Nagawi na ba kayo sa Moriones?

Noong isang araw ay ‘ash Wednesday’ na. Nagsabi ang partner ko na magisisimba daw siya at siyempre umuwi (sa kanila po di dito sa amin hehe) na me krus na abo sa noo. Naalala ko lang noong mga limang taon na din siguro ang nakakaraan ng ako ay magawi sa Marinduque ng mahal na araw. Siyempre sikat iyon sa Moriones Festival at gusto ko din namang masilip kung ano ba meron doon.

unang sakay ko po ng barko ito

unang sakay ko po ng barko ito

Pero sa totoo lang, ang talagang excitement ko e di yung morion, bonus na lang yun, yung pagsakay ko po sa RORO ang highlights ng aking adbentyur dun hehe. Kahit ba 4 na oras lang mula sa Lucena hanggang Marinduque e at least naexperience ko nyahhaha!

tweety-bird606

sagwa ng hilatsa ng mukha hehe

sagwa ng hilatsa ng mukha hehe

Nalibang ako sa piktyur piktyur ng mga nakamaskarang moriones sa aking celfon na 6600. Hala ng panahong iyon ay medyo siga ka na kapag me 6600 kang celfon. Hindi naman ako binigo at kahit paano ay nakapag-uwi ng konting subinir. Maliban sa maskara painting na dinaluhan namin sa halagang P25 meron ka ng kaunting pintura na maaaring magamit sa blankong maskara. Me kontes nun na ang premyo ay mula sa Globe. Well, nasilip naman at nadaanan ng mga judge ung gawa ko pero hindi pumasa hehe. Malay ko ba sa color mixing, basta ang alam ko lang e lagyan ng itsura ang damuhong maskarang iyon.

eto po ung maskara painting

eto po ung maskara painting

ang itsura ng matapos

ang itsura ng matapos

tweety-bird6331

siyempre makikigulo din

siyempre makikigulo din

Ang parada nila ay nakita ko pero ang talagang palabas kung saan me putulan ng ulo (nyayyyy!!) sa plaza ay di ko nakita kasi ay mahirap ang sasakyan sa bayan at me kalayuan doon ang tinutuluyan kong bahay.

ito ang pinakacute na morion na nakita ko wanabet?

ito ang pinakacute na morion na nakita ko wanabet?

kanya po ung maskara ipinagamit lang sa akin hahaha

kanya po ung maskara ipinagamit lang sa akin hahaha

kahit po sa beach ay umiikot din sila

kahit po sa beach ay umiikot din sila

ako at ang Marinduque bow!

ako at ang Marinduque bow!

Kaya magkasya na lang tayo sa pagtingin sa kaunting piktyur.

Advertisements

Sa Tuktok ng Pinatubo

Magmula ng manalasa ang Mt. Pinatubo noong July 1991 ay isa na ito sa naging sikat na tanawin sa Pilipinas. Nakilala din ito ng ibang bansa, aba, bakit nga ba hindi e ang abong ibinuga nito ng mag-alburoto ay natikman din ng ibang kalapit na bansa. Ang pinsalang idinulot nito ay talaga namang di matatawaran. Ilang lugar sa Tarlac at Pampanga maging sa Zambales ang binura nito sa kasaysayan.

Si Bryan, Frankie at Erine bago umakyat

Si Bryan, Frankie at Erine bago umakyat

Ngayon sa kanyang pananahimik, marami ang nagtatangkang ito ay kanilang maakyat at makita ang bunganga nitong nagbuga ng sandamukal na abo, lahar at pyroclastic materials. Hindi ko inakalang mabibilang ako sa isa sa mga nakaakyat ng bulkang ito.

mga dadaanan sa pag-akyat

mga dadaanan sa pag-akyat

Nagmula ang lahat sa simpleng blog ng kaibigan kong si Juliet. Dahil sa blog na iyon ay madami ang nagkainteres at nagtanong kung paano mararating ang Pinatubo. Dahil likas na utak negosyante, naisipan nitong magtayo ng isang magke- cater sa mga nagnanais umakyat. Mula sa sasakyang susundo sa airport hanggang sa paghahatid mismo sa Pinatubo at pag-aasikaso ng kakainin.

