SMRC Charity Ride at Our Bacud Charities

Muling nagsagawa ng charity ride ang Sym Moto Riders Club (SMRC) sa Arayat Pampanga at sa pangalawang pagkakataon ay ang Our Bacud Charity uli ang recipient.

This slideshow requires JavaScript.

SMRC Riders Strikes again

Halos 50 SMRC riders ang muli na namang nagkatipon-tipon mula sa mga lalawigan ng Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan at ang NCR chapters at nagpamigay ng mga school supplies sa mga kabataang pinangangalagaan ng Our Bacud Charities na pinamumunuan ni Ginoong Mariano (Boie) Gabay Jr.

This slideshow requires JavaScript.

Ang Pagsisimula

Isa itong Non-profit organization na nagsimula lang sa pagtatanim ng mga gulay at halamang gamot mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.

Ibinahagi ni G. Gabay na ito ay inspired sa yumao niyang ina…ilang pirasong talong sa harap ng bahay at naunti-unti hanggang ang mga paligid na lupain ay natamnan na din. Mula sa mga donasyong kawayang bakod ng tanim niya (kaya Bacud) ay may sumobrang P4000 na ginamit niya sa unang feeding sa mga kabataang anak ng mga kasama niyang informal settlers ng lugar. Maraming nakaalam at sumuporta sa mga proyekto kasama na din ang mga magulang at iskolar ng Charities.

Napakarami pang mga plano ang nakahatag at aminado si G. Gabay na hindi niya kakayanin ang lahat ng ito…nabanggit nga niya na kung may “aampon” lang sa programa at ipagpapatuloy ang kanyang nasimulan ay handa siyang sumuporta sa abot ng kanyang makakaya. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho as part time sa Munisipyo at di pa niya kakayanin ang mag full time para tutukan ng husto ang charity.

Salamat na lang daw at napakaraming bukas ang palad sa pagtulong (gaya ng mga riders at ilang indibidwal) kaya nakakasalba sa pangangailangan ang mga proyekto.

This slideshow requires JavaScript.

Hindi matatawarang saya

Bakas sa mukha ng mga kabataan at mga magulang na naroon ang kasiyahan kahit sa munting tulong na kanilang natanggap at ganundin naman sa mga nagbahagi ng tulong.

Masaya ako na sa pagkakataong ito ay nakasama akong muli sa isang makabuluhang paglalakbay..pagod ang katawan pero di matatawaran ang kasiyahan.

Isang pagpupugay sa SMRC!

 

Advertisements

PRCNF First Aid Training (Red Cross 143 Volunteers)

Isa na namang makabuluhang pagsasanay ang aking nadaluhan at natapos ngayong araw na ito.

Ito ang Health and First Aid  traning na isinagawa ng mga tauhan at namumuno sa Philippines Red Cross National Federation para sa komunidad at motorcycle riders.

This slideshow requires JavaScript.

Sa dalawang araw na pagsasanay at ituturo sa liglig na paraan ang mga basic first aid training manual man at actual. Ang pagsasanay ay sa pamumuno ni Ginong Alvin Ustare at pakikipag-ugnayan ng mga riders at ni Berong.

At dahil sa mayorya pa din ang mga kalalakihan sa pagsasanay na ito ay asahan na ang mga kulitan at berdeng pagpapatawa na ginagawa nilang pampagising sa oras ng lecture…hindi man ako sang-ayon dito ay nakisakay na lang ako at itinuring na biro lang ang lahat.

This slideshow requires JavaScript.

At sino ang makakalimot sa aming paboritong pantanggal antok….hala bira

Mawawala ba ang maganang pananghaliang aming pinagsaluhan sa dalawang araw….umaatikabong boodle fight…

Unang araw ay halo halong gulay, pritong boneless bangus at chicharong baboy…at sa pangalawang araw ay ang adobo rice boodle fight…hirap tumayong hindi ka talaga busog na busog…burppp…ay excuse me po.

This slideshow requires JavaScript.

Pagdating sa aktwal na pagsasanay ay itinuro ang tamang paggamit ng triangular bandage sa maraming kaparaanan. Mula sa tamang pagbubuhol at pagtatali nito sa mga sugat hanggang sa maging  sling sa pagkakataon ng pilay o bali sa braso.

This slideshow requires JavaScript.

Itinuro din ang tamang pagsasagawa ng CPR (cardiopulmonary resuscitation)

This slideshow requires JavaScript.

