Belenismo ng Tarlac (AFP entry)

edited-11

Nagsimula ng taong 2007 (ayon sa Inquirer.net) sa pangunguna ni Dra. Isa Cojuangco Suntay at ng kanyang butihing ina na si Isabel. Pagkatapos ng tatlong taong patuloy na paghohost ng Belenismo (Nativity scene) ng lalawigan ng Tarlac, idineklara ng Department of Tourism ang lalawigang ito bilang “Belen Capital Of The Philippines.”

Isang pangyayaring naging taunan ng kinasabikan at inabangan kapag dumarating ang panahon ng Kapaskuhan. Nilalahukan ito ng mga munisipalidad at mga indibidwal na establisimyento. Ang naturang event ay may 4 kategorya, ang Church, Monumental, Municipal at Non-Municipal (ayon sa Philstar.com).

Sa nakaraang 2 taon, ang lahok na mula sa AFP ng Kampo Heneral Servillano Aquino ang nagwagi sa kategoryang Monumental.

camp-aquino-belen-2014-edited

camp-aquino-belen-2015-edited

At sa taong ito, muling inaasahan sa ikatlong pagkakataon na kanilang masusungkit ang panalo at maaaring magluklok sa kanila bilang Hall of Famer.

Ayon sa aming bubwit, 40 araw itong nilikha ng 70 katao. Hala nga mga mambabasa, kayo ang humusga kung sa inyong palagay ba, ang lahok na ito ang mangunguna….The pride of AFP and people of San Miguel, Tarlac…

2016-afp-entry

Mawawala ba naman ang pagbabasbas

edited-2

at ang mga pangkulturang pagtatanghal mula sa mga estudyante ng Tarlac State University

This slideshow requires JavaScript.

At syempre pa…ang fireworks!

This slideshow requires JavaScript.

Hanggang sa susunod na pagbabahagi…(pagkatapos naming mabisita ang iba pang kalahok)

Advertisements

Nang Gabing Makita Ko Si Santa Klaus

Taong 1997…

Nang Gabing Makita Ko Si Santa Klaus

Dati ay tuwang-tuwa ako sa kuwento ni tatay

Pasko na naman at darating si Santa Klaus

Magarang pulang damit, puting balbas

Na sakay ng karwaheng hila ng mga usa

May malaking sisidlan ng mga regalo

Para daw sa mga batang mababait.

Umaasam ako noon

Dahil di ba tatay mabait din ako

Sinusunod ko na ang gusto ninyo ni inay

Di ko inaaway ang aking mga kalaro

Pero bakit kahit minsan

Ay hindi ako nabigyan ng regalo.

Bakit ganoon tatay namimili ba si Santa Klaus

Nang bibigyn ng regalo o lugar na pupuntahan?

Dahil kaya sa iskwater tayo nakatira

At gula-gulanit ang aking damit

Hindi na siya tumuloy?

Pero tatay, di ba kagabi ay Noche Buena

Nakita ko rin si Santa Klaus

Hindi nga lang magara ang suot niyang damit

At puti na rin ang balbas sa katandaan

May talukbong na lumang sumbrerong sira

Tulak ang karitong tabingi ang gulong

Kasunod ang mga asong gala

Patungo sa tambakan ng basura.

(hindi inaari ng otor ang larawang nakalakip)

Handog Sa Pasko

Handog Sa Pasko

Nalilibang tayo sa galak ng paligid

Nakakahawa ang kasiyahan

Kung haplos sa ating mga puso

Ang kinagisnang diwa ng Pasko.

Ano pa ang saysay ng ating mga buhay

Kung hindi natin mapapagaan ang sa iba?

Sana’y hindi tayo maging tinik

Na sa iba ay nakakasakit.

Bayaang ihandog sa araw ng Pasko

Ang kapatawaran sa nagkasala

Puso para sa mga mahal natin sa buhay

Kawanggawa sa lahat ng tao.

Disiplina para sa lahat

Respeto para sa mga magulang

At para sa ating Panginoon

Isang malinis na kaluluwa.

Panawagan ng Isang Musmos

Tula ng isang musmos para sa kapaskuhan…taong 1994.

Panawagan ng Isang Musmos

Pasko na naman, Tatay

Tiyak na may bago akong laruan

Robot, manyika at baril-barilan

Mansanas na kaylalaki

Hamon, keso at masasarap na ulan

Buong kabahayan ay tiyak na kumikinang

Sa matayog na Krismas tri

Na itatayo naming ni Nanay.

Pasko na naman, Tatay

Hindi ba’t kami ay ipapasyal?

Sa magagandang tanawin

Malalawak na karnabal

Ibibili ng bagong damit

Sapatos, pagkain at laruan

Medyas kong nakasabit

Malalagyan ng laman.

Nguni’t Tatay, paano naman kaya

Ang mga kalaro kong sinalanta ng lahar,

Ng bagyo, pati na ng baha

Makakatikim pa kaya sila ng mansanas

May bago rin kaya silang laruan

May damit pa kaya silang ipanananggalang

Sa lamig ng panahon

Sa salantang tahanan?

(hindi inaari ng otor ang larawang nakalakip)

Ang Pasko at Kaunting Tutong sa Kaldero

Isang totoong larawan ng Paskong Pilipino…taong 1995.

Ang Pasko at Kaunting Tutong sa Kaldero

Hindi magkamayaw ang mga tao bangketa

Ang mga “supermall” ay nagsisikipan na

Naghihirap daw ang Pilipino sabi nila

Sa mga dakong iyon kayo ang humusga.

Nagkalat ang mga bata sa kung saan

Nakalahad ang maruruming kamay

Ang iba ay paos na sa pag-awit

Namamaltos na ang daliri sa paggigitara.

Butuhang tadyang naman ang tinitipa

Ng isang matandang dinadalahit ng ubo

Sumasabay sa putukan ang pag-iyak

Ng batang gabi na’y hindi pa nag-aalmusal.

Nanlilimahid ang mga kasuotan

Nanggigitata ang mga sahig na hinihigan

Sa tuluyang ang naroon lang ay bubong at dingding

Sapagka’t wala na silang tahanan.

Merry Christmas, Happy New Year

Santa Claus is coming to town, ho-ho-ho

Halina at ating pagsaluhan

Ang Pasko at kaunting tutong sa kaldero.

(hindi inaari ng otor ang larawang nakalakip)