Nangyari ito noong Pebrero 6 taong kasalukuyan, pinuntahan ako at inalok na makisabit sa magiging lakad ng 3 nilang parukyano. Me susunduin kasi siya sa airport ng Clark para sa batch naman ng susunod na araw at mas marami ang mga iyon. Si Jessica, ang panganay nilang anak ang aking nakasama. at doon na nagsimula ang lahat…

simula ng lalakaran

simula ng lalakaran

Ako ang natoka sa pagluluto ng aming kakainin, gabi pa lang nang aking iluto ang porkchop na ibinabad ko sa tapa mix. Madaling araw naman ang kanin. Alas 6 ng umaga ang usapang magkikita sa Jollibee Capas at pagdating namin ay naroon na ang mga ito. Si Bryan, ang tanging pinoy at si Frankie naman ang British, si Erine ang Amerikana. Mahuhulaan na siguro ninyo na mejo inagasan ng dugo ang ilong ko sa 2 banyagang ito hahaha.

Magmula doon ay tumuloy kami ng Sta. Juliana sa Capas dahil kailangan naming irehistro ang mga ito at doon kami susunduin ng 4×4 na sasakyang siyang maghahatid sa paanan ng Mt. Pinatubo. Halos isang oras din ang nilakbay ng 4×4 at nalibang kami sa piktyur piktyur. Ang dinaanan namin ay yung tinatawag nilang ‘Skyway’, mas madali ng halos isang oras kaysa sa dating daan sa ibaba na umaabot ng 2 oras na lakaran. Di na kakayanin ng 4×4 na pumasok pa sa dakong iyon dahil sa masikip at sobrang mabatong daanan. Nanunton kami sa mga maliliit na sapa at mga batuhan. Sasabihin ko sa inyo na ang tanging nagpaakyat at kung bakit ko nagawang makababa sa Pinatubo ay dahil na lang sa kahihiyan hahaha.

Jessica at Bryan parang di napapagod hehe

Jessica at Bryan parang di napapagod hehe

mga batis na tinatawiran

mga batis na tinatawiran

parang walang katapusang lakaran

parang walang katapusang lakaran

Yung maliit na falls na me malamig na tubig, sarap

Yung maliit na falls na me malamig na tubig, sarap

Paano nga ba hindi magkakaganoon ay mula sa ilang buwang babad sa computer lang at walang excercise ay biglang masusubo ka sa ganoong lakaran, idagdag pa na hindi na din naman prime ang edad ko (aray!!). Pero ang isipin ko pa lang na sumuko at maging pabigat sa mga bisita at kung paano ako mababalik sa kabihasnan kapag ako ay nagkulaps ay di na makaya ng pride ko nyahaha! Yung aming local guide ay nuknukan ng bilis maglakad at ayaw tumigil man lamang kahit saglit. Pinakiusapan ko na lang ito ng marating namin ang munting falls na me tubong daluyan upang makainom ang mga nais uminom. Sabi ko “manong hinto po muna tayo saglit at ng makabawi naman kami.” mabuti at nakinig naman. Kumuha kami ng ilang litrato doon at muling nagpatuoy sa paglalakad.

Yung akala kong walang katapusan ay natatapos din pala. Kahit na talagang hagok ako sa paglakad at panaka nakang pag-akyat ay sa wakas eto na ang Pinatubo. Bago mo marating ang pinakatuktok ay me dadaanan kayong mga hagdanan at sa mga taong pagod ang hagdanang iyon ay talagang parusa pero balewala na ang lahat kasi ay alam naming bunganga na ang kasunod.

Ang lawa sa tuktok ng Pinatubo, Yahoooo!

Ang lawa sa tuktok ng Pinatubo, Yahoooo!

At tunay nga namang napakaganda ng tanawin. Kulay berde ang tubig ngunit malamig. Me ibang lugar kang pupuntahan para sa hot spring. Pasado alas 9 lang ng umaga ay naroon na kami. Nagpahinga ng 2 oras, kumain ng tanghalian at yahooo lubluban na. Me ilang kasabay kaming mga turista, madami ay foreigner at ilan lang ang mga pinoy na nagsisiligo din. Malalakas ang loob ng 2 naming kasamang babae at ako, ano ba ang maaasahan kundi ang magmistulang suso sa gilid sa takot na mapalalim. Pero kapag di ka sanay sa lamig ng tubig, baka lublob pato lang ang mangyari at umahon ka na.

ng tumirik ang sinusundan naming 4x4

ng tumirik ang sinusundan naming 4x4

Nakisama ang araw sa aming pag-akyat, halos hindi ito sumilip at nang kami ay maligo saglit naman itong nagparamdam sa amin. At least yung takot sa sunburn ay hindi nangyari. Ang pag-uwi ang pinakamalupit sa lahat. Dahil sa pagod ay totoo ngang halos ayaw ng sumunod ng mga paa sa paglakad. Ang siste, nagsimulang manakit ang aking kaliwang tuhod na paminsan minsang nagpaparamdam na. Talagang humihiyaw ako ng tahimik sa mga pababang lugar na aming dinadaanan. Natatakot akong bumigay na lang ito at ako ay malinsaran ng buto o magtuloy tuloy na mahulog. Mas mainam sa aking kalagayan ang pag-akyat kaysa pagbaba. Lahat na ng klase ng lakad ay aking ginawa, patagilid, papiki, pasakang para lang maramdaman ang konting ginhawa. Alam kong lubhang napwersa ang ligament ng aking mga tuhod at wala man lang kasing warm up na nangyari. Iyon ang una kong pagkakamali.

