Dancing Inmates of Cebu

Nahyper na naman ako ng mapanood ang dancing inmates ng Cebu sa pinakabago nilang dance video. Di ko mapigil humanga, simple dahil sa nakuha nilang disiplina pagdating sa pagsasayaw. Oo nga’t simple ang mga galaw pero naman…. Ung pagkakasabay-sabay nila at ang kulay itim at orange na combination bongga! Isama pa ang di matatawarang choreographer nila. Hanep ang choreographer lang naman nang nasirang Michael Jackson na si Travis Payne. Sinadya ang nasa 1,200 na inmates para maturuan ng moves at maisama sa ilalabas na DVD ni MJ na pinamagatang “This Is It”. Sa limang araw pa lang na pagkakaupload nito sa Youtube ay mayroon na agad mahigit sa 600,000 na hits.

Nagsimula ang grupong ito ng mga preso noong 2007 ng kanilang isayaw ang Thriller ni Michael Jackson na umani ng ilang milyong hits mula sa YouTube. Nasundan pa ito ng ilang sayaw gaya ng Nobody, Jai ho, The Haruhi Dance at ngayon ay kasama na din sila sa infomercial ng COMELEC hinggil sa magiging paraan sa pagboto.

Sinisilip ko nga kung meron ba kahit chalk na linya ang Peace formation nila sa “This is It” video na ito, kasi ang galing ng porma, pero parang wala akong nakita.

Malaking bagay ang nasimulan at naging libangan ng mga preso rito. Batid kong lahat sila ay nasisiyahan sa tinatamasa nilang popularidad at nakakatulong ito sa kanilang self esteem.

Ipagpatuloy lang ninyo ang magandang libangan mga kakosa!

At Ibinaba Na Ang Huling Telon Para sa King of Pop

michael-jackson-i4

(Michael Jackson (August 29, 1958 – June 25, 2009)

Isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa larangan ng musika, walang hindi halos nakakakilala sa kanya. Sino ba naman ang di makakaalala sa “Thriller” na kung saan ay naroon ang sangkatutak na zombies at naitala bilang “World Bestselling Record of All Time”. Isang talentong walang makapantay, mga paang nag mo “moonwalk” at mga buhay na buhay na pagtatanghal. Ngunit kahapon, Hunyo 25, 2009,  ang pagtatanghal niya ng halos apat na dekada ay natapos at ibinaba na ang huling telon para sa kanya. Siya ay pumanaw sanhi ng sakit sa puso sa edad na mahigit 50.

Michael Jackson1

Sa murang edad na 11 ay nakilala siya bilang pinakabatang miyembro ng The Jackson 5. Pangpitong anak ng Jackson Family. Nagsimula ng solo career noong 1971 kahit kabilang pa sa grupo at dahilan sa angking talento at kakaibang estilo ay tinaguriang “King of Pop.”

michael-jackson3Siya ang kauna-unahang African-American entertainer na nagkaroon ng malaking tagasunod sa noo’y “White dominant” na MTV. Siya rin ang isa sa iilang artists na kinilala sa “Rock and Roll Hall of Fame” at ilang beses na napasama sa listahan ng Guinness World Records bilang pinakamatagumpay na entertainer of All Time. Nakilala din si Michael sa napakaraming intrigang bumalot sa pagkatao niya kabilang ang mainit na child molestation issues, na tanggapin man at hindi ay malaki ang nagging epekto sa kayang karera. Ang walang katapusang pagpaparetoke ng mga bahagi ng kanyang katawan at marami pang iba. Ngayon, siya ay isa na lamang bahagi ng kasaysayan ngunit ang pagiging icon nito ay malalim na ang pagkakatanim sa kanyang mga tagahanga at ang naging ambag niya sa entertainment industry ay di na kailanman mabubura.

king-of-pop-michael-jackson4

At sa pagkakataong ito, ang huling telon ng kanyang buhay ay nagasara na.

Paalam sa isang napakagaling na talento….