Ang Mayon sa iba’t ibang anyo

DSCN3430edit

Dati ay tinatanaw tanaw ko lang sa malayo ang bulkang Mayon kapag napapadaan ang bus na aking sinasakyan papuntang Calbayog, Samar…hindi ko akalain na darating ang araw na makikita ko siya ng malapitan at sa iba’t ibang anyo niya at anggulo.

Para dito sa ikalawang kabanata ng aking pagliliwaliw sa Bicol, ang tampok na paksa ngayon ay ang Mayon.

Ang Mayon ay nasa Tabaco, Albay lalawigan ng Bicol at mula sa beranda ng tahanan nina Shio, makikita mo roon ang napakagandang Mayon kundi ito ipagdaramot ng kaulapan. Kilalang kilala ang bulkang ito dahil sa kanyang “perfect cone” shape na hugis at isa sa pinakaaktibong bulkan dito sa Pilipinas.

Eto ang Mayon sa kanyang magandang porma

DSCN3439edit

Eto ang Mayon sa tabi ng dagat

DSCN3471edit

Eto ang Mayon sa daanan ng kanyang lahar

DSCN3432edit

Eto ang Mayon sa itaas ng Simbahan..upps my photo bomber

DSCN3437edit

Eto ang Mayon sa may tulay…ayan may photo bomb na naman

DSCN3613edit

Eto ang Mayon sa kanyang kalagitnaan

DSCN3543edit

Ang Mayon sa sukat ng aking kamay

DSCN3608edit

At marami pang anggulo ng Mayon

DSCN3603edit

DSCN3600edit

DSCN3616edit

Hanggang sa muli….

Advertisements

Panawagan ng Isang Musmos

Tula ng isang musmos para sa kapaskuhan…taong 1994.

Panawagan ng Isang Musmos

Pasko na naman, Tatay

Tiyak na may bago akong laruan

Robot, manyika at baril-barilan

Mansanas na kaylalaki

Hamon, keso at masasarap na ulan

Buong kabahayan ay tiyak na kumikinang

Sa matayog na Krismas tri

Na itatayo naming ni Nanay.

Pasko na naman, Tatay

Hindi ba’t kami ay ipapasyal?

Sa magagandang tanawin

Malalawak na karnabal

Ibibili ng bagong damit

Sapatos, pagkain at laruan

Medyas kong nakasabit

Malalagyan ng laman.

Nguni’t Tatay, paano naman kaya

Ang mga kalaro kong sinalanta ng lahar,

Ng bagyo, pati na ng baha

Makakatikim pa kaya sila ng mansanas

May bago rin kaya silang laruan

May damit pa kaya silang ipanananggalang

Sa lamig ng panahon

Sa salantang tahanan?

(hindi inaari ng otor ang larawang nakalakip)