Mga tamang pagbubuhat ng isahan, dalawahan o maging grupo man sa mga biktima.

This slideshow requires JavaScript.

At ang madugo sa lahat….ang aktwal na training sa mga responder (kami yun) para sa iba’t ibang biktima ng sakuna. Lahat ay gumampan ng iba’t ibang takdang gawain at isa ako sa nagdokumento.

This slideshow requires JavaScript.

Nakakataba din naman ng pusong marinig mula sa trainor pagkatapos naming magsalita at magpaliwanag sa mga naging paggampan (bahagi ng assessment) na alam ko daw kung bakit ako naroroon at nagampanan ko iyon, sa kabila man ng mga ilang kakulangan ako na din ang nakapuna.

At ang pagtatapos….dyaran!

img20161113173523 img20161113173531 img20161113174656

Batch 22 Marikit RG Community Safety Training

logos

Isang imbitasyon ang aking nakuha para dumalo sa RG Community safety training…unang beses akong makakadalo at wala akong idea…di ko alam na outdoor activity yun, di ako handa kaya ayun tostadong batok at pisngi inabot haha.

Ang Tagpuan

This slideshow requires JavaScript.

Ang venue ay sa Green Meadows Subdivision sa Paniqui Tarlac. Napakaganda ng lugar para sa pagsasanay…malawak at ang mga daan ay angkop na angkop sa aktwal na pagsasanay.

This slideshow requires JavaScript.

Safety Training mula sa Founder ng RG

Ang unang bahagi ng pagsasanay ay ang safety training and tips mula kay Sir Martin Misa. Nakakaaliw siyang magpaliwanag, malinaw at makatotohanan. Kaya niyang kunin ang atensiyon ng mga participants kahit pa sa kritikal na oras (11 to past 1 PM).

This slideshow requires JavaScript.

Tinalakay niya ang kahalagahan ng isang responsableng riders. Mga prinsipyo at mga pagbabahagi ng kaalamang kahit na ang mga datihang riders ay hindi pa gagap.

Pagsasanay sa tirik na araw

Pagkatapos ng pananghalian ay ang aktwal na pagsasanay. Hinati sa 15 grupo ang 562 kabuuang participants at nagkanya kanyang lugar sila para sa pagsasanay. Dahil na din sa pakikipagtulungan at suporta ng mga RGs ay nagabayan ang mga grupo sa dapat na gawin.

This slideshow requires JavaScript.

4 na obstacle course ang pagdadaanan ng bawat isang aspirants. 2 set ng obstacle course na ang una ay solo ride at ikalawa ay me angkas sa bawat set. Hindi ito madali para sa lahat…kahit ang mga mukhang sanay na sa pagsakay sa motorsiklo ay sumasablay pa din lalo na yung mga big bikes.

Humigit kumulang 20 lang siguro sa kabuuan ang dumalong lady riders…napakaliit pang bilang kung tutuusin pero maganda ng pasimula.

Ang aking partner sa angkasan…si Jameson. Ang kagustuhan niyang magkaroon ng dreadlock na buhok ay idinaan na lang sa kanyang helmet.

img20161023160115 img20161023160122

Mawawala ba ang mga tusok tusok?

Sa layo ng pinanggalingan ng mga riders, tiyak ang gutom na inabot ng mga ito at salamat sa mga maaagap na riders din na piniling magtinda na muna ng makakain kaysa makadalo ng training sa ngayon.

This slideshow requires JavaScript.

Pritong manok, calamares, dynamite, shanghai, fishballs, kikiam, hotdogs, pansit at mga nakapack na ulam at kanin. Pero ang best sellers ay ang mga softdrinks at yosi ahoooo.

Napakaganda ng naging pagbati sa akin ng mga kasamang ito…hindi ko na sila mamukhaan pero sila ang mga nakasama ko sa Natividad… unang long ride na naranasan ko.

Sayang at di ko nakunan ang napakasayang kaway nila ng mamukhaan ako….ay si blogger…ang sabi ng isa hahaha.

Inabot ng pasado ika-7 na ng gabi ng matapos ang pagsasanay at magsimula ng magsiuwi ang mga dumalo.

Mula sa Batch 22 Marikit Group 9 #24 saludo ako sa inyo at sana makadalo ako ng mga pagsasanay pa para sa emergency.

Hanggang sa muling pagsasama-sama Ahooooh! Ahoooooh!