Taal Volcano – The Next Spot

Abril 23, 2012

Well paano ko nga ba malilimutan ang araw na ito, una, nakasama ko ang 2 most treasured friends ko…si Yetsky at Ta Au…mas kumpleto pa sana kung kasama si Robin (esposo ni yetsky), si Ino (esposo ni Ta Au) ay naroon din. Hindi madalas kahit noong magkakasama pa kami sa dating trabaho na umalis kaming ang dahilan ay lakwatsa lang kaya talagang tuwang-tuwa ako sa bonding naming ito.

Next destination…Taal crate. Di na mabilang ang punta ko sa Talisay ngunit kahit minsan ay hindi pa kami nakaakyat sa Taal Crate kaya di ko alam ang daratnan ko doon. Gaya din ba ito ng Pinatubo na kailangang magtrek pa?

Bagong experience kasi first time na sasakay ako ng kabayo at ilalakad ng kulang sa isang oras…hahaha umiral na naman kaduwagan ko at talagang naninigas katawan ko noong una, yun pala ang dapat lang ay relax at isunod ang galaw ng katawan sa galaw ng kabayo.

Mga nasa halos isang oras din itong pangangabayo.

ang mismong Taal Crate

Ang sunset sa Taal Lake with Shio

at mawawala ba ang pamosong jump shot!!

Ok till next lamyerda ulit…see you soon!

Advertisements

Mt. Arayat Expedition 2010

Kahapon ang isa sa di ko malilimutang araw kung saan nasubok uli ang tibay ng loob at paghamon sa pisikal na kakayahan.

pinaykeypoint team

Ang Pinaykeypoint team, na pinamumunuan ng aking matatalik na kaibigang Juliet at Robin ay nagplanong umakyat sa Mt. Arayat para sa pinaplanong expansion ng kanilang travel business.Pito kaming lumarga at nagtangkang i-conquer ang bundok na iyon. Kinalimutan ko muna ang trabaho para sa aking garden site.

Pinaykeypoint team

Nagsimula kaming umakyat ganap na ika 10:20 ng umaga, napakahirap ng naging pag-akyat na iyon sa bundok ng Arayat dahil kakaunti lang ang aming baon na kaalaman at may katarikan ang daan patungo sa tuktok.

view sa Batyawan

kainan sa Batyawan

 

Alas 2:00 pasado na ng hapon ng aming marating ang tinatawag nilang Batyawan o deck kung saan tanaw ang kataasan ng bundok at doon kami nananghali.

Going up to Mt. Arayat

Hindi nagtagal at muli na naman kaming umakyat upang tumungo na sa mismong tuktok, ilang hakbang lang at mangangailangan ka na ng pahinga. Masakit na ang lahat ng bahagi ng aming katawan ngunit hindi namin mapapalampas ang pagkakataong di marating ang tuktok ng bundok Arayat.

isa sa magandang tanawin mula sa itaas

Sa painot-inot ay naabot namin ito ganap na 4:00 na ng hapon, kaunting pahinga at picture taking at muli na naming binaybay ang daan pabalik sa takot na gabihin sa daan. Kung mahirap ang naging pag-akyat ay ibayong hirap lalo ang pagbaba dahil sa matatarik na daang aming tinatahak. Pagod na ang mga katawan, nanginginig na ang aming mga paa at mahina na din ang balanse. Ako ay literal na gumapang patalikod sa mga batuhan upang maiwasan lang ang dumausdos.

Sa tuktok ng Mt. Arayat

Ang isa sa aming ipinag-alala ay ng bumigay ang napakalaking bato na aking nadiinan, napakalakas na tunog ang nilikha ng dalawang bato na iyon at lahat kami ay hinihintay na lang ang susunod na mangyayari, magmimistula ba itong avalanche ng yelo na maaaring magtrigger ng pagdausdos ng napakarami pang bato? Mabuti na lang ay hindi nangyari ang aming kinatatakutan at hindi sa daan kung saan naroon ang mga nauna naming kasama ito bumagsak.

Sa wakas narating din ang tuktok

Ang takot ko sa bangin ay muli na namang dumating at literal na nanginginig ako habang bumabaybay sa makikipot na daang bangin ang kahahantungan sa maling paghakbang.

Inabot kami ng dilim sa loob ng kagubatan na ang tangi lang tanglaw ay liwanag ng cellphone. Bawat hakbang ay isang napakalaking achievement na dahil sa matinding sakit ng tuhod, masel at panginginig ng mga kalamnan.

saglit na pahinga sa tuktok ng bundok

Kahit humihiyaw na sa sakit ang aking katawan ay hindi ko naisip na sumuko. Ayokong pahirapan pa ang aking mga kasama at alam kong pare-pareho lang kami ng pakiramdam. Maging ang mga sanay umakyat sa Mt. Pinatubo ay umaming grabeng hirap ang inabot nila sa ekspedisyong iyon. Wala na ang mga baon naming tubig at walang mapagkukunan saan mang dako sa kabundukan, mosquito infested ang lugar na lalong nakadagdag sa aming dilemna.

 

mukhang di ba napagod?

mga mukha bang di napagod?

mga kumapit na amorseko at tinik sa aking jogging pants

Salamat sa tungkod na ito na ibinigay ng aming guide at nagsilbing ikatlong paa na pambalanse sa aking paghakbang. Nalulungkot man akong iwan siya ngunit napakahaba niyang dalhin kaya larawan na lang ang aking naging remembrance sa kanya.

Ang Mahiwagang Tungkod

Pasado alas 8:00 ng gabi ng marating namin ang tricycle na siyang maghahatid sa amin sa kabayanan ng Sta Ana Pampanga at labis-labis ang pasasalamat ko sa Panginoon sa maluwalhati naming pagbaba. Na sa kabila ng walang habas na lagabog ng mga puwet at gasgas ng mga amorseko at mga siit ay ligtas kaming nakababa.

bakas na ang pagod sa mga mukha

Pasado alas 11:00 ng gabi ng  makarating kami sa kani-kaniyang bahay at wala ka ng maiisip ng mga sandaling iyon kundi humiga at ilatag ang hapong-hapo na katawan. Pagkatapos maligo ng mainit na tubig ay namahinga na din ako.

 

wacky wacky

bagay ba?

Mahirap ngunit napakasarap isiping nakayanan kong muli ang pagsubok sa pisikal na kakayahan. Kung mauulit man ito ay malalaman niyo sa susunod na kabanata.