Ang galing mo Nonito Donaire!

Ibang klase talaga ang fighter na Pinoy, sabi ko na at hindi nakakapanghinayang na panoorin ang laban na ito e. Buti na lang at hindi ko pinalampas ang 2nd round kahit na nga nasa banyo na ko at handang maligo. Nang marinig ko na naglalaban na sila ay nagtapi na lang ako ng tuwalya at pinanood ang laban, kung hindi laking panghihinayang ko sana hehe.

Ngayon si Nonito na ang mayhawak ng titulong WBC/WBO bantamweight champion. At sa hanay ng magagaling ay sumusunod na siya sa tayo ni Manny Pacquiao.

Kilalanin natin si Nonito “The Filipino Flash” DonaireĀ  Jr. Siya ay ipinanganak noong Nobyembre 16, 1982 at ang kanyang mga magulang ay isang Filipino at American. Pangatlo na niyang World Title ang titulong nakuha. Bagamat sa Talibon, Bohol siya ipinanganak ngunit sa General Santos City naman siya lumaki.

Isa sa kanyang katangian ay ang kakayahang maglaro gamit ang kanan at kaliwang kamay ng halos pantay na lakas kaya nahihirapan ang kanyang mga kalaban na hulihin ang kanyang galaw.

Isa na namang karangalan para sa mga Pilipino ang dalang panalo nito ngayon.

Mabuhay ka Nonito at sa lahat ng ating mga manlalarong Pilipino!

 

Narito ang kanyang laban sa buong 2nd round ng laro at ang makasaysayan niyang knockout punch.