinatubo. Halos isang oras din ang nilakbay ng 4×4 at nalibang kami sa piktyur piktyur. Ang dinaanan namin ay yung tinatawag nilang ‘Skyway’, mas madali ng halos isang oras kaysa sa dating daan sa ibaba na umaabot ng 2 oras na lakaran. Di na kakayanin ng 4×4 na pumasok pa sa dakong iyon dahil sa masikip at sobrang mabatong daanan. Nanunton kami sa mga maliliit na sapa at mga batuhan. Sasabihin ko sa inyo na ang tanging nagpaakyat at kung bakit ko nagawang makababa sa Pinatubo ay dahil na lang sa kahihiyan hahaha.

Jessica at Bryan parang di napapagod hehe

Jessica at Bryan parang di napapagod hehe

mga batis na tinatawiran

mga batis na tinatawiran

parang walang katapusang lakaran

parang walang katapusang lakaran

Yung maliit na falls na me malamig na tubig, sarap

Yung maliit na falls na me malamig na tubig, sarap

Paano nga ba hindi magkakaganoon ay mula sa ilang buwang babad sa computer lang at walang excercise ay biglang masusubo ka sa ganoong lakaran, idagdag pa na hindi na din naman prime ang edad ko (aray!!). Pero ang isipin ko pa lang na sumuko at maging pabigat sa mga bisita at kung paano ako mababalik sa kabihasnan kapag ako ay nagkulaps ay di na makaya ng pride ko nyahaha! Yung aming local guide ay nuknukan ng bilis maglakad at ayaw tumigil man lamang kahit saglit. Pinakiusapan ko na lang ito ng marating namin ang munting falls na me tubong daluyan upang makainom ang mga nais uminom. Sabi ko “manong hinto po muna tayo saglit at ng makabawi naman kami.” mabuti at nakinig naman. Kumuha kami ng ilang litrato doon at muling nagpatuoy sa paglalakad.

Yung akala kong walang katapusan ay natatapos din pala. Kahit na talagang hagok ako sa paglakad at panaka nakang pag-akyat ay sa wakas eto na ang Pinatubo. Bago mo marating ang pinakatuktok ay me dadaanan kayong mga hagdanan at sa mga taong pagod ang hagdanang iyon ay talagang parusa pero balewala na ang lahat kasi ay alam naming bunganga na ang kasunod.

Ang lawa sa tuktok ng Pinatubo, Yahoooo!

Ang lawa sa tuktok ng Pinatubo, Yahoooo!

At tunay nga namang napakaganda ng tanawin. Kulay berde ang tubig ngunit malamig. Me ibang lugar kang pupuntahan para sa hot spring. Pasado alas 9 lang ng umaga ay naroon na kami. Nagpahinga ng 2 oras, kumain ng tanghalian at yahooo lubluban na. Me ilang kasabay kaming mga turista, madami ay foreigner at ilan lang ang mga pinoy na nagsisiligo din. Malalakas ang loob ng 2 naming kasamang babae at ako, ano ba ang maaasahan kundi ang magmistulang suso sa gilid sa takot na mapalalim. Pero kapag di ka sanay sa lamig ng tubig, baka lublob pato lang ang mangyari at umahon ka na.

ng tumirik ang sinusundan naming 4x4

ng tumirik ang sinusundan naming 4x4

Nakisama ang araw sa aming pag-akyat, halos hindi ito sumilip at nang kami ay maligo saglit naman itong nagparamdam sa amin. At least yung takot sa sunburn ay hindi nangyari. Ang pag-uwi ang pinakamalupit sa lahat. Dahil sa pagod ay totoo ngang halos ayaw ng sumunod ng mga paa sa paglakad. Ang siste, nagsimulang manakit ang aking kaliwang tuhod na paminsan minsang nagpaparamdam na. Talagang humihiyaw ako ng tahimik sa mga pababang lugar na aming dinadaanan. Natatakot akong bumigay na lang ito at ako ay malinsaran ng buto o magtuloy tuloy na mahulog. Mas mainam sa aking kalagayan ang pag-akyat kaysa pagbaba. Lahat na ng klase ng lakad ay aking ginawa, patagilid, papiki, pasakang para lang maramdaman ang konting ginhawa. Alam kong lubhang napwersa ang ligament ng aking mga tuhod at wala man lang kasing warm up na nangyari. Iyon ang una kong pagkakamali.

