Hacienda Luisita Massacre (12th year)

dsc06812

Hindi ko lubos maisip kung bakit ang simpleng manggagawang bukid
Kasama ng mga anak na kumakalam ang tiyan
Ay pakainin ng bala ng mga lapastangan.
Kailan pa naging sagot sa kagutuman ang tingga?
Kailan pa na ang paghahangad ng kaunting maayos na buhay
Ang kailangang maging kapalit ay pagpantay ng mga paa
At paghimlay sa isang mumurahing ataul?

Parang kailan lang at akin pang nauulinigan
Ang ratatat ng mga baril, mga panaghoy, mga hiyawan
Parang mga dagang binulabog sa tirahan
Kanya-kanyang takbo, kanya-kanyang pulasan
Kanya kanyang dampot sa mga anak
Kanya kanyang tago at lublob sa putikan
Makatakas lang sa nagngangalit na kamatayan.
Natapos ang alingawngaw ng mga sandata
Ang natira na lang sa lupa ay mga tsinelas at katawan
Katawang hinubdan na ng buhay, duguan, nakahandusay
Kasabay ng mga palahaw at umaalimpuyong galit
Mula sa mga magulang na inagawan ng mga anak…
Mula sa mga anak na inagawan ng mga magulang…

Mula sa mga kasamang nakikipaglaban
Laban sa panginoong maylupang ganid at gahaman.Walang nanagot sa katampalasanan
Ngayon pa kayang naluklok sa poder ang pangunahing angkan
Patuloy na lang ba tayong sisigaw ng katarungan
Kahit naghuhumiyaw ang mga salarin at patuloy sa pangangamkam
Lupa, kapirasong lupa lang ang kanilang isinisigaw
Lupang pagkukunan nila ng tiyak na ikabubuhay
Hindi lupang paghuhukayan ng kanilang libingan.Lupa hindi bala!
Katarungan sa Hacienda Luisita Massacre!

Isang pag-alaala sa ika-12 taon ng madugong Hacienda Luisita Massacre…para sa mga bayaning di nabigyan ng katarungan…

Nobyembre 16, 2004

Pagtatanghal na ginawa ng iba’t ibang grupo sa Tarlac Provincial Capitol Grounds.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements

Ikalimang Anibersaryo ng Hacienda Luisita Massacre

haciendaluisita1Parang kalian lang ng umabot sa akin ang napakalaking dagok na inabot ng mga manggagawang nagwewelga sa Central Azucarera de Tarlac noon. Patungo sana kami ng aking mga kasama doon para makiisa sa ilang araw ng welga, kundi lang sa kinailangan kong pumunta sa bayan ng Tarlac para sa nasira kong cellphone dapat naroon ako sa mismong pangyayari.

aktuwal na paghahagis ng tear gasNobyembre 16, 2004 bandang alas 4:00 ng hapon ng matanggap ko ang balitang minasaker ang mga manggagawa ng Hacienda. Nanlaki ang ulo ko, walang makapagsabi ng laki ng damage, kung ilan ang nasawi at kung ano ang kwento. Hindi na kami pinayagang makapasok pa sa Hacienda. Ilang oras ang nakalipas bago nalaman na 7 ang nasawi. Marami sa kanila ay anak lamang ng mga manggagawang naroroon. Hindi ko na matingnan ang series ng mga larawang kuha ko pa sa 6600 kong cellphone, nakakadurog ng puso. Hanggang ngayon ay wala pang nananagot sa nangyari. Wala pang nagbabayad sa parang hayop na pagtratong pinalasap nila sa mga manggagawang ang tanging hangad lang ay ang maayos na kalagayan sa paggawa at kaunting umento mula sa kakarampot na kinikita nila. Kanina ay mahigit sa isang daang sasakyan ang nagconvoy upang makiisa sa paggunita ng anibersaryo. Ang mga sasakyang ito ay mula lang sa nasyunal at wala pa ang mga galing sa Central Luzon. Matapos ang ilang oras na pagtatanghal sa harap ng Azucarera ay nagtungo na sa Balete Covered court ang mga nagrally upang doon magpalipas ng gabi.

HLI 1Kung hanggang kalian magkakaroon ng katarungan ang naganap na masaker ay tanging panahon na lang ang nakakaalam.