Happy 2nd Birthday my blog

Huwaw 2 taon na ang blog kong ito, parang kailan lang nagsisimula pa lang akong mangapa sa blogging ngayon aba naglalakad na haha.

Maraming posts at komento na din ang nagdaan na labis kong pinasasalamatan, sayang at nitong mga huling araw ay naging abala ako sa gawain at hindi na halos nabibisita ang blog ko pati mga kablogs na din.

Sa lahat ng mga nakabahagi ko sa 2 taon na iyon, maraming salamat sa inyo at maraming taon pa tayong magkakasama-sama.

Maligayang araw ng mga puso sa ating lahat!!

 

The Best Things in Life are Free

May natanggap akong notice mula sa Post office, me parcel daw ako at US ang pinanggalingan, hummm medyo tumaas ang kilay ko dahil wala naman akong relatives or friends sa US. Pinuntahan ko at after magbayad ng P35 para sa custom fee, nakita ko ang pinanggalingan “Ezine“.

Excited akong umuwi at tiningnan kung ano ang laman pero me kutob na akong mga souvenir items iyon at di nga ako nagkamali.

narito ang nilalaman ng parcel

Isang customized na mouse pad, malambot ang pagkagoma.

Ezine Mouse Pad

Isang notepad na customized din…hummm sarap sulatan

Ezine Note pad

Isang cute na sticker ng Ezine Expert Author…

Ezine sticker

At siyempre isang napakagandang panulat na me case pa… tulo laway talaga!

Ezine pen

Ito ay dahil sa pagkakaupgrade ko from Expert to Platinum membership at di ko alam na me give aways pala sila.

Nakakatuwa kasi ang mapabilang nga lang sa Ezine napakalaking karangalan na e un pa kayang me mga ganito. Ang Ezine ang pinaka standard ng mga article directories, napakataas ng  standard ng mga ito at di pwede ang basta basta lang.  Ito ang sentro ng mga blogger upang ipromote ang kanilang mga sites. Ako na walang mataas na pinag-aralan heto at kabilang sa kanilang pamilya.

Kakatuwa talaga… salamat.

Maging Carbon Neutral Blog

blog for a cause

May isang nag-anyaya sa akin mula sa isang bisita sa aking English blog na Redfieryheart. Nabasa daw niya ang aking ipinost na tungkol sa Global warming. Tiningnan ko ang ibinigay niyang site at naengganyo akong tanggapin ang kanyang alok.

Kapag yung kanilang button ay nakita sa ating blog sila ay magtatanim ng isang puno para maneutralize ang carbon na nagamit ng ating blog lalo na kapag maraming hits ang blog natin.

Wala akong nakitang masama, in fact makakatulong pa nga sa ating kalikasan, wala naman silang ibinebentang kung ano sa kanilang site para palakasin ito.

Narito ang ilang regulasyon sa kanilang paanyaya:

  1. Ilagay lang ang button nila sa alinmang bahagi ng blog, itaas man o sidebar.
  2. Gumawa lang ng blog tungkol sa paanyaya at
  3. Mag-email sa carbonneutral@stockdisplays.co.uk
  4. At kapag nakita na nila ang button ay magtatanim na sila ng puno.
  5. Ipaaabot din sa pamamagitan ng pag-eemail kapag naitanim na ang puno.

Kaya bakit nga di natin ilagay ang kapirasong button na ito, tiyak naman me paglalagyan pa ito sa atin mga blog.

Narito ang link ng kanilang button:

<a href=”http://www.stockdisplays.co.uk/carbon-neutral-blogs/”&gt; <img border=”0″ width=”125″ height=”130″ src=”http://www.stockdisplays.co.uk/carbon-neutral-blogs/wp-content/uploads/2010/08/C+Blog_Button2-copy.png&#8221; title=”This blog is carbon neutral!” alt=”Get Carbon Neutral With Stock Displays” /> </a>

Halina at gawing carbon neutral ang ating blog.

Let’s blog for a cause!