Si Bryan at ako, kasuwerteng lalaki hehe

Si Bryan at ako, kasuwerteng lalaki hehe

Ang 3 bisita

Ang 3 bisita

Nang pauwi na ay di na nakakapagod, kundi lang sa sakit na nararamdaman ko ay tiyak na lalo akong mag-eenjoy. Ang nangyari kasi ay matinding will-power at kagustuhang maisalba ko ang karanasang iyon tanging nasa isip ko… at siyempre maisalba ko ang labis na kahihiyan. Ang sabi ko sa sarili ko, kapag nakita ko na yung 4×4 un na ang pinakamasayang bahagi ng aking inabot. Isang mahaba at malayong pag-akyat ang aming dinaanan na talaga namang susukat ng husto sa inyong resistensiya, as usual si manong di pa din humihinto o naghihinay-hinay man lang sa pag lakad kaya pagdating sa dulo ng mahabang paakyat na lakarang iyon ay sinabi ko uling ‘manong pagdating sa dulo hinto po tayo’. Ngunit di na pala kailangan, kasi nasa dulong iyon na ang 4×4. Yahoooo!

sa piling ng mga aetas (katutubo)

sa piling ng mga aetas (katutubo)

ibalandra ba pagmumukha hahaha

ibalandra ba pagmumukha hahaha

Nagrequest ang aming mga bisita na bisitahin ang lugar ng mga aeta o tinatawag na aeta village. Idinaan naman kami ng aming driver at sa isang medyo mataas at tagong lugar ay may ilang pamilya kaming inabutan. Sa dadalawang pinagtagni-tagning bubong at dingding na dahon ng saging (pasintabi po pero mas mainam pa ang kulungan ng mga baboy) ay naroon ang humigit kumulang na 20 aeta, madami ay mga bata. Iniimagine ko lang kung paano sila nagkakasya sa gabewang na taas ng kanilang ‘bahay’ at paano sila sa panahon ng ulan. Kasama nila sa lugar ang isang buntis na baboy na kulay itim at ilang manok.

Totoong napakamiserable at di maiwasang di kumirot ng puso ko sa nakikitang kahabag-habag na kalagayan nila. Lahat ng kung anu-anong lamang pwedeng makain sa aking bag ay isinentro ko sa kanila. Nanghihinayang na kahit ilang balot ng biskwit man lang ay hindi ako nakabili, di ko kasi alam na dadaan kami sa kanila. Kaunting usap at hingi ng permisong sila ay makunan, buong galak naman nila kaming pinaunlakan. Nangako ako sa sarili kong sa susunod na pag-akyat doon ay magdadala ako ng mabibitbit para sa kanila.

si Mr Monkey sa Spa Town

si Mr Monkey sa Spa Town

Maaga kaming nakarating sa Sta. Juliana, kung saan ay naroon din ang spa town. Naka-skedyul ang mga bisita na magpa-ash spa o yung pagtatabon ng mainit na buhangin sa kanila sa loob ng kalahating oras. Sarap na sarap ang mga bisita sa relaxationg naramdaman. Kasunod niyon ay ang paliligo ng malinis na tubig.

Mga ilang tips sa pag-akyat sa Pinatubo:

1. Wag magdadala ng mabigat, limitahan lang ang dadalhin para di mahirapan sa pag-akyat.

2. Mag warm up ng ilang araw para di mapwersa ang mga ligaments at muscles at maiwasan ang anumang sakunang kaugnay nito.

3. Wag puputulin ng sagad ang mga kuko sa paa. Makakatulong ang mga ito na hindi gaanong masaktan ang paa niyo.

4. Magsuot ng rubber shoes o anumang kumportableng sapin sa paa para maiwasang di mamaltos at maging kumportable ang paglakad.

5. Wag na kayong tumuloy kung me nararamdaman o kaya ay sakit sa puso. Walang signal doon at mahirap ang pagtawag ng emergency sa ganoong lugar.

6. Siyempre magdala ng camera para sa picture taking ng inyong karanasan.

Maligayang paglalakbay!

Kung nais ninyo ng detalye sa pag-akyat sa pinatubo, maaaring kontakin lamang si Juliet sa: Pinatubotrek

Silipin din Ang Ulo ng Leon, Bow!