Si Bryan at ako, kasuwerteng lalaki hehe

Si Bryan at ako, kasuwerteng lalaki hehe

Ang 3 bisita

Ang 3 bisita

Nang pauwi na ay di na nakakapagod, kundi lang sa sakit na nararamdaman ko ay tiyak na lalo akong mag-eenjoy. Ang nangyari kasi ay matinding will-power at kagustuhang maisalba ko ang karanasang iyon tanging nasa isip ko… at siyempre maisalba ko ang labis na kahihiyan. Ang sabi ko sa sarili ko, kapag nakita ko na yung 4×4 un na ang pinakamasayang bahagi ng aking inabot. Isang mahaba at malayong pag-akyat ang aming dinaanan na talaga namang susukat ng husto sa inyong resistensiya, as usual si manong di pa din humihinto o naghihinay-hinay man lang sa pag lakad kaya pagdating sa dulo ng mahabang paakyat na lakarang iyon ay sinabi ko uling ‘manong pagdating sa dulo hinto po tayo’. Ngunit di na pala kailangan, kasi nasa dulong iyon na ang 4×4. Yahoooo!

sa piling ng mga aetas (katutubo)

sa piling ng mga aetas (katutubo)

ibalandra ba pagmumukha hahaha

ibalandra ba pagmumukha hahaha

Nagrequest ang aming mga bisita na bisitahin ang lugar ng mga aeta o tinatawag na aeta village. Idinaan naman kami ng aming driver at sa isang medyo mataas at tagong lugar ay may ilang pamilya kaming inabutan. Sa dadalawang pinagtagni-tagning bubong at dingding na dahon ng saging (pasintabi po pero mas mainam pa ang kulungan ng mga baboy) ay naroon ang humigit kumulang na 20 aeta, madami ay mga bata. Iniimagine ko lang kung paano sila nagkakasya sa gabewang na taas ng kanilang ‘bahay’ at paano sila sa panahon ng ulan. Kasama nila sa lugar ang isang buntis na baboy na kulay itim at ilang manok.

Totoong napakamiserable at di maiwasang di kumirot ng puso ko sa nakikitang kahabag-habag na kalagayan nila. Lahat ng kung anu-anong lamang pwedeng makain sa aking bag ay isinentro ko sa kanila. Nanghihinayang na kahit ilang balot ng biskwit man lang ay hindi ako nakabili, di ko kasi alam na dadaan kami sa kanila. Kaunting usap at hingi ng permisong sila ay makunan, buong galak naman nila kaming pinaunlakan. Nangako ako sa sarili kong sa susunod na pag-akyat doon ay magdadala ako ng mabibitbit para sa kanila.

si Mr Monkey sa Spa Town

si Mr Monkey sa Spa Town

Maaga kaming nakarating sa Sta. Juliana, kung saan ay naroon din ang spa town. Naka-skedyul ang mga bisita na magpa-ash spa o yung pagtatabon ng mainit na buhangin sa kanila sa loob ng kalahating oras. Sarap na sarap ang mga bisita sa relaxationg naramdaman. Kasunod niyon ay ang paliligo ng malinis na tubig.

Mga ilang tips sa pag-akyat sa Pinatubo:

1. Wag magdadala ng mabigat, limitahan lang ang dadalhin para di mahirapan sa pag-akyat.

2. Mag warm up ng ilang araw para di mapwersa ang mga ligaments at muscles at maiwasan ang anumang sakunang kaugnay nito.

3. Wag puputulin ng sagad ang mga kuko sa paa. Makakatulong ang mga ito na hindi gaanong masaktan ang paa niyo.

4. Magsuot ng rubber shoes o anumang kumportableng sapin sa paa para maiwasang di mamaltos at maging kumportable ang paglakad.

5. Wag na kayong tumuloy kung me nararamdaman o kaya ay sakit sa puso. Walang signal doon at mahirap ang pagtawag ng emergency sa ganoong lugar.

6. Siyempre magdala ng camera para sa picture taking ng inyong karanasan.

Maligayang paglalakbay!

Kung nais ninyo ng detalye sa pag-akyat sa pinatubo, maaaring kontakin lamang si Juliet sa: Pinatubotrek

Silipin din Ang Ulo ng Leon, Bow!

