Sa Bauang bow!

Dahil sa hindi ko naisama sa malayo-layo ang inang ko…ipinangako ko sa kanyang gagawa kami ng lakad at babalik kami sa lugar ng aking kapanganakan…sa La Union!

5 kaming nagtungo doon at napagpasyahang magpalipas ng gabi sa isang resort, sa Bauang nila gustong mag overnight kaya hanap sa net ng matutuluyan.

Pagkatapos ng aming pagpasyal sa San Fernando ay sumegway din kami ng Baguio para makipagkita sa anak ng dati naming tinirhan. Pagkatapos ng halos 5 dekada ay narito at muling nagkita-kita.

This slideshow requires JavaScript.

Ang paghahanap ng matutuluyan

Siyempre sa mga budget conscious ang unang isinasaalang-alang ay ang presyo, pero dapat kasama din ang magandang mga patotoo ng mga naging kliyente nila.

Sa Priscilla’s Beach Resort (dating Family Beach Resort) kami nagbook. Bukod sa magagandang komento ng mga naging parokyano nila, affordable pa.

Sa rate na P2200 para sa 5 kataong kwarto, ito na ang pinakamura at talagang mababait ang staff nila. Simple ang lugar di gaya ng mga katabi pero malinis, maayos at napakarelax para sa gusto ng tahimik na bakasyon.

At dahil ganitong panahon (bago mag Panagbenga kami nag stay dito) expected na daw na kokonti ang mga taong nagbi beach dahil sa Baguio ang karamihan sa mga turista, lokal man o hindi.

Nag-enjoy kami sa solong paglalangoy sa dagat pati na sa pool ng resort, Halina at samahan kami!

This slideshow requires JavaScript.

Jumpshots at rampahan ni inang (83 taong gulang na siya 🙂 )

This slideshow requires JavaScript.

at mawawala ba ang mga jumpshots ko

This slideshow requires JavaScript.

kaya para sa mga naghahanap ng affordable na tutuluyan pero di tipid sa serbisyo at fun…dito na kayo magpunta.

Ilang highlights pictures ng Priscilla’s Beach Resort.

This slideshow requires JavaScript.

Advertisements