Ang epidemya pagkatapos ng baha

Napalaking perwisyo na ang naidulot sa kabuhayan at mismong buhay nating mga Pilipino ang nagdaang 2 bagyo. Ang Ondoy at Pepeng. Ngayon ay may karugtong pa ito para sa mga biktima, ang epidemyang LEPTOSPIROSIS.

rat

Ang leptospirosis ay isang delikadong sakit na nakukuha sa inpeksiyong dala ng ihi ng isang infected animal na gaya ng daga. Maaaring sa pagkalunok ng tubig na kontaminado ng impeksiyon o kahit ng pagpasok nito sa bukas na sugat.

ondoy-disasterIlan sa mga simtomas ng sakit na ito ang lagnat, panghihina ng katawan, pananakit ng mga kalamnan at pantal. Kapag di naagapan, ito ay maaaring humantong sa kumplikasyon ng bato, atay at brain damage at maging sanhi ng kamatayan.

Sa Metro Manila lang ay may naiulat ng 2,158 na nahospital sa buwan lamang ng Oktubre at nasa 137 na rito ang namamatay. Mahigit sa isang daan na ang naitalang may ganitong sakit sa Ilocos region, at nasa 40 na ang namatay. Dahil dito ay idineklara na  ang leptospirosis outbreak sa lalawigang ito.

Hindi pa tapos ang kalbaryo, patuloy pa ding nag-iiwan ng pangit na marka sa mga nasalanta.

Advertisements

May problema na siguro ang lacrimal glands ko

Nitong mga huling araw napapansin ko lang

Lagi ng tumutulo ang aking luha

Hindi ako dating ganito

Astig nga daw ako e

Siguro me problema na ang lacrimal glands ko.

Bakit ba nanonood lang ako ng balita ngayon

Tumutulo na ang aking luha

Para nakita ko lang naman ang hagupit ni Ondoy

At ang pananalasa ni Pepeng

At maraming nakalulunos na tanawin

Tumulo na ang aking luha.

Aba e hindi naman dapat a Salanta ng bagyo

Di naman kami apektado

Kahit mga kaibigan ko at pamilya ligtas

Ibang tao naman sila

Oo nga at kababayan

Pero bakit kailangan kong iyakan.

Para lang naman itong pelikula

Me malungkot, me Masaya di ba?

Hanggang di naman tayo  apektado

Bakit ba natin pag-aaksayahan ng panahon

Ibang tao naman sila

Di naman kapamilya.

E ano kung madaming nasalanta

E ano kung madaming namatay

Lumubog na ari-arian

Kabuhayang napinsala

Bahay at buhay na natabunan ng lupa

Ibang tao naman sila.

Siguro nga ay may problema na ang tuluan ko ng luha

Madali na itong bumalong ngayon e

Tuwing magbabasa ako ng diyaryo

Makikinig ng radyo at manonood ng TV

Daming kalunos-lunos nababagbag ako

Ayan tumutulo na naman luha ko…

*** photos from Google