Taal Volcano – The Next Spot at Ang Sitwasyon Ngayon

Abril 23, 2012

Well paano ko nga ba malilimutan ang araw na ito, una, nakasama ko ang 2 most treasured friends ko…si Yetsky at Ta Au…mas kumpleto pa sana kung kasama si Robin (esposo ni yetsky), si Ino (esposo ni Ta Au) ay naroon din. Hindi madalas kahit noong magkakasama pa kami sa dating trabaho na umalis kaming ang dahilan ay lakwatsa lang kaya talagang tuwang-tuwa ako sa bonding naming ito.

Next destination…Taal crate. Di na mabilang ang punta ko sa Talisay ngunit kahit minsan ay hindi pa kami nakaakyat sa Taal Crate kaya di ko alam ang daratnan ko doon. Gaya din ba ito ng Pinatubo na kailangang magtrek pa?

Bagong experience kasi first time na sasakay ako ng kabayo at ilalakad ng kulang sa isang oras…hahaha umiral na naman kaduwagan ko at talagang naninigas katawan ko noong una, yun pala ang dapat lang ay relax at isunod ang galaw ng katawan sa galaw ng kabayo.

Mula sa Talisay ay kailangang sumakay ng bangka para makarating sa Pulo.

This slideshow requires JavaScript.

At mula sa Pulo ang mga kabayong pwedeng maarkila para umakyat sa Taal. Mga nasa halos isang oras din itong pangangabayo.

This slideshow requires JavaScript.

ang mismong Taal Crate

This slideshow requires JavaScript.

at mawawala ba ang pamosong jump shot!!

This slideshow requires JavaScript.

Ok till next lamyerda ulit…see you soon!

 

______________________________________

 

Ito ang masayang kwento ng Taal noon, ngunit Enero 12, 2020 ay pumutok ito ay nagsimula itong nagkalat ng mga abo at magbuga ng batong galing sa bulkan.

Sa kasalukuyan ay nasa evacuation centers na ang mga nakatirang sakop ng 17 km radius. at narito ang ilan sa mga kuha kung ano na ang hitsura ng mga kabahayan at kabuhayan sa Pulo sa paglipas pa lang ng 3 araw.

This slideshow requires JavaScript.