Finding Homebased Jobs through oDesk

Paano nga ba malalaman kung tunay at hindi nanggogoyo lang ang aaplayang homebased job?

Unang una ay hindi kayo hihingan ni kusing para sa pagiging miyembro niyo at sa pangakong bibigyan agad kayo ng employer. Walang ipinangangakong suntok sa buwan at very tempting na offer. Bagkus ay realistic ang approach.

Pag-usapan natin ang oDesk..

Ang unang legitimate na site na alam kong seryoso at totoo (doon ako unang nakakuha ng homebased job) ay ang oDesk.. Dito bumabagsak ang libo libong naghahanap ng magiging tauhan at dito rin naghahanap ang libo-libong nangangailangan ng homebased job. Di lang nakatali sa writing ang mga trabaho dito, bagkus ay kahit na anong technical at computer related jobs ay patok. Kung magaling ka sa photoshop, web designs at pagbuo ng website, tinitiyak ko sa inyong para kayong hotcake at maganda ang rate. Hindi bababa sa $10 per hour. Ang inyong magiging kita ay kayo ang magtatakda, kayo ang magsasabi kung magkano rate ang gusto niyo. Ang disadvantage lang dito ay pababaan kayo sa bid. Halimbawang ang budget ay $100 tiyak na ibababa pa niyo un kung gusto niyong mapansin at makuha agad. Kayo ang nakakaalam sa kakayanan niyo at sa makatotohanang bayad.

Tanong uli, magkano naman ang pinaka-kickback ng oDesk.? Sa itinakda niyong rate ay hindi kayo babawasan ng oDesk.. Ito ay magpapatong ng 10% na siyang ibebenta sa mga employer. Kaya sa panig niyo ay malinis lahat. Maging ang pagpoprovide nila ng  oDesk. card (debit card by Payoneer) ay wla kayong ilalabas na pera, ipaprocess lahat nila ito at sa loob ng isang buwan ay darating ang card ninyo na siyang babagsakan ng inyong magiging kita. Yung unang kaltas nga lang sa card ang medyo malaki, halos P1000 din pero one time lang. Dun nila kukunin ung processing fee ng card. Ang itinakda ninyong rate ay mababago pa depende sa mapag-uusapan ninyo ng ‘boss’. Araw-araw ay padadalhan kayo ng possible job offer at me allocation kayong 20 application sa isang linggo. Meaning, kapag nasagad ninyo ung pag-aapply ng 20 next week ay me 20 uli kayong available. Sa mga hourly jobs ay me monitoring ang  oDesk sa kanilang provider. Ito ay para masiguro sa employer na nakalog at gumawa kayo sa itinakdang oras. At para maging kasiguruhan naman sa panig ng provider na kapag di sila binayaran ng employer ay ang oDesk ang mamamagitan gamit ang  oDesk monitoring system na tinatawag na odesk team. Beneficial sa bawat panig.

Ngunit kapag fix ang usapan ninyo ng employer, halimbawa ay per article ang bayad. Ang oDesk ay nagpapaalala na di sila makakapamagitan sapagkat wala silang control dito. Yun ang risk na maaaring abutin ng provider.

Paano ba at ano ang kailangang gawin para makapasok dito?

1. Gumawa ng account sa oDesk (create profile) makikita ito sa kanang itaaas na bahagi ng  oDesk home.

2. Piliin ang ‘FREELANCE PROVIDER’ kung ikaw ay naghahanap ng trabaho at ‘BUYER’ kung ikaw naman ay naghahanap ng empleyado. O kaya ay ‘PROVIDER COMPANY’ kung ikaw ay me isang team ng mga manggagawang hinahanapan mo ng trabaho.

3. Pagkatapos ay sundin at fill upan ang mga kailangang data.

4. Bumuo ng profile (parang resume) at ilagay ang mga link ng iyong mga nagawa, halimbawa ay ang site ng blog mo o web na nagawa mo para maging portfolio.

Tip: kung wala ka mang mailagay agad ay gumawa ka na para maging portfolio sa susunod na panahon.

5. Kumuha ng mga free exam doon na angkop sa iyong sinabing kakayanan. Kung ikaw ay data encoder ay marapat na maipasa mo yung Office 2003 o 2007 at Excel 2003 o 2007 exams at pati ung Sentence Structure nila. Madalas na hinahanap at pinagbabatayan ito ng  mga ‘Buyer’.

6. Ang pinakamahalaga sa lahat para maging kuwalipikado ay maipasa ang “ODESK READINESS’ exam. Bibigyan ka ng 2 linggo para pumasok at pag-aralan ang odesk team at mabasa ang policies at agreement ng oDesk at iba pang me kaugnayan sa  oDesk I am proud to say na ako ang number One sa oDesk readiness at that time. Ewan kung me nakabeat na ng record ko na perfect score for 4 mins. (konting yabang lang po). Bibigyan kasi kayo ng ribbon dun sa score kapag pumasok kayo sa Top 20 ng alinman sa mga exam nila at makikita ninyo yung ranking doon.