Ang ulo ng Leon bow!

Magmula ng maging delikado sa biyahero ang Kennon Road papuntang Baguio, napakadalang ko ng makita ito. Bawal na kasi sa mga bus na dumaan dito at maging sa malalaking truck. Madalas kasi ang landslide dito maliban pa sa mas matatarik at makikitid ang daan dito. Ngunit mas makakatipid ka ng halos kalahating oras kung sa Marcos Hiway o Naguillan Road kayo dadaan.

Si Lhony at ako (pakihula na lang po wahhhh)

Si Lhony at ako (pakihula na lang po wahhhh)

Nang ichat ako ni Lhony at sabihing sila ay pupunta ng Baguio ng kanyang partner na si Marvin, ako na ang nangulit na sumama sa kanila paakyat ng Baguio at doon na lang kami maghiwa-hiwalay. Bakit nga ba hindi ay noon lang kami magkikita ni Lhony. Siya yung tinutukoy kong tumulong sa paggawa ko ng profile sa oDesk at nag-angat ng moral ko hehe. Sabi ko ay magkahuntahan man lang kami habang daan para naman makapag-usap ng personal kahit saglit. Mabuti at pumayag naman si Marvin na isama ako.

hanep sa posing o hehe

hanep sa posing o hehe

Natuwa ako sa dalawang iyon dahil sa dami ng pwedeng pagkwentuhan at sa dami ng karanasan ni Marvin ay hindi naging kainip-inip ang aming byahe. Mabuti at sa Kennon niya piniling dumaan. Namimiss ko na din ang daang iyon. Bagama’t hindi na din mabilang ang pagpunta ko sa Baguio ngunit iilang pagkakataon pa lang na kami ay  madaan doon.

Sinamantala namin ang pagkakataon at nagkodak-kodak ba. Hiniram ko yung MP5 nang pamangkin ko at nakikuha kuha na din. Laking panlulumo ko lang dahil ng isalin ko ito sa computer kahapon, sa di maipaliwanag na dahilan ay hindi nasave at dahil dinelete ko na sa MP5 umasa ako na nasa recycle bin lang ito. at sa aking paghihinagpis, di pala nasasala ang mga daling sa removable disk.

Nandiyan kami promise

Nandiyan kami promise

Lhony at Marvin

Lhony at Marvin

Mabuti na lang at naipadala na ni Lhony yung ilang kuha namin para maibahagi ko naman. Nakarating kami ng Baguio pasado alas-sais na ng gabi. Pagkadaan namin sa Teacher’s Camp upang daanan si Loralie na kaibigan ni Lhony ay nagtuloy na muna kami sa hotel na tutuluyan nina Marvin. Pagkatapos noon ay naghapunan kami sa gilid ng Burnham park at ako ay nagpaalam na. Ayokong maging sagabal pa sa lakad ng dalawa. Alas 9 ng gabi ay pabalik na ako dito sa amin.

Silipin din

Sa tuktok ng Pinatubo

Unang Paghamon sa mga kalahi ni Juan

Kailan lang nang maisip ko na bakit di ako gumawa ng isang blogsite na sa sarili nating wika. Meron akong minemaintain na English blogsite pero iba pa din talaga na malaya kang nasasabi yung mga bagay na gusto mong sabihin na di mag iintindi kung tama ba o hindi yung grammar. O di ba bongga!

At least dito kahit taglish okay lang at siguro di naman ako pagtataasan ng kilay ng mga kritikal sa bahagi na ito.

Ang buhay pinoy ay punong-puno ng iba’t-ibang uri ng karanasan, may nakakaasar, nakakabaliw, nakakabato, nakakagigil, nakakatuwa at madalas ay hinagpis. Ang layunin ko sa pakikibahagi ng aking pananaw ay para bigyang aliw kahit paano ang ‘masaklap’ nating kapalaran. Kung makikita man ninyo akong pumipitik ay dahil siguro sa kailangan naman. Ating pagsaluhan ang iba’t-ibang karanasang ito na kasama kayo. Sa pagpapakita ng kung ano nga ba ang ‘BUHAY PENOY”.

Sa mga Penoy este Pinoy sa ibat ibang dako ng mundo sana matuklasan niyo at magustuhan ang mga nilalaman at lalamnin ng blog na ito. Maging bahaginan din sana ito at daluyan ng mga impormasyong maaaring makatulong sa bawat isa sa atin. Ang lahat ay malaya sa pagbibigay ng komento negatibo man o hindi ay magiging constructive pa din ang ating pagtingin. Bahagi ito ng patuloy na pag-unlad.

Maligayang pagbasa po at pagpalain nawa kayo ng ating Poong Maykapal.