Panawagan ng Isang Musmos

Tula ng isang musmos para sa kapaskuhan…taong 1994.

Panawagan ng Isang Musmos

Pasko na naman, Tatay

Tiyak na may bago akong laruan

Robot, manyika at baril-barilan

Mansanas na kaylalaki

Hamon, keso at masasarap na ulan

Buong kabahayan ay tiyak na kumikinang

Sa matayog na Krismas tri

Na itatayo naming ni Nanay.

Pasko na naman, Tatay

Hindi ba’t kami ay ipapasyal?

Sa magagandang tanawin

Malalawak na karnabal

Ibibili ng bagong damit

Sapatos, pagkain at laruan

Medyas kong nakasabit

Malalagyan ng laman.

Nguni’t Tatay, paano naman kaya

Ang mga kalaro kong sinalanta ng lahar,

Ng bagyo, pati na ng baha

Makakatikim pa kaya sila ng mansanas

May bago rin kaya silang laruan

May damit pa kaya silang ipanananggalang

Sa lamig ng panahon

Sa salantang tahanan?

(hindi inaari ng otor ang larawang nakalakip)

Advertisements

Lupit ng hagupit ni Ondoy

halos hanggang ibabaw ng posteng baha

halos hanggang ibabaw ng posteng baha

Nakamamangha ang laki ng pinsalang idinulot ng bagyong si Ondoy sa ating bansa. Hindi nasukat ninuman maging ng PAGASA ang lupit ng hagupit at dami ng ulang ibubuhos ng nagngingitngit na bagyong ito.

ang lawak ng pinsala ni Ondoy

ang lawak ng pinsala ni Ondoy

Maraming nasukol sa bubong ng kani -kanilang bahay, mapapalad pa ang ibang mayroong 2nd floor. Tumataas na din ang bilang ng mga nasawi, mahigit 300 na at marami pang mga nawawala. Asahan na ito dahil sa hanggang ngayon ay marami pa din ang lubog na mga lugar at ang nagsisiksikan ng evacuation center. Bilyong halagang ari-ariang nasira.

mga casualties

mga casualties

baha

Napakalawak ng pinsala, napakaraming naging biktima, at magtatagal pa ito ng ilang panahon. Mga kagamitang nasira, mga bahay na natabunan at buhay na nasawi. Pinakamalupit na mula ng taong 1967. Sa iba ito marahil ay gamit lang ngunit sa marami ito na ang kanilang buong kabuhayan. Nakalulunos makita ang kalagayan ng mga biktima, hindi nawawala ang sakit ng loob ko habang nanonood ng mga balita. Isang kalagayang hindi lang panandalian dahil marami ang magsisimula uli sa wala. Mapapalad ang hindi gaanong nasalanta at buo ang pamilya. Totoong mapapalitan pa ang mga nawalang gamit ngunit hindi ang buhay.

relief operation

Sana ay hindi tayo magdamot ng tulong sa pagkakataong ito. Materyal man o pisikal at moral. Sama-sama nating ibangon muli at isalba ang ating mga kapatid.