Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Ang isa sa unang nagiging tanong ng mga baguhan ay ano ba ang paano ba ang bayaran sa homebased jobs at ano ang magandang pamamaraan?

Isa sa pinakapopular ay ang Paypal. Maraming transaksiyon ang maaaring magawa dito at ating pag-usapan.

Mga advantage ng Paypal

1. Ito ay kilala sa maraming bansa at maging sa mga employer.

2. Maaaring magamit sa maraming transaksiyon ang paypal lalo na sa pagbili ng mga online goods o services.

Mga Disadvantage ng Paypal

1. Medyo may kahirapan ang pagpapaverify. Mangangailangan ito credit card o kaya ay Eon card ng Union Bank. Hindi lahat ng tao ay me credit card kaya ang pinakamadali ay ang Eon card pa din. Dapat ay may kaunti na itong laman upang magamit sa pagpapaverify ng iyong Paypal account.

2. Nagbabayad na ang nagpadala sa Paypal ngunit mababawasan pa ang tumanggap kapag ito ay pumasok na sa iyong bank account. Nasa mahigit P250 ang nawawala sa bawat transaksiyon. Nito lamang nakaraang linggo ay may bagong polisiya ang Paypal, ang kabuuang bayad ng employer ay nabawasan pa ngayon ng $4.20. Sa pera natin, ito ay ilang kilong bigas na.

3. Dahil sa bank account ito isinasalin ay naglalaro sa 4 hanggang 6 na working days bago mo makuha ang pera. Di maaasahan sa emergency. Kung gugustuhin mong mapadali ay magagastusan ka pa din ng hiwalay. kung gusto ninyong mapadali ang pagkuha ng inyong pera, ang Paymanila ang maaaring makatulong sa bagay na iyan.

Ang ikalawang paraang subok ko na ay ang Xoom.com.

Advantage ng Xoom

1. Madaling makuha, kapag naipadala na sa iyo ang pera ay makukuha ito sa loob lamang ng ilang minuto.

2. Walang babayaran sa mga outlet ang kumukuha ng pera kaya neto ang kita mo.

3. Maraming mga accredited affiliates ang Xoom na nakakalat sa Pilipinas gaya ng Cebuana Lhuiller, M Lhuiller, BPI, SM, BDO, Metrobank, PNB, at Gcash remit.

Disadvantage ng Xoom

1. Dapat ay tama lahat ang detalye maging ang password ng ibinigay ng sender kundi ay di niyo makukuha ang hard-earned money niyo. Tandaan na ipaconvert na agad sa peso ang bayad niyo kasi ay sa bangko niyo makukuha yung pera kapag dollar ang ipinadala.

2. Sa US ito ay madali pero sa Canada ay hindi ito popular.

Yun lang, wala na kong makitang negatibo.

Marami pang alternatibong paraan gaya ng bank to bank pero di gaanong kinakagat ito ng mga employer. Kaya kung kayo ang tatanungin ng inyong employer ay ang Xoom ang aking inererekomenda. Kundi man at nasa US din lang ang employer niyo ay ipakiusap na lang niyo na sa Xoom magpadala. Sa Canada kasi ay di available ang Xoom o di gaanong popular.

Sana ay may napulot kayo sa isyung ito ngayon.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Finding Homebased Jobs through oDesk

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay

Advertisements

Verification sa Paypal gamit ang oDesk card

Sa mga nasa homebased jobs isang napakahalagang aspeto ang ma-verified ang account natin sa Paypal dahil madalas ay ito ang ginagawang daan ng mga employer o buyer natin para tayo ay mabayaran. Hindi madali ang magpaverify ng account sa Paypal lalo kung wala kang credit card, na madalas sa atin ay wala nga.

Narito ang isang paraan na ang gagamitin natin ay ang oDesk card na maaaring irequest sa oDesk.com kung tayo ay isa ng miyembro.

1. Dapat ang oDesk card ay may laman kahit $2 lang dahil me kukuning bayad ang Paypal na mahigit sa $1.

2. Gumawa ng account sa Paypal.

3. Gamitin ang oDesk card ninyo upang maverify sa Paypal.

4. Sundan ang habilin mula Paypal at hintayin ang inyong code na makikita sa inyong Payoneer account (kung saan ang oDesk Card ay doon naka assign)

5. Mag log sa Payoneer.com at tingnan ang “View Transaction” na makikita sa gawing kaliwa.

6. Makikita mo ang 4 na digit na Paypal code sa ilalim ng “Merchant name”

7. Muling bumalik sa Paypal at i click ang “Insert Paypal Code”

8. Ilagay ang Paypal code at maaari ka ng maverify.

Kung magkakaroon pa ng problema sa inyong verification, pansamantala ay maaari kayong matulungan ng Paymanila.com. Marami silang alam na solusyon sa problemang kaugnay ng Paypal at verification nito.

Narito ang kanilang email address: paymanila@yahoo.com.

Para sa mga kaugnay na usapin basahin lamang ang mga sumusunod:

Advantage and Disadvantage of Homebased Jobs

Ano ang Magandang Paraan sa Pagkuha ng Bayad sa Employer

Hanapbuhay para sa mga inang nasa bahay