Enjoy the Journey

Sinasabi na nga ba e, hindi ko mahanapan ng tagalog ang enjoy kaya ayan english tuloy pamagat.

Naalala ko lang yung pag-akyat ko sa Pinatubo. Na kundi ako nahirapan sa mabilis na paglakad siguro ay mas naenjoy ko ang pagpunta dun. Kumbakit naman si manong na tour guide namin aba e parang me humahabol na delubyo sa likuran. Ilang beses na kong nakiusap na huminto o maghinay-hinay sa paglakad kasi hagok na kami sa pagod pero di nakinig. Nakaset lang ung isip niya na makarating at maihatid kami sa tuktok at di inisip na di kami kasing sanay niya.

Ang main goal doon ay totoo namang maakyat yung tuktok ng Pinatubo. Pero bakit nang naroon na ako ay parang di ko na maappreciate? Simple lang siguro, kasi di ako nag-enjoy sa pagmamadaling makapunta sa goal. Ni di nga kami halos makapag papicture puro stolen lang kasi maiiwanan kami ni manong.

Ano ang bottom line doon? Ihalimbawa natin iyon sa pag-abot ng ating pangarap, makapagpundar ng kabuhayan at maging maayos ang dulo ng buhay o retirement natin. Subsob kalabaw tayo para madaling maabot iyon. Iyon ang tinatawag na “deferrers” mga nagsesave sa katandaan at pagdating sa dulo ay malalaman nilang di sila masaya. Don’t get me wrong here, di ko sinasabing wag kayong mag-ipon, kundi sa halip na tingnan ang isang dulong retirement (na kapag minamalas malas at bigla tayong kunin ni “BOSS” ay iba lang ang makikinabang) ay bakit hindi gawing mga serye na maliliit na retirement upang maenjoy ang pagdaloy ng buhay.

Huwag tayong masyadong paalipin sa trabaho o commitment na halos di na natin kilala ang sarili. Bukod sa nakakapraning yun ay nakakabaliw din hehe. Naroon ang ating goal di nawawala pero di ba mas maganda na habang inaabot natin yun ay naeenjoy natin ang biyahe ng buhay? Hinto sandali at magrelax sa isang bakasyon. Mga serye ng maliliit na bakasyon. Hindi naman kasi ang goal natin ang laging mahalaga e. Kundi kung paano natin maenjoy yung journey ng buhay habang inaabot yung goal na iyon. Makikita niyo na magiging magaan lahat.

Nasasabi ko ito kasi wala itong pinagkaiba sa naging adventure namin sa Pinatubo. Siguro kung naging relax lang kami at di nagmadali sa pag- akyat sa tuktok, nakapagpapicture ng maayos, napaghuntahanan ang ganda ng dinaanan, hindi siguro magiging parang parusa sa akin particular ang nangyari. Hindi siguro ako makakaramdam ng sagad na pagod at maaplita ng husto ang aking tuhod. Siguro ay napakasarap lalo ng pakiramdam sa pag-abot sa tuktok ng aking “goal”.

Kanina, muli ay tinanong ako ng aking kaibigang Juliet kung okay pa sa aking sumama sa pag-akyat sa Pinatubo. Sabi ko ay okay lang pero pede ba akong isabay sa mga elders? Kasi noong Martes lang yata ay isang 70 at isang 72 years old na me asthma ang itinour nila doon. Pero kitang kita ang enjoyment ng mga elders. Kumpara sa edad ko ay di hamak na mas malakas ako, pero ano ang ipinagkaiba? They enjoy every step they made. Bawat akyat, bawat hakbang, bawat pagtatampisaw sa maliliit na batis. Hinay-hinay na lakad pero maayos na narating yung “goal” nila. Doon ako na-inspire na isulat ito. Ganun ang gusto kong gawin sa buhay ko, hinay hinay na pag-abot ng goal at enjoyin ang bawat hakbang. Tiyak ko kayo din di ba?

habang nag-eenjoy sila sa trekking

habang nag-eenjoy sila sa trekking

ang swet naman nila

ang swet naman nila

doon na din sila naglutu lutuan

doon na din sila naglutu lutuan

hay sarap talaga sa tuktok

hay sarap talaga sa tuktok