Ang katotohanan sa A(H1N1) virus

Kaunting kaalaman sa Influenza A(H1N1) virus

AH1N1Ang influenza A virus (H1N1) ay natuklasan noong Abril ng taong kasalukuyan. Ito ay kadalasan ding tinatawag na “Swine Flu”. Ito ay pinagsama-samang apat (4) na klase ng virus na umaatake sa mga tao, ibon,  at 2 uri na umaatake sa mga baboy.

Noong Hunyo 15, 2009 ay iniulat ng WHO (World Health Organization) na 76 na bansa na ang apektado at nagtala ng 35,928 na kaso ng ganitong uri ng sakit. 163 sa mga ito ang naiulat ng namatay.

Hunyo 11, 2009 ng ideklara ng WHO na ang sakit na ito ay nasa “Pandemic” alert na, ngunit mariing ipinaliwanag ng nasabing organisasyon na  ang “Pandemic” ay tumutukoy sa bilis ng paglaganap at hindi sa kaseryosohan ng sakit. Hindi ganoon kataas ang fatality rate ng H1N1, nasa 0.4% lamang, higit na malupit ang virus ng SARS (severe acute respiratory syndrome) na kumitil ng 774 na buhay sa bilang lamang ng 8,096 na apektado (fatality rate na 9.6%).

Ang virus na ito ay kumakalat sa pamamagitan ng pag-ubo, pagbahin (sneezing) o paghawak sa mga kontaminadong bagay at pagkatapos ay ihahawak sa ilong o bibig.

Ano ang simtomas ng A(H1N1) virus?

Ang mga simtomas ng sakit na ito ay kagaya rin ng pangkaraniwang trangkaso, lagnat, kawalan ng ganang kumain, pagkahapo at pag-ubo. Ang iba ay nakakaranas din ng sipon, sore throat, pagkahilo, pagsusuka a t maging ang madalas na pagdudumi.

Taliwas sa unang napabalita, ang A(H1N1) influenza ay di nakukuha sa pagkain ng karne ng baboy. Ligtas ang pagkain ng karne ng baboy lalo at lulutuin ng maayos.

Paano natutukoy ang sakit na ito?

Matutukoy lamang ito mula sa pagkuha ng respiratory specimen (swabbing) sa isang taong apektado. Ito ay dadaan sa pagsusuri sa isang laboratoryo.

Sa kasalukuyan ay marami ng available na gamot lalo sa ibang bansa, ngunit dito sa atin ay Tamiflu pa lamang, magkagayunman ito ay mabisa at marami ng may ganitong sakit ang naagapan at tuluyang gumaling.

Ang wastong kaalaman, pagkakaroon ng malakas na pangangatawan at pag-iwas sa sakit na ito ang maaaring makatulong upang ang sakit na ito ay maiwasan.

Para sa kaalaman hinggil sa mga paraan ng pag-iwas sa A(H1N1) ay basahin ang siping ito: Paano maiiwasan ang A(H1N1) virus?

Paano Maiiwasan ang A(H1N1) Virus?

Sa sandali lamang na panahon ay lumaganap na ang A(H1N1) virus o mas naunang nakilala bilang “Swine flu.”

Naunang nagparanas ng sintomas at nakaranas ng maraming pagkamatay ang bansang  Mexico at ngayon ay patuloy na lumalaganap sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Ngunit ano nga ba ang sakit na ito at paano ito maiiwasan?

Ayon sa mga dalubhasa ang sakit na ito ay pinagsama-samang “flu-like” virus na umaatake sa mga tao, baboy at mga ibon. Sa kasalukuyan ay wala talagang bakuna para maiwasan ang sakit na ito, gayunman, ang Tamiflu daw at ilang bakuna ay maaaring makatulong para sa mga naapektuhan nito.

Narito ang ilang paraan upang maiwasang mahawa ng A(H1N1)

handwashing

  1. Una pa ding pinakamabisa ay ang paghuhugas ng kamay sa maligamgam na tubig na may sabon. Sabi nga ay tahimik dawn a kumanta ng Happy Birthday habang naghuhugas ng kamay dahil ganun katagal ang dapat na gamitin sa paghuhugas ng ating kamay. Makakatulong din ang “hand sanitizer” kung talagang walang paraang makapaghugas sa tubig.
  2. sneezingNasanay tayong bumahin (sneezing) na tinatakpan ng ating mga kamay ang ating bibig. Huwag na uli itong gagawin, sa halip ay gamitin ang ibabaw ng ating siko. Ang pagbahin sa pagitan ng mga braso ay doon babaling ang mga mikrobyong kadalasan ay sa ating mga kamay pupunta kapag ang mga ito ang itinakip natin sa ating bibig. At doon ang pinakamabilis na maipapasa natin ang mikrobyong dala ng ating pagbahin.
  3. 42-16272347Iwasan ang paghawak sa ating mga mata, ilong at bibig. Ito ang mga daanan ng mikrobyo. Huwag ding kagatin ang mga kuko dahil ninenerbiyos na kayo. Hala napakadaling masalin sa inyo ng sakit sa ganyang gawain.
  4. face  maskMagsuot ng face mask kapag lumalabas ng bahay at nakikisalamuha sa maraming tao. Malaking tulong ito sa mga mahihina ang resistensiya.
  5. vitaminsAng pagkakaroon ng malakas na pangangatawan ay pinakamainam na pananggalang sa lahat ng sakit. Ugaliing uminom ng bitamina araw-araw, lalo ang Vitamin C.
  6. joggingHuwag ding kalilimutan ang healthy living, matulog ng maaga, kumain ng tamang balanseng pagkain at mag-exercise. Ang malakas na pangangatawan ay may malakas ding resistensiya laban sa sakit.
  7. besobesoIwasan ang matataong lugar at maging ang nakaugaliang beso beso at pakikipagkamay hanggang maaari.
  8. LG_disinf_sprayLinising mabuti ang kabahayan at mag-spray ng Lysol lalo na sa doorknobs, toilet bowl at sa bahaging madalas hawakan ng tao.
  9. doctorKung hindi rin lang emergency cases ay huwag basta-basta pumunta sa hospital para magpatingin sa manggagamot. Hintayin na lang ang inyong family doctor hanggang maaari. Sa hospital pinakamabilis mahawa dahil naroroon ang iba’t-ibang sakit.
  10. travelingIwasang magbiyahe hanggang di pa kontrolado ang sakit na ito lalo sa mga bansang talamak na ang A(H1N1) virus.

Tandaan na ang sakit na ito ay di nakukuha sa pagkain ng karne ng baboy, taliwas sa naunang napabalita. Kalinisan at ibayong pag-iingat kasama na ang kaalaman ang pinakamabisang paraan upang maiwasang di magkaroon ng sakit na ito.

Basahin ang kaugnay na post  – Ang katotohanan sa A(H1N1) virus