7. After that ay araw-araw na kayong me matatanggap na job offer at bahala ka ng tingnan kung ano ang tingin mo ay kuwalipikado ka.

Ano ang disadvantage ng oDesk.?

Kapag isa ka na sa provider ng oDesk ay you really feel proud of it (sumang-ayon naman kayo o) kasi ay kabilang kayo sa isa sa pinakamalaking outsourcing company sa buong mundo. Nang magjoin ako by July last year ay around 70,000 na ang miyembro pero bago natapos ang taon ay pumalo na ito sa 120,000.

Ito ang lumalabas na pangit naman, kasi ang dami na ng nag-aagawan sa mga available na trabaho kaya ang competition ay tight and stiff na ngayon. Parang mga prutas na napapanahon at sangkatutak sa palengke kaya mababa ang demand. Marami kasing pagpipilian ang mga buyers at ang masakit, para makakuha lang ng trabaho ay marami ang nagbababa ng sobra ang hourly rate o maging sa fix rate.

Huwag nating hayaang bumagsak ang value natin, dapat ay mag bid ng tingin natin ay worth talaga natin.

But it still worth a try.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

Advertisements

Natanggal ka ba sa trabaho?

jobless1Mula ng huling kwarto ng nagdaang taon dito sa Pinas e wala ka nang maririnig, mababasa o mapapanood kundi ang malawakang tanggalan ng trabaho di lang dito sa atin kundi maging sa mga OFW. Nakakanerbiyos at nakakapanlumo totoo yan, pero meron akong ibabahagi at natalakay ko naman na din dito yung tungkol sa pwedeng gawing alternatibong gawain. Marami sa atin ang maraming mga nakatagong kakayahang di natin malinang o madalas di natin alam na taglay natin.

Online jobs ang isa sa in demand na gawain ngayon. In the comfort of your own home and family. Anu-ano ba ang mga hinahanap ng employer? Mostly ay writing at mga internet o computer related jobs. Writing ba kamo? e hindi ko linya yan e. Maaring marinig ko sa inyo ngayon yan pero kahit ako ay di ko akalaing iyan ang kahahantungan ko. Article writing, blog writing, data encoding at marami pang iba. Bakit ako napasok dito? una dahil wala akong trabaho at sayang yung bayad ko sa internet. Ikalawa ay gusto kong gawing hamon ang lahat.

joblessAlam ko marami sa inyo dito ang nakapag-aral ng di lang high school, kung ganoon ay bakit kayo matatakot? Ituturo naman ng employer ang inyong gagawin anuman iyon at imposibleng di niyo matutunan kung nakafocus kayo. Wag kayong matakot sa challenge, kasi mga kapatid nandito ako ngayon pero di ako nakatungtong ng college. Lakas lang ng loob at buhay na ulo wika nga ng matatanda ang nasa akin, ayoko kasing maging dalahin ng aking ina, at nasanay na ako na sa edad na 16 ay nagtatatrabaho na. Kung ako ay lumalaban, bakitdi kayong mga nakapagg-aral di ba? Kung kayo ko bakit di niyo kakayanin? Dumaan din ako sa kaba ng pagsisimula pero ang daling nalampasan at ngayon ay me self-confidence na akong lalong tumibay.

jobless2Gusto ko kayong hamunin, iyong mga walang maaplayang trabaho ngayon. 2 ang boss ko dahil parehong part time lang ang trabaho ko pero sasabihin kong higit na mataas, doble o triple pa yung iba sa minimum wage. 5 araw sa isang linggo. Kapag nakatagpo ka pa ng among galante e solve ka hehe. Nagulat na lang ako sa natanggap ko mula sa aking boss ngayon. Higit na malaki ang ibinayad niya kesa sa aming pinag-usapan. Di natin kailangang pumila, mamasahe, magbihis at magpaganda at magpabango para lang mag-apply. Kung sa bestjobsph.com kayo mag-aapply o magpapasa ng resume, ang mga naghahanap ang lalapit sa inyo at mag-ooffer. At kayo na ang mamimili kung sino ang magiging amo niyo. Nariyan pa din ang oDesk.com na isang lehitimong outsourcing company. Balikan na lang ninyo ang aking blog kaugnay ng homebased jobs at mga paalala. Sana makasama ko din kayo sa ganitong gawain dahil napakalaki pa ng demands. Isang mapaghamong araw sa lahat.

Pakibasa ang Advantage at disadvantage ng homebased jobs

Finding homebased jobs through odesk